39.

162 21 0
                                    

"Bro kamusta na?" Bungad ni Waine. Tinawagan niya ako.

"Eto ayos lang. I'm just 2 months here. Hintay mo na lang ako." Sagot ko habang nakasilip ako sa Facebook.

"I can't believe na nagagawa mo 'yan. Ikaw pa na ubod ng tamad."

"Huli na ba ang lahat para magbago? Wether you like it or not, you'll support what I'm doing now."

"Sabi mo eh. Dadalawin na lang kita minsan. Baka may makilala kang stewardes, pakilala mo sa'kin."

"Adik ka talaga sa babae. But ngayon ko lang naisip na nadadala din sa itsura kahit ordinaryong empleyado lang."

"Bakit?"

"Wala lang. Ayoko nang sabihin sa'yo. But sabagay, kahit sabihin ko sa'yo, hindi mo din magagawa dahil imposibleng gawin mo ang ginagawa ko."

"Ano ba ang hindi ko alam diyan? Bukod sa magbuhat na nakakatamad gawin. Kahit dalawang buwan, parang hindi ko maimagine. Buti nakakatiis ka."

Gumagawa ako ngayon ng Facebook para sa Rosen Mark Donez. Kunyari na lang bago. Magpapaantok na rin ako dahil maaga pa akong papasok bukas. "I think, swerte talaga ako. Dahil may mataas na posisyon akong nakilala. Nilipat niya ako sa janitor para gumaang ang trabaho. Buenas din lang pero bonus lang 'yun."

"Janitor? Hahaha!" Nakakainis ah. Hindi ko naisip na pagtatawanan niya ako. "Bro, sana sa'kin ka na nag-apply para hindi ganiyan."

"Sira! Ano ang trabaho ko diyan? Taga tingin ng chiks kung pwede na sa'yo dahil mas mataas ang standards ko."

"Baliw, hindi naman ako seryoso kaya feeling mo patol lang ako ng patol basta sexy kahit hindi gaanong class. Teka, matanong kita, ano naman 'yung nauna mong sinabi na hindi ko magagawa kahit sabihin mo sa'kin."

Naalala pa niya 'yun? Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta. Pero sige, sasabihin ko na. Sabagay, malayo ang lugar na ito kaysa sa lugar namin kaya baka twice a week siyang pumunta dito. Bahala na. "Eh kasi Bro, mas lumawak ang mundo ko dito dahil maraming babae ang nakakasalamuha ko. May secretary, janitress na may itsura, may ibang babae na taga linis ng eroplano at may flight stewardes, iba pa 'yung mga tindera sa cafeteria at mga makikilala ko sa lugar na tinitirhan ko. Araw araw akong pwedeng mag-uwi ng babae kung gugustuhin ko. Dahil hindi ko kasing pogi ang mga lalaki dito. I'm almost a casanova if I might be."

"Ganun ba? Yabang. Marami din naman dito. Akala mo maiinggit ako. Sus."

"Pero iba ang mundo ko. Mababa ang tingin sa'kin ng mga tao dito kaya itsura lang ang gusto nila. 'Di tulad ng mga babae diyan, kailangan mo pang maglabas ng pera. Dito baka ikaw pa ang gastusan. Mahirap iexplain kung hindi mo magets."

"Well, I get your point. Parang babae na ang lalapit sa'yo diyan at alam ng babae kung kailan ang sahod mo at magkano ito at lalong alam nila na hindi ka mayaman. So, it's a site of interesting to be found."

"Pero kung sex lang ang habol mo, kawawa ang babae kahit alam niyang hindi ka seryoso. Maghanap ka na lang ng babae na seseryoso sa'yo. Mahirap man o mayaman basta kaya niyang tanggalin ang damit mo sa katawan para labhan at hindi para hubaran ka lang. Magbago ka na Waine. After nito, magiging busy na ako or magnenegosyo ako na hawak ko ang oras ko kung papayag si Daddy para may happenings tayo kahit papaano."

"Hindi pa ako ready. 30 years old na ako maghahanap."

"Maghahanap pa lang?"

"Oo, at magnegosyo ka na lang para hawak mo ang oras mo minsan."

"I supposed to choose my Dad's decission and I follow him from now and so on. Magbabago na ako dahil 10 years na akong walang ginagawa."

"Sawa ka na?"

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now