15.

359 9 0
                                    

Ilang araw ang lumipas. Iniiwasan ko si Jordan dahil plano ko na siyang hiwalayan. Naisip kong hindi ako ready sa pakikipag-relasyon. Ilang beses niya akong sinundo pero hanggang doon lang. Isa pa, sinubukan kong hindi kausapin si Rosen pero hindi ko siya maiwasan. Dahil sa naisip kong pwedeng mangyari, I'm totally distracted. Madalas, nakayuko lang ako sa table ko. Pinapasa ko ang trabaho sa iba pag hindi ko natapos. I had attended the meeting pero wala sa meeting ang atensyon ko. Parang mas lalo pang lumala ang buhay ko ngayon kaysa noon. Ano ba talaga ang gusto ko?

Lumapit ako sa kaibigan kong Psychiatrist. Nagkwento ako ng mga pangyayari sa buhay ko. Walang kulang. Nag-isip siya bago nagsalita. "Alam mo, kung nagsasawa ka na sa buhay mo, make it different. Kaya siguro nagustuhan mo si Rosen, kasi iba siya sa mga nakilala mo. Ayaw mo naman ang ituring na Prinsesa, so hiwalayan mo ang boyfriend mo. Hindi pwedeng hindi ka masaya sa pinasok mo. Change your life style. Ayaw mong mawala ang mga kaibigan mo dahil alam mong masasaktan ka, kaso, kailangan mong masaktan sa alam na kadahilanan para pag nakamove-on ka, sasaya ka na. Hindi ko naman sinasabing dapat kang iwan ng mga kaibigan mo, ang akin lang, masyado kang perpekto." Miski ako sa sarili ko, alam ko 'yan, nai-advice na miski ni Rosen. Pero paano nga ako masasaktan kung walang nananakit o mananakit? Ayokong may manakit sa'kin pero bakit 'yun ang kailangan ko para sumaya? "Kailan ka ba huling ngumiti?"

Binalik ko ang isip ko sa nakaraan. Pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Rosen. "Actually si Rosen ang Huling nag-pangiti sa'kin. Rosen is nice, he's even funny after all so, I oft do it everytime na nagpapatawa siya. Ano ba ang meaning ng pagtawa na sinasabi mo?"

Nag-isip siya.... "Medyo kasama ang feelings. Hindi lang dahil nakakatawa kaya ka tumatawa. 'Cos you respect the person who made you smile. Imagine, what if iba ang nagsabi ng mga sinasabi niyang patawa?"

Ako naman ang nag-isip. "Kasi sabihin lang niya ang isang simpleng salita like 'Masipag ako' or 'Mabait ako' very contradiction kaya nakakatawa. Mabait naman siya pero may ugali siyang kakaiba nga. I understand you na hindi nga ako mahilig tumawa lalo kung hindi ko kilala. Sa mga kasambahay at si Daddy, napapatawa nila ako. Pero parang kakaiba si Rosen kasi walang effort na nakakapagpatawa siya kahit hindi niya sinasadya."

"Hindi siya kakaiba. Ngayon ka lang kasi naka-encounter ng katulad niya. Bakit ba siya ang topic natin? Kasi siya ang nakapagpangiti sa'yo. Isipin mo kung mawala siya?"

"Nawala na siya, medyo nanghinayang ako dahil akala ko hindi na siya papasok."

"Medyo?"

"Medyo oo."

"May natatandaan ka bang sitwasyon na sumaya ka noong nakita mong pumasok siya?"

"Hindi na ako magsisinungaling. Kasi pag ginawa ko 'yun, useless ang advice mo. Ganito 'yun, I had a very important date with my boyfriend, I cancelled para makita siya. Pero ang akin lang, hindi kasi ako natatakot na mawala si Jordan. Ayoko nga ng tinuturing akong dyosa kaya naisip kong gumawa ng ganun. At isa pa, sa sobrang pagkagusto niya sa'kin, hindi dahilan ang pagcancel ko ng date namin para maghiwalay. Malakas ang loob ko na gawin 'yun pero siguro kung takot ako sa kaniya, baka hindi ko nagawa."

"Nakipag kita siya sa'yo kaya mo nacancel ang date?"

"Hindi. Pero para makita siya, I cancelled my very important appointment."

"Gaano na kaimportante 'yun? Kailangan kong malaman kasi baka mamaya, pareho lang kayong gustong umiwas dahil commited kayo sa isa't isa, hindi niyo magawa."

"He prepared for a romantic dinner. Nasa ayos na ang lahat and I was the piece of puzzle to be completed whatever it was. Ganun ka importante."

"Importante nga. Sa nakikita ko, masaya ka sa company ng janitor na 'yan."

"Actually, hindi naman kasi porke janitor ang trabaho, janitor na siyang matatawag."

"Yeah I know. Pero hindi man siya janitor, mababang uri ng tao siya." Magsasalita sana ako pero. "Huwag mo na siyang ipagtanggol. Just go whatever you want to make yourself not become so weak. Alam ko na ang sasabihin mo sana."

Nagtaka ako. "Ano?"

"Sasabihin mong hindi siya mababang uri sa paningin mo? Tama ba? Sinubukan lang kita."

Oh my, she's absolutely right. "Ano ang ibig sabihin nun?" Hindi na ako nagtaka kahit ngayon lang ako nakipag-usap sa isang Psychiatrist. Alam ko na ang strength nila. Nababasa nila ang isip ng tao ayon sa mga kwento lang. Kaibigan ko siya pero as a person, not as her Job. But now I talked to her as a normal client.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Kung masaya ka na nakakasama mo siya, then do it. Kausapin mo siya kung buka pa lang ng bibig niya, tumatawa ka na. Hindi nahahalata na masaya ka kasi ayaw mong aminin miski sa sarili mo na masaya ka sa company niya. As your friend, I adviced you to be true to yourself. Huwag mong dayain ang sarili mo. 'Yun ay kung hindi ka nagsisinungaling sa'kin. Dahil kung nagsisinungaling ka sa'kin, nagsisinungaling din ako. Very unnatural pero 'yun ang nakikita ko ngayon."

Ngayon. Naglalakad ako papuntang office. Nagkita kami ni Rosen. Saka ko naisip na iba nga ang pakiramdam. "Kamusta?" I greeted him.

"Okay lang. Bakit ganiyan ka makatingin."

Oh my. "Wala! Masama bang tignan ka?"

"Oo masama lalo na kung mukhang pinag-iisipan mo ako ng masama."

Tinulak ko siya. "Bakit ka ba ganiyan sa'kin, Rosen?" May dala siyang mop. Hindi tulad ni Danilo noon. Ngayon ko naisip na hindi pagkakamali ang pagtanggap sa kaniya. Malayo ang agwat ng mga tao kaya hindi naman kami mukhang may pinag-uusapang iba.

"Dahil perdigana ka." Ngumiti ako. Hindi naman talaga ako galit. Alam kong alam niya 'yun. "Magtatrabaho pa ako." Iniwan niya akong bigla. Pasaway talaga. Napailing lang ako. Sabagay, marami pa namang oras.

So, naglakad ako. Naisip ko ang salitang perdigana. May napansin akong empleyadong lalaki habang naglalakad ako. "Pwedeng magtanong?"

"Sige po, Ma'am."

"Alam mo ba ang meaning ng perdigana."

Nag-isip siya. "Marunong po ba kayong magdama? Kasi 'yun lang ang alam kong perdigana eh."

"Dama? Yeah, So many times I had played it when I was a child with my cousins. Bakit?"

"Ganun po 'yun pero ang kaibahan lang, kailangan mong magpatalo para manalo."

"What?" Nawirduhan ako.

"Hindi mo po dapat kainin ang pyesa niya pero wala kang magagawa kung ipakain niya dahil kain kung kain."

I rolled my eyes. "So, kailangan kong ipakain ang pitsa ko para manalo?"

"Opo!"

"Hahahaha!" Napahalakhak ako. Oh my god! Nakita kong nagtaka siya. Sige, thank you. Umalis na siya. Ilang beses niyang binanggit 'yung perdigana na 'yun pero ngayon ko lang nalaman ang meaning. Habang naglalakad ako ay nakangiti ako. Hindi ko maiwasan na isipin ang salitang perdigana. Kaya pala niya ako sinasabihang perdigana o gusto niya sa perdigana dahil nanalo siya pag nagpatalo. I see sa nangyaring interview ko sa kaniya sa first day. Hanggang sa nakaupo ako sa loob ng office ko. Hindi ako makamove-on. Naalala ko na naman ang ginawa niya nung nag-apply siya. Natanggap siya sa kabila nang nagpapatalo siya kaya sobrang nagtataka siya. Ngayon alam ko na. Rosen! Hindi ko makakalimutan ang sandaling tumatawa ako kahit hindi kita kasama. Salamat sa kaibigan kong Psychiatrist dahil inaamin ko na ngayon sa sarili kong ikaw Rosen ang nagpapasaya sa'kin.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon