21.

258 15 0
                                    

Hindi na naman nagreklamo si Rosen nang malaman niyang hindi pa siya uuwi. Sabagay, nagyaya nga siyang gawin namin ang mga bagay na hindi pa namin nagagawa. "Naiinis talaga ako sa pagmumukha mo!" Yan ang sabi ni Maico kay Rosen nang nakaupo na kami sa harap ng lamesa niya.

"Bakit ako na naman? Naglilihi ka ba? Wala pa ngang nangyayari sa'tin buntis ka na?!" Tumayo si Maico. I didn't like the joke. Umupo din agad siya dahil tinamad na sigurong lumapit kay Rosen.

Ano ba ang kinaiinis ni Maico? "Ewan ko sa'yo! What time kayo uuwi?" Tanong ni Maico.

"Ngayon na sana." Sagot ko.

"Ang aga."

"May gagawin kami." Singit ni Rosen. Pinandilatan siya ni Maico. Pero ang kinagulat ko ay biglang tumayo si Maico para hilahin si Rosen sa labas.

"Wait lang Ken, I'll talk to him within 34 seconds." Sabi ni Maico. Wala naman akong balak sundan sila pero tingin ko talaga may tinatago sila sa'kin eh. Parang hindi ko agad nagustuhan 'yun. I don't wanna think any various things just because of that mysterious talking like that. I get crazy to think everything does nagativity or possibility would be. Should it be secret. But I want the answer even Maico won't tell the truth behind of this talk. It's gone unpredictable at all. Maico wants me happy I know. But still very confusing why did Maico do to talk Rosen trash even those behaviors she did. Matapos silang mag-usap hinayaan ko sila muna.

"Aalis na kami." I said. I'm happy this time dahil kasama ko si Rosen. "Rosen, mauna ka na sa labas." Utos ko para tanungin si Maico.

Nakatingin lang siya sa'kin. "Ken, I'm sorry pero kailangang isipin din ang kaligtasan mo." Nauna na agad siyang magsalita. So, alam niyang may kailangan siyang sagutin.

"Maico, nagtaka lang ako kung bakit kailangan mo pa siyang kausapin. Okay, dahil sa sinabi mo, nawala na ang misteryosong posibleng mangyari. Ramdam kong ligtas ako sa kaniya."

"Sinigurado ko lang. Masaya ka at masaya ako para sa'yo. Pero hindi mo pa siya kilala ng lubos. Una, janitor siya. Pangalawa, sinasabayan ka na niya ng lunch, pangatlo, dinadalaw ka na niya, at ngayon kanang kamay mo na siya. Ayokong isipin na in love ka pero 'yun ang nakikita ko."

"Bakit, malaking gulo ba kung sakaling ma-in love ako?"

"Hindi sa ganun, Ken. Pero ngayon panatag na ako."

"Hindi kaya sobra na ang pinapakita mo sa kaniya?"

"Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko. Maybe, nakakainis lang dahil hindi ako ang taong napili nang nasa Itaas para pasayahin ka. Kahit anong pilit ko, hindi ko magawa pero ang isang tulad pa niya ang nakagawa. Okay nga lang sana kung nakilala mo siya na nasa mataas na lipunan, hindi na ako magtataka but you found him awkward. It was awkward to do those kind of things unlikable."

"Dahil unti unti ko siyang nakikilala. Pag pinagtagpi-tagpi ang lahat, naghahalo ang iba't ibang ugali pero isa lang ang kinalabasan. He's so very nice. Kilala niya ang Panginoon. 'Yun ang importante. Huwag mo na akong isipin, Maico. Alam ko ang ginagawa ko. Sa tagal namin na nagkakausap, hindi ko na kailangang sabihin pa na 'wag niya akong ipahamak dahil sigurado akong hindi."

"Lahat ng tao nakakakilala sa Panginoon kaya pwede siyang magkunwari lang."

"Hindi pwedeng magkunwari ang isang taong malungkot at galit habang sinasabi niyang 'Nakita ng Diyos ang nangyari' noong time na tinanggal ko si Danilo. May tiwala siya sa Diyos pero alam din niyang pwede siyang subukin Nito anumang oras. Kaya alam kong kahit may ginawa siyang mali, nasa panig niya ang Diyos. Siguro galit siya dahil hindi siya nakapagtimpi sa galit niya kay Danilo. Naniniwala akong mabuting tao si Rosen."

