36.

163 19 0
                                    

"Ikaw ba 'yung bago?" Tanong ng babae sa'kin nang makita niya akong papasok dahil katatapos ko lang magbuhat ng marami. May dala siyang log book. Sino kaya siya?

"Oo ako nga." Simpleng sagot ko sabay taas ng kilay.

"So, Rosen Mark ang name mo?"

"Oo." Nahiya pa akong sumagot dahil pinagpapawisan ako.

Tumango lang siya at umalis na. Napansin kong tinignan niya ang mga kasama ko. Maybe ako na lang yata ang hindi niya kilala. "Kilala mo na siya?" Tanong sa'kin ng kasama ko.

"Hindi, sino ba siya?" Alam kong ang tinutukoy niya ay ang babaing nakita niyang kausap ko.

"Checker siya. Sa'tin walang problema kasi halata kung hindi tayo magtatrabaho. Pero sa iba, mapanganib siya kasi siya ang taga sumbong ng hindi nagtatrabaho."

I nodded. So, I see. Bukod sa leadman namin, may iba pa pa lang nagmamasid bukod din sa supervisor. Walang problema dahil gagampanan ko naman ang tungkulin ko. 2 months lang naman. Pero unang araw pa lang, nagulat na talaga ako dahil ang laki ng pinagbago ng buhay ko. Noon, taas noo akong naglalakad o harapin ang mga tao pero ngayon, iba na. Alam kong maliit na ang tingin sa'kin ng iba. Pero bakit naman si Ken, parang siya lang yata ang makakausap ko ng maayos kahit isa siya sa pinakamataas at Anak pa ng CEO. Meron parin akong hindi maintindihan. Pansin ko lang na ang babagal kumilos ng mga kasama ko. Hindi kaya nagmamadali lang ako. Baka malugi ako sa trabaho. Pero sa tuwing maaalala ko ang paalala ni Ate Paulina, nawawala ang lahat ng pakiramdam ko na nalugi ako. Dahil medyo may alam ako sa pakiramdam ng isang namumuno, feeling ko kahit hindi alam ng iba ang nangyayari, nakikita naman ng Diyos na mas may pakinabang sa'kin ang kompanyang ito. Masarap sa pakiramdam na nakikita ako ng Diyos sa kasipagan ko. "Sino sa inyo si Mark?" Rinig kong may nagtanong na boses babae. Mark? Lumingon ako kasi baka ako 'yun.

"Wala po kaming kilalang Mark." Sagot ng kasama ko. Nakita ko ang babae. Si Maico Piol 'yun ah.

"Ikaw ba si Mark?" Tumingin siya sa'kin. "Ikaw lang naman ang bago 'di ba?"

"Rosen Mark, Ma'am." Pagtatama ko kasi Rosen ang tawag sa'kin ng mga bagong kakilala ko.

"Mark na lang. Kinilala lang kita kasi hindi ako ang naghire sa'yo. Ngayon ko lang nalaman dahil may nagreport sa'kin. Hindi ko maintindihan dahil naunahan mo pa 'yung ibang nakapending. Mukhang masipag ka naman daw. Sana all the time ah. Hindi sa umpisa lang." Tumingin siya sa katawan ko. "Magdadala ka ng maliit ng twalya para hindi ka natutuyuan ng pawis." Umalis na siya. Ganun ba talaga sila o baka crush lang niya ako? Hindi naman siguro. May mas maganda pa sa kaniyang nagkakagusto sa'kin pero kung loader lang ako at hiring manager siya, mukhang malabo na pumatol siya sa'kin.

Kinalabit ako ng kasama ko. "Dalaga 'yun tol. Baka type ka. Patulan mo na." Bulong sa'kin. Geez! Hindi ko siya type. Baka magalit sa'kin si Ate Paulina kapag nalaman niyang may niloko akong babae. Siguro kung totoong empleyado lang ako dito, baka patulan ko 'yun. Nakakapanliit. 'Di bali na, 2 months lang naman. Magkasama sila ni Ken kanina, hindi kaya nagkwentuhan sila?

Hanggang sa alas kwatro na ng hapon. Uwian na namin. Meron nang mga kasunod na papasok. Parang mahirap ang pang gabi ah. Sabi nila, nagiging pang-gabi sila kaya posibleng maging pang-gabi din ako. "Sana tumagal ka dito." Sabi ng kasama ko habang palabas kami.

"Wala namang ginagawa bukod sa pagbubuhat ah. Madali lang." Sagot ko. Hindi naman talaga nakakapressure at hindi din hussle. Walang gumaganang utak. Napakadali lang.

"Nakakasawa din daw kasi. Magdadalawang taon na ako dito."

Wala naman talaga akong nakitang problema. Wala namang mga salbahe. Maayos naman ang trabaho ng lahat. Siguro, mga tamad lang 'yung nagsasawa. Tamad din naman ako, aminado ako doon.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now