5.

604 13 0
                                    

"Pinapatawag mo daw ako?" Sabi agad ng taong ito pag bukas ng pinto ng office ko.

"Oo may sasabihin ako sa'yo." Tinigil ko ang ginagawa ko.

"Pakibilisan lang dahil may lilinisin pa ako." Pinakita kong nadismaya ako.

"Ano ba? Kilala mo naman ako 'di ba? Sagot kita sa kanila kaya hangga't ako ang may gusto, walang sinuman ang pwedeng magalit sa'yo dito."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Hindi kita gagamitin dito tandaan mo 'yan. Ayoko nang may maiinis sa'kin dahil sa'yo. Kawawa naman 'yung kasama ko."

"Rosen, walang magagalit sa'yo."

Lumapit siya sa'kin. "Sabihin mo na dahil inuubos mo ang oras ko!" Galit siyang magsalita pero bakit wala akong nakikitang mali sa ginagawa niya? Habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan. May punto ang bawat sinasabi niya. Tama nga naman siya pero gusto kong ipatawag siya. Masisisi ba ako ng kasama niya.

"Oo na!" Umirap ako na tila naiinis din. Umarteng walang alam. Umarteng spoiled sa lahat ng bagay pero alam ko ang sinasabi niya. Rosen, bakit ka ganiyan? Bakit miski yata si Maico, hindi ka kayang tapatan. You're so meaningful. "Kanino mo nakuha ang hover board?"

"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo!" Doon parang natakot siya.

"Huwag ka nang tumanggi."

"Si Miss Maico ba nagsabi sa'yo?"

"Oo."

"Baka trip lang ako nun. Hindi totoo 'yun."

"Rosen, 'wag mo nang patagalin, hindi naman ako magagalit eh."

"Hiniram ko sa bata. Galing silang ibang bansa, inuuto-uto ko lang pero one minute lang. Grabe naman si Miss Maico makasabi na nakahover-board ako maghapon!"

"Wala siyang sinasabing ganun Rosen! Ang sabi niya, enjoy na enjoy ka daw. Dinahilan mo pa daw na mas madali 'yun dahil madali kang makakapunta sa gusto mong area." Pero binantaan lang siya ni Maico, si Maico nagsabi sa'kin na isusumbong siya. But hindi naman gagawin ni Maico 'yun. Kilala ko siya.

"Tama naman eh. Pero alam kong bawal kaya isang beses lang 'yun."

"Pero nagsasabi ka ng totoo? Na mas madali 'yun o nagdadahilan ka lang?"

"Hindi naman playground ang lugar na 'to para sa mga empleyado 'di ba? Kahit totoo naman na madali dahil mas mabilis ang trabaho."

"Umalis ka na. Andami mong sinasabi."

"Yun lang ang sasabihin mo? Namuti na 'yung mata ng partner ko doon. Malapit nang mag-uwian eh."

"Wait mo 'yung ipapadala kong hover board. Para sa'yo 'yun."

Nagulat siya. "Talaga Miss Ken?"

"Narinig mo naman 'di ba? It was clear. Do you want me to change my mind?"

"Yehey!! Thanks!! Sagot mo ako ah!"

"Oo na umalis ka na." Umalis na agad siya. Excited ang timang. Napailing ako. Naalala ko ang sinabi niya.

'Hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Hindi kita gagamitin dito tandaan mo 'yan. Ayoko nang may maiinis sa'kin dahil sa'yo. Kawawa naman 'yung kasama ko.'

Napangiti lang ako. Gusto ko siya dahil kahit papaano ngumingiti ako. Malapit nang mag-out si Rosen. Excited na din naman akong makita siyang nakahover board. After a while ay inutusan ko ang secretarya kong bumili ng hover board. Naghihintay ako at tumayo. Inalis ko ang malaking kurtina sa dingding. Tumayo ako para makita ko kung ano ba ang nasa labas. Tuwing hapon, parang may meaning sa'kin ang mga nakikitang papalipad na eroplano sa harap ko. Malaki ang eroplano hanggang sa lumiit na. Ano kaya ang pakiramdam ng umalis ang isang taong malapit sa buhay mo? Sa unang tingin, ang eroplanong lumilipad na 'yan ay ordinaryong pangpasahero lang. Pero kung ilalagay mo ang sarili mo sa mga taong nakasakay diyan ay malulungkot ka. Pero mas maigi na din 'yung alam mo ang magpapalungkot sa'yo. Gusto kong lumabas ng office para puntahan si Rosen pero hindi naman pwedeng lagi-lagi. Hindi pwedeng kung kailan ko gustuhin na puntahan siya, pupunta ako. Pareho kaming busy.

May kumatok.

Pumasok siya. "Miss Ken, dalawa pong hover board 'yung nabili namin dahil hindi pwedeng isa lang." Sabi ng Secretarya ko.

"Okay sige, pakibigay kay Rosen 'yan then paki sabi din na bahala na siya kung kanino niya gustong ibigay ang kapares."

"Opo, Ma'am." Isang oras pa ang lumipas. Uwian na ng mga empleyado. Pwede nang lumabas ng office. Sumilip ako sa ibaba nang makalabas ako ng section namin. Kita ko ang mga tao sa ibaba. Napangiti ako ng makita ko si Rosen, gamit ang hover board. Halatang naglalaro na lang siya dahil hindi na siya nakauniform. Parang bata naman ang taong 'yun. Kanino niya kaya binigay ang isa?

Bumaba ako. Usually, nasa ibaba si Maico pag ganitong oras. Ang bruha, nakahover board.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon