7.

564 19 0
                                    

Nagmamadali kong pinuntahan si Rosen. Ayokong magkakaproblema sa kaniya. Inaasahan ko nang may magiging ganitong insidente pero sana hindi naman ganun ka-lala. Hangga't kaya ko siyang protektahan, gagawin ko. Wala siya sa lobby, wala din sa employee's exit. May nakita akong kapwa niya janitor. "Napansin mo ba si Rosen?" Tanong ko agad sa kaniya.

"Nasa second floor po yata. Hindi pa daw siya uuwi, Ma'am."

Nagmamadali ako. Gumamit na ako ng elevator this time. Kumalat na pala ang balita kung gayon. "Hi Ma'am!" Nginitian ako ng isang babaeng empleyado na kasama ko sa loob ng elevator.

"Hello!" Pilit ang ngiti ko but I know is not notable. Everything's gonna be fine I know. Sana makinig sa'kin si Rosen para hindi na niya ulitin ang lahat. No!! Makikinig ako sa kaniya, baka may malalim na dahilan siya. Lumabas ako ng elevator, hinanap ko si Rosen. Inikot ko ang buong second floor pero nakita ko siyang nakadungaw sa bintana. Tinitignan ang paligid sa labas. Lumapit ako. Pinadama ko lang na may tao sa likod niya kaya lumingon siya.

"Miss Ken. Ikaw pala." Well, kung siguro walang nangyaring problema, maninibago ako sa approach niya.

"Anong nangyari?"

"Salamat at alam nilang kilala mo ako pero wala na akong paki kung patalsikin ako dito."

"Rosen!"

"I'm sorry."

"Kailangan ko munang malaman ang lahat bago kita sagutin sa sinabi mo na 'yan?"

"Sinabi ko na 'to sa supervisor." Huminga siya ng malalim. "Uulitin ko sa'yo, ang headman na lang ang tanungin niyo."

"Bakit ayaw mong sabihin?"

"Ayoko!"

"Pa'no kung magsinungaling siya?"

"Alam ng Diyos ang totoong nangyari." Napatigil ako. Hindi ko akalain na sasabihin ng seryosong bersyon ni Rosen 'yun.

"Ganun ba? So, ako ang bahala sa'yo kung nasuspindi ka."

"Nakakahiya naman sa'yo. Ako ang may kasalanan!"

"Sabihin mo na kasi, makikinig ako."

"Pero may dahilan man ako.. alam kong mali parin 'yun."

"Sa ayaw mo't sa hindi, ako ang bahala sa lahat. Kung ayaw mong umamin, just okay. Dahil sa sinabi mong alam ng Diyos ang totoo, alam kong hindi mo na uulitin ang lahat, tama ba ako? Ako ang magsasabi kung kailangan mo nang mawala dito. Hangga't gusto kong andito ka, hindi ka aalis even you won't be suspended. I can handle all here because ako ang masusunod dito. Mas sinusunod ako ni Daddy kaysa sa iba."

Huminga na naman siya ng malalim. "Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid! Nalilito ako."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin." Hindi ko hahayaang matanggal siya. Hindi ko din alam kung bakit medyo apektado ako sa mood niya ngayon.

"Sasabihin ko na nga. Pero sana 'wag mo nang sabihin na sinabi ko sa'yo. Makakaasa ba ako?"

"Dipende!"

"Hindi pwedeng dipende."

"Sige, I promise!"

Tumingin siya sa'kin ng diretso. "Ayoko kasing pag-isipan ako ng masama o isipin nilang sumbungero ako, chismoso o kahit ano pang negative na iisipin nila dahil magkakilala nga tayo sa paningin nila."

"Magkaibigan tayo. Ituring mo akong kaibigan at ganun din ako sa'yo. Basta ako ang masusunod sa lahat. Nasa sa'yo na 'yan kung ano ang gusto mo. Basta gusto ko ang tao, safe ka dito."

