47.

46 2 0
                                    

Lumipat kami ng pwesto ni Maico. Kung saan namin pwedeng hintayin si Ken. Humiga na lang ako habang naghihintay kami. Sana naman hindi na niya maisip na tuksuhin pa ako. "Padating na ba daw siya?" Tanong ko as I closed my eyes.

"Oo, ngayon na." Hindi na ako umimik. Pabalik balik ang nararamdaman ko. So, totoo nga na cancel ang date niya. Sabagay, marami pa namang araw. Ilang ulit ko mang isipin na gusto ako ni Ken.. maraming dahilan na pumipigil para hindi ko isipin na gusto niya ako. Pafall! 'Yan ang kadalasan na linya ng babae na pwedeng sila din pala ang gumagawa. Mahalay lang talagang banggitin ng lalaki sa seryosong paraan. "Hindi napigil ng birthday ni Queenie pero napigil mo." Sabi ni Maico kaya napatingin ako sa kaniya. Parang may laman 'yung sinabi niya.

"Bilang kaibigan na nawala. Nag-alala siya siguro. Mas mahalaga 'yun sa ano mang okasyon. Okasyon lang 'yan pero ang nawalang kaibigan ay mahalaga."

"Nawalan ka na ba ng kaibigan?"

Himinga ako ng malalim. "Sa totoo lang hindi pa."

"Bakit ka nakakapagsalita ng ganiyan?"

"Dahil siguro may nag-aadvice sa'kin ng mga bagay in general." Tumingin ako sa kaniya uli at ibinalik ko sa diretso ang tingin ko.

"Isa lang ang nakikita ko." Gusto kong malaman kung ano man ang nakikita niya. "Hindi mo pa lubos na kilala si Ken. Sa tinagal tagal kong nakasama si Ken ay alam ko kung kailan siya masaya." Nakikinig lang ako. Naalala ko ang sabi ni Leni. Masaya si Ken pero may lungkot sa mga mata niya. Mukhang malalaman ako ang totoo ngayon. "Halos makalimutan nga niyang may boyfriend pala siya noong araw na problemado siya sa nangyari sa inyo ni Danilo." Dumilat ako. "Kaya alam kong kahit sinasabi niyang masaya siya sa boyfriend niya, sunod lang siya sa agos."

I used to go with the flow pero walang nangyayari sa buhay ko. Kaya ito ako ngayon. Gumagawa ng paraan para maging maayos ang lahat. "Ano ang gusto mong palabasin Maico? Hindi niya mahal ang boyfriend niya?"

"Ganun na nga." Natitiis niya 'yun? Parang ang hirap paniwalaan. "Pero huwag na huwag mong babanggitin sa kaniya ang lahat." Nagkatinginan kami. "I mean, huwag mong ipamukha sa kaniya na malungkot siya."

Hindi pwede 'yun. Kailangan niyang malaman ang lahat. "Pwede ko siyang tanungin kung masaya siya sa boyfriend niya para malaman niya ang sagot. Cancel ang date nila. Kung masaya siya sa boyfriend niya, pwedeng sa phone na lang kami mag-usap dahil natatakot siyang magalit o madismaya ang boyfriend niya."

"Bago lang sila. Si Ken ay isang Prinsesa kaya malabong sa maliit na bagay na 'yun ay iwan siya ng boyfriend niya."

Nagulat ako. "Kailan pa naging sila?"

"Noon araw na nawala ka." Huminga siya ng malalim. Dahil tahimik sa loob ng kotse ay rinig ang detalye ng bawat kilos namin. "Hindi niya kailangang malaman na malungkot siya sa boyfriend niya. Dahil malalaman niya 'yun ng kusa. Gusto niyang mag-inom ng mga oras na 'yun pero naalala niyang may boyfriend pala siya. Ang babaing may boyfriend sa unang araw pa lang ay inspired. Pero siya ay hindi."

"Paano niya malalaman ang lahat?" Nagtanong ako pero akala ko talaga matagal na sila ng boyfriend niya. Hindi pa pala ganoon ka-tibay. So, she's single when I met her? Dapat pala inalam ko kung alam ko lang. Pero manliligaw siguro? Maybe. Mas masasaktan pala ako kung sinagot niya ang manliligaw niya habang alam kong nanliligaw pa lang. Ewan pero nabawasan talaga ang sakit.

"Gusto kong maging masaya siya. Bago ako mag-asawa ay kailangang may asawa at masaya na siya. Hindi ko ito ginagawa dahil sa hindi ako makasarili, ginagawa ko ito dahil ayoko na siyang makitang malungkot. Kung guguluhin mo ang isip niya, malamang in love ka sa kaniya. Kaya sige, baka nga in love din siya sa'yo. Ipapaubaya ko muna ikaw sa kaniya. Pero masakit ang katotohanan na pinipigilan niya ang sarili niya sa'yo kaya siya nagboyfriend. Masakit 'yun. Ayoko din naman na hindi niya mapag-aralang mahalin ang boyfriend niya at lalong ayokong magkamali siya ng desisyon. 'Yung tipong mas masaya sana siya kung ikaw o iba ang nakatuluyan niya. Malabo pa sa ngayon na ikaw dahil pwede pang mabago ang lahat. Hindi ka mayaman pero hindi naman imposible."

Expect The UnexpectedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora