25.

211 10 0
                                    

Napansin kong humiwalay si Rosen sa'kin. Kinabahan ako. "Rosen, ako ang bahala. Puntahan mo si Maico sa office." Hindi kasi pwedeng hindi ako sasama sa mga bodyguard ni Daddy.

"Hoy!" Tinawag ng isa si Rosen. "Hindi pwedeng maiwan ka dito, sumama ka!"

Saka ko naisip na totoong buhay nga pala 'to. Pero teka, hindi kaya plano siyang kausapin ni Daddy? Para sabihin na tantanan na ako? Basta ako ang bahala. I'm not a girl, I'm already a woman kaya may mali man sa ginawa ko, hindi pwedeng hindi masunod ang gusto ko. Sumakay kami sa kotse. Katabi ko pa si Rosen. Mabilis kaming nakarating sa office ni Daddy. Pagpasok namin ay humarap ang upuan ni Daddy. Kinabahan parin ako. Para akong bata pero kaya ko 'to. "Ken, I'm glad andito ka na. How's your day? I'm very sorry if pinahanap kita. Nag-alala lang ako." Hindi galit si Daddy pero masama ang tingin niya kay Rosen.

"Dad! Alam ko ang ginagawa ko."

"I know but no one can blame me why I do this."

"Dad, I'm sorry. Hindi na mauulit. Hindi na ako bata. At.." Wala akong maiduktong.

"Papaliwanag ko lang ang ginawa mong kasalanan. Una, may trabaho ka dito. Pwede mong ipagpaalam sa'kin o ipasabi sa iba kung may pupuntahan ka para alam ko. Hahayaan kita dahil wala na akong karapatang sundan o pigilan ka pa. Pangalawa, nag-alala ako. Ang sabi ng driver mo, pumasok ka pero wala ka. Kung ikaw ang nasa-kalagayan ko? Matutuwa ka kaya? Pangatlo, unang beses mong ginawa ito kaya pinahanap kita. Next time, kung may pupuntahan kang lugar, papayagan kita, basta magpaalam ka."

Nagsalita si Rosen. "Sir, hindi na mauulit." Ngumiti pa si Rosen. Lagot, baka mainis si Daddy. Tumayo si Daddy at kinwelyuhan si Rosen. Ito na nga 'yung nababasa ko.

"Dad wait! Ako na ang bahala." Sabi ko pero kalmado lang si Rosen habang nakaangat siya konte dahil kasing tangkad niya si Daddy nang hinila nito ang kwelyo niya. Sa pagkakaalam ko, kasing lawak ng karagatan ang pang-unawa ni Rosen kaya inaasahan na niya siguro ito. Pero si Daddy, baka ipagbawal na niya sa'kin si Rosen. "Dad, mabait si Rosen. Huwag siya ang sisihin mo. Ako ang may pakana ng lahat." Inawat ko si Daddy. Pero hindi ko matanggal ang kamay niya.

"Lumabas ka muna Ken, kakausapin ko lang 'tong taong 'to."

"Dad, hindi na kailangan. Alam ko ang gina--"

"Do as I tell you."

"Sige na Ken, mag-uusap lang kami ng Dad mo." Si Rosen na ang humiling kaya pinagbigyan ko na. Alam kong alam niya ang ginagawa niya.

Lumabas ako. Ito yata ang unang pagkakataon na madidismaya ako kay Daddy. Naghintay ako sa labas. After a short while ay lumabas na si Rosen. "What did he say to you?" I asked.

"Wala!"

"Anong wala." Papasok sana ako pero pinigilan niya ako. "Bakit?"

Naglakad siya, hinila niya ako. "Huwag mo na siyang kausapin. Okay na ang lahat. Nangako akong hindi na mauulit pa."

"Hindi siya nagalit sa'yo?"

"Natural nagalit. Alam na alam ng lahat na magkasama tayo. Pero mula ngayon, kailangan na natin ng alalay sa tuwing aalis tayo."

Sa tuwing? Tama ba 'yun? Napangiti ako. "What do you mean?"

"Kailangan daw natin isama ang secretary mo. Para may katulong tayo sa bawat lakad natin. Bukas din, may cellphone na dadating para sa'kin."

"Hindi nga?" Gulat na gulat ako. Nawala na ba 'yung pag-aalala sa mukha ko? Halata kaya niya?

"Ang Daddy mo, hindi ka niya kayang kagalitan. Aminado siyang ako ang knight and shining armor mo."

"Sinabi niya 'yun?"

"Hindi, sabi lang niya, kung saan ka masaya susuportahan ka niya. Basta daw huwag nang ulitin ang hindi magpaalam o kung ayaw mong magpaalam, kailangan everything is well settled to avoid arguable thing like this." Ano ba 'yan. Parang si Daddy 'yung nagsalita. Napahampas ako sa kaniya at tumawa. Natawa talaga ako kasi sinaulo pa yata niya 'yung narinig niya kay Daddy. "Bakit?"

"Wala." Nakangiti parin ako at nakatingin sa kaniya.

"Teka, anong oras na ba?" Ganiyan siya pag nagpapatawa. Hindi siya tumatawa na parang natural ang dating.

"Pinapayagan na kitang umuwi." Sabi ko sa kaniya dahil plano kong yayain si Maico na uminom. Masaya ako ngayon. Gusto ko lang na ishare sa kaniya ang lahat. And one more thing. Magkakacellphone na siya gaya ng gusto kong mangyari. Nalilimutan ko lang ipaalala kaya I'm sure, magkikita pa kami bukas.

"Huh?" Nagtaka siya. Kanina halos aminin na niyang ako ang nagpapasaya sa kaniya. Kaya alam kong gusto pa niya akong makasama ngayon. Mag-iinom? Marami pang araw, Rosen.

Tinulak ko siya. "Pumasok ka ng maaga bukas." Pero para siyang bagay na tinululak ko kasi hindi siya gumagalaw.

"Teka!" Tinigil ko ang pagtutulak. "Makataboy ka ah." He's maybe disappointed. Maigi na 'yung hindi niya malaman na oras oras ko siyang gustong kasama para lalo siyang maging clingy sa'kin.

"Umuwi ka na dahil pagod ako."

"Oo na."

Hinatid ko siya sa labas. Sinakay ko siya sa taxi. Wala na akong kailangang alamin pa dahil sure akong may alam na sa kaniya si Daddy. "Pinapauwi mo na ako?"

"Oo, para makapagpahinga ka na."

"Salamat ah." Iniwas niya ang tingin niya. "Aalis na ako." Pero hindi siya sumasakay. "Aalis na ako." Ngumiti ako. Kailangan pa ng response?

"Oo na. Salamat din. Maghanap tayo ng piyestahan minsan." Ngumiti siya.

Umandar ang kotse. Tumingin ako sa paligid. Noon, sabi ko sa sarili ko, 'Sana hindi na lang kayo nabubuhay dahil nakakahiya pag nalaman niyong malungkot ako. Ayokong ipaalam sa lahat miski sa dingding na ito kung ano ang pinagdadaanan ko.' Hinawakan ko ang dingding. Ang mga upuan sa waiting area na ito. Sana wala silang buhay kahit alaga sila at hindi nabubulok. Sana parang tao sila hindi alam ang lagay ko kung hindi ko sila kilala. Pero ngayon. Sana nakikita nila akong masaya. Sana nababasa nila ang isip ng tao. Naniniwala akong buhay lahat ng nakikita ko at gusto kong ipagsigawan sa mundo na sobrang saya ko.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon