57

40 2 0
                                    

Tumalikod ako. Nakatingin sa sahig habang naglalakad. Pipilitin kong kayanin dahil wala na siya. Hindi ko na pinapansin ang mga bumabati sa'kin. Sumakay na ako ng elevator. Paano ko ba tatanggapin ang lahat. Nang makarating ako sa 4th floor, nasalubong ko si Maico. "Ken, ano na?" Nilampasan ko lang siya. "Ken, nakaalis na si Rosen?" Parang wala lang na tanong niya. Palibhasa kasi hindi niya minahal si RM kaya balita lang ang hanap niya. Hindi ko na siya pinansin. "Ken..." Gusto kong magkulong sa office. Sumilip ako sa bintana pag-pasok ko sa office. Lumilipad na ang eroplano. Nag-uunahan na ang mga luha ko sa pisngi. Sinara ko ang kurtina. Umupo ako sa table ko. Kinakaya ko. Pinipilit kong maging normal pero hindi ko magawa. Pumapasok parin sa isip ko si Rosen. Naging isa na lang siyang tauhan sa story. Hindi nag-exist. Wala na siya. Kailangan kong harapin ang buhay. Kahit may kaibigan na kagaya ni Maico, baliwala din dahil wala na si Rosen na minsang nagpasaya sa'kin. Unti unti akong naiinis. Ilang minuto na ang lumilipas. Nawawalan na ako ng pag-asa. Siguro, hindi ako mahal ni RM gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Naging okay sila ng Dad niya. Masaya na siya. Hindi katulad ko. Tumungo ako sa lamesa. Umiiyak parin ako.

"AYOKONG BUMALIK SA DATI!!" Tatabigin ko palang lahat ng nasa lamesa ko ng may kumatok. Sino kaya 'yun? Si Maico? "Maico, leave me alone!!" Pinarinig ko at nagpunas ng luha. Baka kasi bigla siyang pumasok. Makita niya pa akong basa ng luha.

"Ang Mommy mo 'to, Ken!!"

Si Mommy? "Mommy, mamaya na muna tayo mag-usap. May ginagawa ako." Sana hindi halata sa boses ko na umiiyak ako. Tumayo ako para ilock ang pinto. Ayokong makipag-usap. Hindi kaya ng dibdib ko ang nangyari. Pero papalapit pa lang ako sa pinto nang bumukas ito.

"Ken?"

"Mommy, mamaya na tayo mag-usap." Ano ba ang idadahilan ko. A soon as possible, kailangan nang mawala ni Mommy para mailabas ko ang lahat. Hindi na kaya ng dibdib ko. Pinipilit kong huwag lumabas ng mga natitirang luha ko. Gusto ko na itong ilabas.

"Sumama ka muna sa'kin sa ibaba."

"Mommy, I'm very sorry. Hindi muna. Iwan mo muna ako. Please."

Pero hinila niya ako. "Magsaya ka ngayon. Alam kong may pinagdadaanan ka."

Agad agad? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na ako magpipilit magsaya. Kung alam nilang broken heart ako, hindi dapat pwersahan ang pagsasaya. "Mommy please!" Kinontra ko ang paghila niya sa'kin.

"Ken, just give yourself time to be happy. Kaya nga tutulungan kita."

"Mommy, hindi mo ako naiintindihan." Pero hinila niya ako. Wala akong nagawa. Sige, kung pwersahan ba ang gusto niya. Ipapakita kong walang silbi ang gagawin niya. Kakain kami? Wala akong gana. Mag-uusap tungkol sa mga bagay bagay? Ayaw gumana ng utak ko. May ipapakitang magandang bagay sa ibaba? Sa ngayon ay walang ibang magandang bagay akong gusto.

Sumakay kami sa elevator. "Hindi pwedeng maging ganiyan ka habang buhay." Sabi niya habang nakasakay kami. Oo may narinig ako. Dama ko na gusto niya akong sumaya pero hindi talaga ako masaya. Hindi na lang ako nagsalita. "Noon pa'y pansin na kita. Ayokong maging ganiyan ka. Ginawa ko ang lahat pero wala pa din." Hindi ikaw Mommy ang may kasalanan. "But now, hangga't may magagawa ako, kahit halos wala akong nai-ambag sa happiness mo, isa ako sa kikilos para maging masaya ka. Kahit kahangalan pa." Naawa naman ako kay Mommy. Ramdam ko siya. Happiness ko siya. May nai-ambag siya. Pero sa ngayon, hindi talaga ako kayang pasayahin.

And we step out from the elevator. Nakarating kami sa first floor. "Tita." Bati ni Maico. "Hi Ken, mag-enjoy ka naman." Mabuti pa si Maico. Walang problema. Pero hindi ko madama ang simpatya mula sa kaniya sa pagkakataong ito. Nakita ko si Waine at ang iba niyang kasama. Kumpleto sila. Akala ko wala na si Waine? Humiwalay sa'kin si Mommy.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now