"Hindi ko din alam kung bakit gusto mo ako. Sige na nga!" Sumilip uli siya sa bintana. "Lumapit ka saglit." Lumapit ako. "Nachichismis na 'yan dito si Danilo na headman ng team namin. Kahit daw malakas ang kapit dito, basta ayaw niya, ginagawan niya ng dahilan para masira. Chismis lang naman kasi. 'Yun ang nakikita ng mga regular. Kahit masipag ang isang tao basta mayabang o hindi nila gusto ang ugali, pag-iinitan nila. 'Di bali nang tamad basta kaibigan nila, walang problema. Hindi ako naniwala pero pinakita kong hindi nila ako pwedeng kaibiganin dahil ayaw ko nang minamanduhan ako sa mali. Alam ko ang ginagawa ko at nakikita naman ng supervisor na walang problema sa'kin. Ang ayoko lang, mag-uutos siya tapos pag hindi ko sinunod dahil may kailangan pa akong tapusin, kinagagalitan niya ako na parang isang bata lang. Oo mataas siya pero hindi siya tumatanggap ng reason o valid reason mula sa'kin. 'Wag daw akong maangas. Saka ko naalala ang chismis. Hinamon ko siya sa pamamagitan ng pagsuway dahil mali na gawan niya ako ng dahilan. Hanggang sa sinumbong na niya ako sa supervisor. Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. Tapos, kaya ko sanang magtimpi dahil nahihiya ako sa'yo. Tinanggap mo ako dito. Nakikita ng Diyos ang lahat kaya alam kong kahit matanggal ako, maluwag sa puso ko. Dahil wala akong ginagawang masama. Pero nainis na ako eh. Pati ang kasama ko dinadamay niya. Tinuruan ko kasi siyang lumaban. Malaki ang lugar na ito pero sapat ang dami ng janitor. Kahit daw isumbong ang kaibigan nilang tamad, wala ding mangyayari. Kawawa ang partner ko kaya nainis na ako. Matanggal na ako pero hindi ko kaya 'yung patakaran niya dito, alam mo na ang kasunod. Matapos dumugo ng bunganga niya, nakangiti pa siya. Doon ko nalaman na totoo ang chismis." Tumigil siya pero alam kong hindi pa siya tapos. "Maganda ang pamamalakad dito ni Miss Maico. Walang problema, kaso hindi patas sa ibang empleyado. Alam ng Diyos na hindi ako gumagawa ng kalokohan." Hindi ko lubos maisip na ang isang katulad niya ay naniniwala pala sa Diyos. Pero bakit may tampo siya na tila umaasa na matatanggal siya? Bakit hindi na lang siya magdasal na sana maging maayos na ang lahat? "Naniniwala ka sa'kin?"

"Oo!"

"Bakit?"

"I don't want it to explain. Ngayon din magpapatawag ako ng meeting. Huwag kang mag-alala, safe ka at walang makakarating sa kanila na sinabi mo. Ako ang bahala. 'Wag kang uuwi ah. Pumunta ka sa cafeteria at kumain ka. Ako ang bahala." Iniwan ko siya.

"Diet ako." Habol niya.

Ngumiti lang ako pero hindi ko na pinakita sa kaniya. Sumakay na ako ng elevator para puntahan ang supervisor. At ngayon, nasa isang kwarto na kami kasama si Maico at ang mga headman ng janitorial. "Nasaan si Danilo?" Bungad ko.

"Ma'am, wala akong ginawa o kung meron man, hindi niya ako dapat--"

"Manahimik ka! Sinabi ko bang magsalita ka?!" Napatahimik siya. Mabait ako lalo pag hindi ko kilala pero itong taong 'to ay may ugaling mayabang. Nabalitaan ko na 'yan ilang beses na. Pero dahil close sila ng supervisor, walang magawa ang ilan. Ngayon ko naisip na maraming empleyado ang nasayang. Pasensya na Danilo pero naniniwala ako kay Rosen. "Bakit ka sinapak ni Rosen?"

"Napikon lang siya. Ayaw niya ng inuutusan siya."

"Ayon sa report kay Maico. Wala namang problema." Kinuha ko ang report sa kaniya na binigay ng mapagkakatiwalaang empleyado.

"Hindi naman po accurate ang report na 'yan?"

"Hindi? So, parang sinabi mo na sinungaling ang nagreport. Bilin namin sa kaniya na bukod sa'yo, tignan niya ang paligid kung sino ang madalas na nakikitang nagtatrabaho. So, walang problema kay Rosen. Ano ba talaga ang pinakadahilan?"

"Ayaw nga po niyang sumunod?"

"Tamad ba siya?"

"Me-medyo! Nagtatrabaho lang pag dumadating kami. Nakahoverboard pa. Pero walang problema doon dahil utos mo naman. Mayabang siya kasi nga kakilala mo."

Hindi ako kumibo! Mas makapangyarihan ako kahit sa Daddy ko kaya hindi siya pwedeng maghari-harian dito. Mabuti't andiyan si Rosen at ganun ang ugali niya, kung hindi, hindi ko malalaman 'to. Humarap ako sa lahat. Icehcheck ko sa cctv ah. Ako mismo. Lahat kayo, maging mabait sa masipag. Malaman kong may pinapanigan kayo, tanggal kayong lahat. Ang nakabubuti ang gusto ko, you supposed to do as I tell you no matter if is important or not. Kung magkaproblema man, hangga't ako ang dahilan, walang magagalit ah. Walang inggitan. Umalis na kayo at Danilo..." Lumingon siya. Habang dahan dahan na umaalis ang iba.

"Bakit Ma'am?"

"You're fired!!" Aalis na sana ako.

"Miss Maico hindi niyo pwedeng gawin sa'kin 'to!"

"Ako ang mausunod at hindi si Maico!" Umiling si Maico na nagsasabing wala siyang kapangyarihang pigilan ako.

"Ma'am, ginawa ko lang ang dapat."

I'm sorry. I judge you according to what happened. Ang malas mo dahil mali ang taong binangga mo. Ayoko sa mga taong katulad mo na mabait sa panglabas. "You're fired!!" Inulit ko pa at tinuloy ang paglalakad. Umiiling ang supervisor. Hindi ako kayang pigilan miski si Daddy. Oo may mga dapat sundin bago siyang tanggalin pero hawak ko sa leeg ang mga tao dito. Makapangyarihan ako. Minsan ko lang gamitin 'to.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now