10.

517 16 0
                                    

Malapit na ako. Oo malapit na akong makarating. Kasama ko ang driver ko. Hanggang sa nakita ko na ang kotse ni Maico. "Tito, ayun sila. Pakitigil mo na po." Sabi ko sa driver ko.

Bumaba ako. "Iiwan na ba kita?" Tanong lang ng driver ko.

"Sige, sasabay ako kay Maico." Umalis na ang kotse.

Napansin ko na bumukas ang bintana ng kotse ni Maico tapos nasilip ko na nakahiga ang upuan sa driver's seat. Usapan kasi namin na hihintayin nila ako para sabay sabay na kaming makarating sa birthday. Iniwan ko na ang phone na ginagamit kong pangtawag kay Jordan. Matapos kong itext na hindi na kami tuloy ay umalis na ako. 'Di bali nang magalit siya. Gusto ko talagang sumama. Hindi ko kayang magmukmok kasama siya habang ang isip ko ay nasa birthday. Dahil gusto ko ding makita si Rosen. Gusto ko lang naman na linawin ang lahat. Baka ito na ang huli. Pero sa'min ni Jordan, marami pang pagkakataon. Malaki ang pagkakagusto niya sa'kin kaya I think he never breaks me even I won't be broken if it will happen.

"Ang tagal mo?" Sinilip ko agad si Rosen. Lumingon siya sa'kin. Totoo nga na siya si Rosen. Itinayo niya ang upuan. Sa unahan sila nakaupo. Pwes umupo ako sa likod but hindi ako sumandal para malapit ako sa kanila.

"Hi, Ken!" Napatingin ako kay Rosen. Nakangiti siya sa'kin. Napapatanong ako this time sa sarili ko. Alam ko na, wala na siyang balak pumasok kaya hindi na niya ako ginalang. Saglit na napatingin ako sa kaniya.

"Hayaan mo na nga lang, Ken." Reklamo ni Maico. "Sa'kin nga Maico lang ang tawag niya. Hindi naman daw oras ng trabaho."

Ano ba 'tong naiisip ko? Paranoid ako. It means may chance na pumasok pa siya. "A-alam ko! Oo nga. Hindi niya tayo dapat galangin." Sagot ko tapos binalik ko ang tingin ko kay Rosen. Binuksan niya ang makina at pinaandar na ang kotse. "Bakit ba kasi bigla kang nawala?"

"Hindi ako nawala. Sabi sa'kin ng supervisor na umuwi muna ako. Umuwi ako. Tapos huli na nang malaman kong binawi na pala ang parusa."

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? 'Wag kang aalis?"

"Nawalan na ako sa mood mag trabaho matapos nun. Pinanindigan ko lang 'yung suspension. Ayokong may masabi sa'kin 'yung mga magkakakampi na 'yun. At isa pa tinatamad akong magtrabaho."

"Sana kasi nag-iwan ka ng contact number." Napatingin ako kay Maico. Nangangamot siya sa noo. Parang nakakita ng kakatwang bagay. Oo, nakakahiya kay Maico dahil ang OA ko.

"Ken, umabsent lang ako ng dalawang araw. 'Yung iba nga, walang dahilan, tatlong araw pa, headman lang ang tropa niya ah. Tapos ako, Anak ng CEO? Aminado ako na tinanggap mo ako. Malay ko bang perdigana ang laban sa'yo." Pangalawang beses na niyang binanggit ang perdigana na 'yun. Hindi ko maintindihan pero lumuwag ang paghinga ko. "Sino naman ang pinalit mo kay yabang?"

"Kay Danilo?"

"Oo." Napatingin uli ako kay Maico.

"Hindi pa official eh. 'Yung partner mo muna. Alam ko na kung bakit siya ang pinili mo. Masipag siya."

"Ganun ba? Buti naman."

"Kailan ka papasok?"

"Bukas."

"Sige." Tumingin uli ako kay Maico. "Ikaw na lang muna ang headman nila kung gusto mo." Napangiti si Maico. Pinalo ko na lang siya sa balikat ng mahina.

"Sure ka, Ken?"

"Ayaw mo ba? O baka hindi mo kaya? Medyo napansin kong may leadership ka kasi."

"Kaya ko 'yun. Ako pa. Tropa ko ang lahat. Kahit kaibigan pa ni Danilo. Walang palag sa'kin." Pagyayabang pa niya. Ginawa ko talaga para sipagin siyang pumasok.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now