32.

169 20 0
                                    

Andito na ako sa tapat ng airport. Sana hindi na ako maghintay ng matagal. Nagpunta ako sa Waiting area. Nakakaboring talaga. Trabaho ba 'tong ginagawa ko? Taga sundo lang. Maya maya lang nakita ko na si Mommy. Kumaway ako. Kasama niya ang dalawang body guards niya. "RR!" Tawag niya sa'kin. Sermon na naman. Hinihintay ko siyang makalapit sa'kin. "Dumaan muna tayo sa Daddy mo."

"Okay." So, inaasahan niya na pala na ako ang susundo sa kaniya. Kumapit siya sa braso ko.

Pinagdrive ko na sila. "Okay na ba kayo ng Daddy mo?" Tanong niya.

Actually, ramdam kong okay na kami. "Ewan." Sagot ko lang.

"Alalang-alala ako sa'yo sa totoo lang. Daddy mo ang nagsabi sa'kin na natuluyan ka na daw makulong, sinundo ka lang ni Rogelio. Paano pala kung walang pera? Mabubulok ka na sa bilangguan."

Umiling lang ako. "How many 'Hindi na mauulit' do I have to say, Ma?"

"How many crimes do you have to do to receive those words came from you?"

"Kailan ko ba sinabi 'yan? Ngayon lang 'di ba?" Ganito kami 'pag nagkikita, iisipin ng hindi nakakakilala sa'min na nag-aaway kami.

"Sana nga totoo na 'yang sinasabi mo."

"Kain muna tayo." Hindi ko talaga siya niyayaya. Bahala na silang magyaya sa'kin pero kung hindi ko gagawin, hindi mangyayari kaya medyo kailangan ko din na gumawa ng paraan. Nakakasawa nang kumain mag-isa. Hindi naman madalas na kumain ako mag-isa dahil kadalasan kasama ko ang mga kasambahay at si Ate Paulina.

"Busog pa ako." Umuling ako. "Mamaya na pag dating natin sa office ng Daddy mo. Sabay sabay na tayo."

Wow! Ano 'to, first time? Parang imposible. Sabagay, noon kasi pag nangyayari ito, hindi naman ako nagyayaya. Nakarating kami sa office ni Dad. Parang bata lang ako sa kabila ng itsura kong ganito. Palibhasa kasi naka pantalong maong ako. Hindi ako naka office attire. Hindi naman kami agad nagpansinan ni Dad pero nagyaya si Mommy na kumain kaming tatlo. Sana nga mapag-isip isip naman nilang magkaroon ng time sa'kin. Nagsisisi na nga ako tapos lalo pa silang walang time. Umorder kami at nagsimulang kumain. Masaya ako pero hindi ko alam kung magiging ganito kami lagi. "RM! Ano ang plano mo?!" Tanong ni Dad.

Tutal, kasalanan ko naman ang lahat, aayusin ko na. Para na rin sa kaligayahan ko. Basta sana lang huwag nila akong pigilan sa gagawin ko. "Dadalawin ko ang resort tapos magtatayo ako sa mall ng stall." I said. Naisip ko 'yun para matuto sa mas malaking responsibilidad. Napansin kong nakatingin sila pareho sa'kin. Seryoso. Ano kaya ang iniisip nila?

"R, ano naman ang plano mo?" Tanong ni Mommy.

"Wala lang. Gagawin kong training ground ang ganun." I said as we're eating. Sana maging ganito kami lagi.

"Ang maliit ay pareho sa malaki. At ang naisip mo ay pagsasayang ng pera. Ano ang ibebenta mo? Sumbrerong pang tambay at gamit pang basketball? Kung ano anong gusto mo? Hindi ka matututo kung malugi ka. Pero natutuwa ako dahil plano mong matuto."

Napatigil ako sa pagkain. "Dad, kahit eroplanong sumabog sa ere ang pagmamay-ari mo. Hindi ka malulugi. Kaya pumayag ka na. Kung malugi man ako, may next time pa naman."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Umiling si Dad. "Kahit piso pa ang malugi sa'yo, talo ka. Pag-aaksaya parin 'yun. Paano ka magtatayo ng negosyo sa lugar na maraming kakompitensya? Katangahan 'yun? Nagtapon ka ng pera. Kahit gaano kaliit ang pera, mas maganda kung dadalhin mo sa sigurado. Wala ka kasing alam kaya ginagawa mo lang laro ang lahat!"

Wala akong sama ng loob this time pero kailangan kong ipakita na galit ako dahil 'yun ang image ko. "Ano ang gusto niyong gawin ko?!" Umiling lang ako.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now