28.

165 14 0
                                    

Papunta kami ngayong cafeteria. Lunch break. Nasa-isip ko parin 'yung dalawang araw kaming hindi magkikita ni Rosen. Dumating si Maico. "Sabay na tayo." Sabi niya. Oo nga pala. Parang medyo mababawasan ang oras ko na kasama si Maico. Maybe kung magiging asawa ko si Rosen, babalik ang dati naming ginagawa. Sa ngayon kasi, iba ang sitwasyon. Oras oras, minu-minuto ay gusto kong kasama si Rosen.

"Ibang iba ka ngayon Rose ah." Sabi ni Ayie nang makita si Rosen.

Tahimik lang na nakangiti si Rosen. Nakakagulat naman talaga. Si Maico ay seryoso lang na kumakain. At napapansin kong napapatingin sa'min ang iba. Wala na akong paki sa sasabihin o pag-uusapan nila pag nakatalikod ako. Pero sa lahat, si Maico lang talaga ang alam kong nakakaappreciate sa'kin. At alam kong ang mga bulungan sa paligid ang nagsilbing daan para magising sa katotohanan ang ex ni Rosen. Hindi ko gagawin 'yun. Maraming salamat dahil lalo kong naiisip na hindi gawin ang nagawa ng ex niya dahil nalaman ko ang story sa nakaraan niya. Hindi kaya alam na ni Rosen na malalaman ko 'yun para makasiguro na hindi ko siya iiwan. Okay lang naman. Medyo tahimik si Rosen. Hindi gaanong nagsasalita. Nakakapanibago siya kaya alam kong may iniisip siyang iba. "Wala ba kayong lakad?" Tanong ni Maico. A brilliant idea?

"Hindi ko alam. Baka maaga akong umuwi." Sagot ko.

Tumingin si Maico kay Rosen. "Yang kanang kamay mo, wala bang plano?"

"Wala!" Maiksing sago ni Rosen.

Nakatingin lang si Maico kay Rosen ng makahulugan. Nagpanggap na lang akong walang napapansin. Masaya ako ngayon. At kung ano man ang tinatago nila sa'kin, alam kong hindi issue nang pagiging close namin. Alam kasi ni Daddy at Maico kung ano ang talagang nangyayari. Sila ang unang maglalayo sa'kin sa kapahamakan. Kaya ayoko munang malaman o magtanong tungkol kay Rosen dahil malalaman ko din 'yun. Basta ang importante ay masaya ako ngayon. 'Yun ang mahalaga. Swerte na din dahil may mga tao sa paligid kong ilalayo ako sa kapahamakan kaya sila 'yung pinakapalatandaan na hindi ako mapapahamak kung may nakita silang ginagawa ko. Si Maico naman 'yung independent na tao. Kaya niya ang sarili niya kaya alam kong hindi siya mapapahamak kung sakali.

Pabalik na kami sa office. "Uuwi tayo ng maaga." Sabi ko kay Rosen.

"Anong oras?"

"Ngayon na." Gusto ko lang na dalhin niya ako sa lugar na gusto niya. Dalawang araw kaming hindi magkikita at hindi ko alam ang feelings ng hindi ko siya kasama mula nang aminin ko sa sarili kong mahal ko siya. Umaasa akong sasaya ako ngayong araw.

"Bakit naman ang aga?"

"Oo, magpapaalam ako kay Daddy."

Sinamahan niya ako sa office ni Daddy. Ang bilis na pumayag si Daddy. May kausap pa siya sa phone habang pinaalis na niya kami dahil importante yata. So, para kaming bata na pinayagan ng magulang na maglaro ng kalaro kong si Rosen. 'Yung tipong pinayagan ako dahil payag silang kasama ko ang kalaro ko na alam nilang mabait.

Nasa labas na kami. Parking area. "Ano ang gagawin natin?" Tanong niya. Hinihintay ko lang na isama niya ako sa kung saan. Ito na ang pagkakataon dahil dalawang araw kaming hindi magkikita. Feeling ko tatakbo ang taon dahil sanay na akong kasama siya.

"Nagtatanong ka pa?" Sana naman makahalata siya.

"Mukhang gusto mo nang umuwi." Okay lang basta sumama siya. This time, I won't tell him somewhat I'm going to do. He should know what it is. "Ganito na lang. Tutal, maaga naman tayong uuwi. Marami pang araw. Sabik na akong umuwi kaya mas maiging ngayon na ako uuwi. Okay lang ba?"

Napatingin ako sa kaniya nang seryoso. Dapat alam niya ang gusto ko. Dapat ganun din siya. Dapat yayain niya ako dahil hindi ko na kailangang utusan pa siya kung saan kami pupunta. Hindi ba siya nakahalata na kaya maaga akong nagpaalam dahil gusto ko siyang makasama. Sumama ang loob ko. Binirahan ko ng alis. "Wait, Ken!" Hinabol niya ako. "Saan ka pupunta? Mainit." I don't care. Naiinis ako. Binilisan ko ang lakad. "KEN!" Bahala siya. Hindi man lang siya makahalata. Tumingin ako sa likod. Nakasunod siya sa'kin. Nakarating kami sa kalsada. "Andito ang kotse mo!" Rinig kong sabi niya pero naglalakad parin ako. Nakakainis siya. Akala ko ba masaya siyang kasama ako? Bakit mas pipiliin niyang umuwi nang maaga? Tumingin ako sa likod. Nawala siya kaya napatigil ako't kinabahan. Ayaw ba niya sa ganitong klaseng babae? Nagsisi ako, sana pala hinayaan ko na lang siya. Natatakot ako ngayon na baka hindi ako ang ideal girl niya.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now