17.

319 15 0
                                    

Nagkita kami ni Rosen bago siya umuwi. Ewan ko ba, parang araw araw laging walang kasiguraduhan kung makikita ko pa siya bukas kaya simula ngayon, ichecheck ko siya. Napansin ko sila na nakacivilian na. "Hi Miss Ken!" Nakangiti pa siya.

Hindi ko siya pwedeng yayain kahit gusto ko dahil kailangang malaman muna ni Maico. "Papasok ka ba bukas?"

"Syempre naman. Mas gusustuhin ko pang walang day off, para lagi kitang nakikita." Seryoso ba siya? "Joke!" Pinisil niya ang pisngi ko. "Alis na kami." Hindi naman ako nairita. Kinabahan ako sa sinabi at ginawa niya.

Pero lumuwag na ang paghinga ko kaya pwede ko na sigurong pauwiin siya. Papunta ako ngayon sa office ni Maico. Hindi pa kami tapos. Napansin ko siyang may hinahanap. "Oh andiyan ka pala." Sabi niya nang tumingin siya sa'kin dahil may naramdaman siyang dumating. Pwede na kasi akong huwag nang kumatok.

"May hinahanap ka?" I ask.

"Oo." Tumigil siya sa paghahanap.

"Ano 'yun?"

"Yung susi ng isang room diyan sa ibaba. Ipapalinis na kasi bukas. Nasa'kin 'yun, nawala naman. Nasa aparador lang eh."

"Kaysa maghirap ka diyan, ipaduplicate na lang."

Nag-isip siya. "May duplicate naman. Na kay Mrs. Gonsalez."

"Naman pala eh."

"Kasi, si Rosen ang kukuha ng susi. Kailangang ako ang magbigay bukas."

"Ganun ba? Bakit siya?"

"Sa team niya ipapaayos ang room. Lilinisin lang naman."

Talaga 'tong si Maico oh. Hindi kaya may gusto siya kay Rosen? "Di ba sabi ko sa'yo akin siya?"

"Oo alam ko. Masama bang mag-usap kami? Baka naman pati pag-uusap namin ipagkait mo pa? Magtapat ka nga. In love ka ba sa kaniya?"

Diniretsa na ako. Inaasahan ko naman 'yan. "Lumapit ako sa kaibigan kong psychiatrist. Alam ko na ngayon na may nagpapasaya sa'kin. Si Rosen 'yun. Kaya kailangan ko siya."

Nag-isip siya habang papunta ng upuan niya. "Maybe, masaya ka nga. Hindi ko naman napansin na masaya din ako. Well, iba nga kasi siya. Kahit medyo mapagmataas siya minsan, hindi maitatago sa katauhan niya 'yung humbleness. Ang hirap hulaan kung sino siya talaga. Masipag naman. Parang siya ang may ari nitong kompanya. Hindi niya hinahayaang maging pangit ang trabaho. Tumululong kahit hindi na kailangan. Kaya very unpredictable talaga kung hindi mo siya kilala. Mayabang pa nga. At alam kong sa umpisa pa lang, siya na ang nagpapasaya sa'yo."

Ngumiti ako. "Hindi lahat ng tao, dapat hinuhusgahan sa unang tingin lang."

"Tama ka nga no? Matagal mo nang sinasabi sa'kin 'yan pero..." Napatingin siya sa'kin. "Bakit kailangang sa'yo lang siya? Baka in love ka na sa kaniya."

"Hindi ako in love. Gusto ko lang maging clear ang lahat. I don't want him to be your close friend as hell na magsasama kayo sa kwarto, just because, baka in love nga ako. Hindi ko kasi kailangang isipin ang ngayon lang. Kailangang isipin ko ang posibilidad na mangyayari sa hinaharap. And papayag akong maging FB mo siya kung sure na akong may mahal na akong iba. Yung handa na akong hindi siya makita."

"So, parang sinabi mo na din na hindi ka sure sa mga gusto mo. Hindi ka din sure kung hindi ka nga in love."

"Eto lang 'yan eh. Paano kung in love ako tapos may nangyari sa inyo ni Rosen. Let's say hindi ka na-in love sa kaniya. Parang sinalo ko ang tira tira ng iba."

"Pero paano din kung totoong in love ka nga tapos na-in love din siya sa'yo? Magiging kayo? Ang layo ng agwat niyo. Ako pwede pa kasi, wala namang umaasa sa'kin. Hindi ako sikat sa angkan namin. Baka kung makita nila na may kasama akong lalaki, baka hindi na sila magtanong kung anong trabaho ng lalaking kasama ko."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now