"Alam ko naman. Kaya pagpasensyahan mo na ang mga sinasabi ko. May dahilan ako na hindi mo alam at malalaman mo din pag nakilala mo siya ng lubos."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I let you stay close to him. Ikaw na ang bahala."

"Negative?"

"Yes!"

"Pero alam mong hindi niya ako ipapahamak."

"Tanungin mo na lang siya. Lasingin mo para ipagtapat niya. Pero kahit mabuti siyang tao, lalaki parin siya, Ken."

"Yun ang isa sa gusto ko. Lalaki siya."

"Paano kung--"

"Ang isang bagay na hindi makakapagpahiwalay sa'min ay maging asawa ko siya. Labag man sa kagustuhan ng magulang ko, alam kong masaya parin sila sa'kin kahit nakakahiya sa ibang tao. Oo! Mahal ko si Rosen at walang bagay na makakapag pa-iba noon maliban na lang kung may asawa siya't hindi hiwalay. Alam kong hindi 'yun ang tinutukoy mo."

Ngumiti siya. "Pero sana lang kayo talaga ang nakatadhana dahil ikaw na din ang nagsabi na isipin ang future. At isipin ang mga posibleng mangyari."

"Masasaktan ako pag nawala si Rosen. Sigurado ako. Pero wala na akong magagawa pa kundi sundin ang puso ko."

Hindi ako sigurado sa mga sinabi ko pero nasabi ko parin dahil malaya kong tinanggap ito. Ngayon ko unang tinaggap na mahal ko siya. "Sige na, enjoy na lang. Alam kong hindi mo iisipin na nagseselos ako."

"Unang pumasok 'yun sa isip ko pero hindi na ngayon." Tumawa ako.

"Sira, sa tinagal tagal nating magkasama, magseselos pa ba ako. Sawang sawa na akong nakabonding ka."

"Pero mahal mo ako." Hinawakan ko ang balikat niya. "Aalis na ako."

Lumabas ako pero nahuli kong nakikinig si Rosen dahil ang tenga niya'y nakabantay sa pinto kaya pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya. Bigla siyang nagulat. Nasa kanan siya kaya nakita ko ang ulo niya. Sobra siya. Nakikinig. Kung narinig niya ang sinabi ko dapat narinig din niya na nagpaalam na ako kay Maico para hindi ko siya mahuli. Naku Rosen, gumagawa ka na naman ng bagay na magpapangiti sa'kin. Binatukan ko siya. "Sorry, Ken."

"Nakikinig ka sa usapan namin?"

"Oo.. ay hindi. Alam mo naman na sarado, joke lang 'yun."

Nakatingin ako sa kaniya. "Sure ka?"

"Hindi ko narinig na sinabi mong mahal mo ako." Namula bigla ang mukha ko. I'm so guilty pero ang alam kong hindi rinig sa labas 'yun. Mind game. "Bilang kaibigan. Hindi pa ako tapos." Duktong niya.

"Kapal ng mukha mo."

"Ken, kung hindi mo ako mahal. Wala ako ngayon sa harap mo."

"Bilang kaibigan."

"Bilang kaibigan nga." Ngumiti ako.

"Sabagay, kung trabahador lang ang tingin ko sa'yo, hindi kita kakausapin." Hindi kaya naitext na ni Maico ang isa sa pinag-usapan namin? May phone bang dala si Rosen? Nakita ko bang nagtext si Maico? Baka hindi ko lang napansin. Boto si Maico sa kaniya kaya sinabi ni Maico sa text na mahal ko siya. Binuko niya ako para maging madali ang lahat pero... baka si Rosen ang isa sa karakter na nababasa ko sa libro na hindi papayag magmahal ng kagaya ko dahil hindi kami bagay. Napaparanoid na talaga ako. Wala naman sigurong tinext si Maico pero sana naman hindi si Rosen tumulad sa mga Fiction character sa libro.

"Friends tayo, Ken kaya iba ang turingan natin kaysa sa iba. Am I correct?"

"You were correct. Halika na nga." Hinila ko ang kamay niya. Hindi ko na pinadala ang bag ko. I cling to his arm and I feel its skin so warm. It was the first time that our arms' skin were linked up together. Ano kaya ang nararadaman niya?

Nasalubong namin ang mga taong bumabati pero mas mabilis ang lakad ko kaya parang napipilitan lang sumama si Rosen. Parang hinihila ko siya. Masaya kaya siya na may gumagawa nito sa kaniya? Hindi ordinaryong babae pa? Pero bigla naming nasalubong si Daddy.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now