52.

30 2 0
                                    

Biglang nag-ring ang telepono ni Waine. Pwede ko naman sigurong tignan kung sino ang tumatawag. Nabasa ko ang pangalan ni Maico? Close na ba sila? Sagutin ko kaya? Napatingin ako sa natutulog na si Waine. Bakit ganitong oras ng gabi siya tatawag? Tropa sila? Bahala na. Wala naman akong paki kung may lihim silang dalawa. Basta ang mahalaga, tumigil ang pag-ring ng phone niya. Alam ko na.. "Hello!" Bungad ko. Kunyari kakagising ko lang. I'm gonna tell na iba ang name na nakasave dito kaya hindi ko siya kilala.

"Hello, Rosen!" Nakilala niya ang boses ko?!

"Sino 'to?" Kunyaring tanong ko.

"Si Maico 'to. Alam kong gising ka pa. Ikaw talaga ang plano kong kausapin." Napalunok ako. Bakit kasi may contact number si Waine kay Maico? Hindi ko naisip 'yun ah at hindi ba siya nagtaka kung bakit hindi ko siya nakilala?

"Bakit?"

"Wala lang." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Masaya si Ken, alam natin 'yun. And congrats."

"Congrats?"

"Yeah. It means, ikaw ang pinili niya."

"Alam mo Maico, hindi pa tapos ang lahat. Wala naman kaming ginawa kundi mag-inom lang at magkwentuhan."

"Pero halata na gusto ka niya at mas mataas pa sa iniisip mo ang pagkakagusto niya sa'yo. Hindi naman sa minamaliit kita pero hindi ka pa namin lubos na kilala. Mahirap nang bigyan mo ng kahihiyan si Ken."

Kahihiyan. Walang kahihiyan kung hindi nila ako huhusgahan. "Kung pagmamahal lang ay huwag niyo akong kwestyunin. Pinapanalangin kong maging kami na talaga pero may mga bagay pa akong hindi pinagtatapat sa kaniya dahil natatakot ako."

Natatakot akong ipagtapat ang lahat dahil baka magbago ang isip ni Ken. Natatakot ako. "Bakit hindi mo sabihin sa'kin?"

"Si Ken ang pinaka-kahanga-hangang babaing nakilala ko. Alam kong pwedeng magbago siya."

"Sabihin mo nga para alam ko. Hindi kita huhusgahan."

Huminga ako ng malalim. "Marami na akong pinagdaanan. Umibig na din ako. Rebelde sa magulang. Nakulong."

Matagal bago siya sumagot. "Ha-halata naman sa'yo na medyo badboy ka nga. Magbago ka lang, siguradong magiging maayos ang lahat."

"Nag-aalala lang ako na baka magbagong bigla si Ken kung makikilala niya ako ng husto."

"Natatakot kang iwan ka niya?"

"Hindi ako natatakot masaktan dahil nasaktan na ako. Hindi kasi ako karapat-dapat kay Ken gaya ng nakaraang pagkasawi ko. Ayoko nang maulit pa 'yun pero wala naman akong magagawa kung mangyari uli. Kaya kung inaalala niyo si Ken.. hindi siya masasaktan dito, kundi ako dahil walang dahilan para saktan ko siya."

"Naiintindihan ko."

"Sana nga. Hindi man niya ako kayang ipagmalaki, magiging mabuting asawa ako kung sakali."

"Pinasaya mo siya kaya tingin ko naman ay hindi ka niya iiwan. Ang inaalala ko lang ay ang Daddy niya."

"Wala akong pakialam sa magulang niya. Basta mamahalin ko siya. Kung maghiwalay man kami ay hindi ko na kasalanan 'yun. Alam kong hindi ako nagsumikap kaya hindi ako karapat-dapat sa kanila. Wala naman akong magagawa doon."

"Hindi si Ken ang tipo ng tao na basta basta kang iiwan."

"Nararamdaman ko 'yun pero ano mang oras ay pwedeng magbago ang lahat."

"Don't be afraid to happen it again. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay katayuan sa buhay ang basehan. Hangga't pwede naman bakit hindi. Ipangako mo lang na sasaya sa'yo si Ken."

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon