23.

236 11 0
                                    

Nagising ako. Kinapa ko ang tagiliran ko. Wala akong nakapa. Tinignan ko ang damit ko. Walang pinagbago. Kung ano ang suot ko kagabi, ito parin. Napasapo ako sa mukha. Panaginip lang pala ang lahat. Ang hindi ko alam ay kung panaginip din ba ang paghalik niya sa'kin. Hindi ko alam. Nanghinayang ako kasi nakatulog ako. Hindi ko nafeel ang tagpo na 'yun. Tinignan ko ang sarili ko. Hindi niya ako binihisan gaya ng mga nababasa ko sa libro. 'Yung gigising 'yung bidang babae na iba na ang damit niya. Tapos magagalit siya sa lalaki dahil 'yung bidang lalaki ang nagpalit ng damit niya. Sasabihin ng bidang lalaki. 'Hindi ako manyak. Wala akong planong pag-samantalahan ka.' Naisip kong totoong buhay nga pala kaya hindi mangyayari ang mga ganun. But nangyayari din pala sa totoong buhay 'yung hindi magtake-adavantage ang lalaki kahit lasing na lasing ang babae.

It was a kind of Fiction that happens to me now. Tinignan ko ang oras. 5:30 AM na. Mahaba din pala ang tinulog ko kasi hapon kami nagstart then early night kami natapos. Pero may nakita akong note sa lamesa sa gilid ng kama ko pagkabangon ko. Ano to? Binasa ko ang papel.

"Maraming salamat Ken."

Narinig ko pa ang boses ni Rosen habang binabasa ko ang note. Apektado talaga ako ng mga libro na nababasa ko. Bakit kailangan niyang magpasalamat? Dahil ba masaya siya ngayon dahil sa'kin?

Wait! Hindi kaya pamamaalam na 'yun? Tinawagan ko agad si Maico. "Hello Maico, nasa office ka na ba?"

"Bakit?"

"Basta, may number ka ba ni Rosen?"

"Wala. Bakit? May nangyari ba?"

"Nag-inom kami eh. Nakatulog ako. Pag-gising ko--wala na siya. I'm gonna tell you what happened later. Tawagan mo ako mamaya pag dumating siya ah." Binaba ko ang phone. Nakadama ako ng kaba. Baka huling pagkikita na namin ni Rosen. Huwag naman sana. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Kinakabahan naman ako. Huwag naman sana. Ang note. Bakit may note? Ano ang ibig sabihin nun?

Oh God! Pinasaya Mo ako. Sana naman huwag Mo munang bawiin ang lahat. Please God! Masasaktan ako. Alam kong susubukin Mo ako. Hindi na kailangan dahil kahit anong pagsubok pa ang dumating sa'kin, hinding hindi ako lalayo Sa'yo. Please God! Huwag naman. Umaandar ang kotse ng may tumawag sa'kin. "Hello Maico, ano--"

"Ken!"

"Rosen?"

"Oo ako nga. Bilisan mo, late ka na." Thanks God! Napangiti ako tapos nahuli pa ako ng driver ko na nakangiti. Madalas naman 'yun pero guilty ako this time kaya nahiya ako. Feeling ko alam niya kung bakit ako nakangiti.

"Bakit ikaw ang tumawag?"

"Sabi ni Maico, tawagan daw kita."

"Okay, just wait for me. I'm on my way."

Binaba ko ang phone. May naisip akong idea. Dumaan muna kami sa parlor. Magpapaganda ako. Makakapaghintay naman si Rosen sa office. Kahit magalit siya okay lang. Basta sure akong makikita ko pa siya. Then natapos ang ilang sandali ay pulang pula ang labi ko. Sinadya kong maging obvious na galing akong parlor. Malamang dahil sa maganda na ako before, maninibago parin si Rosen. Malamang sa ugali ni Rosen, baka tumawa siya dahil hindi ko na talaga need pa ang magpaganda. Si Jordan, hangang hanga sa ganda ko. Kaya lalabas, baka maging pangit pa ako sa paningin niya 'pag nagkataon. 'Yung nababasa ko sa libro na sa halip maging maganda ang bidang babae dahil nagpaganda siya, pagtatawanan pa ng bidang lalaki kaya maiinis si bidang babae. Magagalit tapos magsosorry si bidang lalaki at mag aadvice. 'Hindi na importante ang itsura mo. Minahal kita dahil sa ugali. Hindi mo na kailangang magpaganda.' and then, totoong buhay 'to kaya wala akong paki sa baliw na 'yun kung pagtawanan niya ako. Actually, ikulot lang ako, kamukha ko na ang dalagang bersyon ng Madonna. Sabi ng baklang nag-ayos sa'kin kaso kulang sa oras. 1 hour make-over lang ang kailangan ko. The message is to make Rosen believe that I'm in love right now. Hindi naman siya manhid. Nagpaganda ako sa anong dahilan? Hindi siya tanga para hindi mahulaan 'yun.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now