51.

23 2 0
                                    

Nakahiga ako. Hindi ako makatulog. Hindi pwedeng joke lang ang lahat. Hindi pwede. Lumingon ako sa tabi ko. Nakita kong nakadapang natutulog si Waine. Bakit ba lagi kong iniisip na ang lungkot niya? Ayokong magpalit kami ng buhay. Pero noon, mas gusto kong magpalit kami. Masaya ba talaga ako ngayon? Iniisip ko si Ken kaya kinabukasan ay nanlalambot ako. Kulang ako sa tulog. Mabuti na lang hindi ako loader. Nasalubong namin si Maico. Hinila niya ako. "Mark, saglit."

"Bakit?"

Tumingin siya kay Waine. "Sige, mauna ka na muna." Sumaludo si Waine at umalis. Napansin kong napangiti saglit si Maico tapos tumingin sa'kin. "May sasabihin lang ako."

"Pero pwede ba, Miss Maico, huwag mo na muna akong tawaging Mark."

"Doon ako sanay at ayoko nang baguhin pa."

"Naiilang ako eh. Gawan mo ng paraan 'yan."

"Mas gusto mo pang Rose ang tawag sa'yo?!"

"Hindi talaga kasi Rose ang pangalan ko."

"Whatever." Hindi muna ako nagsalita. Feeling ko ang bata ko. Bata na nga ako sa RM eh. Pero sanay naman ako doon. "Anyway.." Tumingin siya sa'kin. "Nag-aalala na ako sa'yo o sa inyo ni Ken. Naglalapit na kayo. Hindi sa wala akong tiwala sa'yo. Ang akin lang... hindi ka pa namin kilala."

I'm not pressured pero paano ko sasabihin kay Maico ang lahat. Sabihin ko na ba ang totoo para wala na siyang problema. Aminin ko na nagbago na ako? Alam kong walang problema pero baka kasi magbago si Ken sa'kin. Baka ang kagaya ko talaga ang hanap niya para hindi kami magkaroon ng malalim na problema. Simpleng buhay lang siguro ang gusto ni Ken. Kaya siya nagkaboyfriend ay para alamin ang gusto niya. Nalaman niyang ayaw niya ng buhay niya ngayon. Kailangang patagalin ko ito hanggang dumating ang araw na hindi na niya ako kayang mawala. Mahirap kung sa umpisa pa lang ay iwasan na niya ako dahil pinili kong maging mas mataas sa paningin niya. Hindi pwedeng hindi dahil ito ang buhay ko. "Maico, pangako kong walang magiging problema. Balang araw ay malalaman niyo rin kung sino ako."

"Kilala na kita! Ano pa ba'ng pwede mong itago.." What? She already had known me? "Wala akong paki sa background mo. Baka lang may kaso ka, masama ang ugali, kahit nagbago na, babalik uli sa dati, suwail na Anak, etcherera... ayokong magkaroon ng pagkakamali si Ken."

Nakahinga ako ng maluwag. "Miss Maico, hindi ko pwedeng ipahamak si Ken. Sana naman maramdaman mo, amdam ni Ken na mabait ako."

Hindi siya nagsalita. Medyo nag-isip siya. Tumingin sa mga tao. Binalik ang tingin sa'kin. "Baka isipin mo naman nagseselos ako?"

Tumawa ako. Muntik ko na siyang tabigin sa galak. Napakunot ang noo niya. "Seryosong usapan 'to Miss Maico tapos hahaluan mo ng joke?!" Hinampas niya ako sa balikat at tinulak.

"Pumasok ka na." Hawak niya ako sa braso. Hanggang umakyat na siya. Naghiwalay na kami ng daan. "Ayusin mo lang ah." Sabi niya bago kami naghiwalay ng daan.

Nginitian ko siya. Naiintindihan ko siya kung lalagay ako sa kaniya. Oo nga naman. Ano nga kaya kung may tinatago akong ugali? Hindi halata sa pananalita ko na adik ako? Hindi 'yun? Pwedeng nananakit ako ng asawa. Baka nga naman pag-asawa ko na si Ken, umiyak siya kay Maico. Nagsusumbong at may pasa sa mata. Well, I get it. Pero 100 percent. Kennedy will be safe but I can't say na mahal niya ako. I am under observation by them. Pero walang problema sa parents niya as long as wala akong gagawing kalokohan. Pero nag-aalala din ako sa damdamin ni Maico. "Hoy hintayin niyo naman ako!!" Rinig ko ang boses ni Waine ng masalubong ko ang mga ka-team namin. Nakita kong tumatakbo si Waine. Gamay na nila ang isa't isa ayon sa mga sagutan nila. Close na sila kaya natutuwa ako para kay Waine. Lalo na ang closeness niya sa dalawang babae. Matinik talaga siya sa chicks. Nagagawa niyang akbayan si Anafe at Leni ng sabay habang naglalakad at ipagsigawan pang 'Girlfriend' niya. Tapos walang malisya. At dahil parang ako lang din naman si Waine... wait? Nahalata kong nag-iba ang ugali ni Waine. Noon ay hindi niya kinakausap ang mga babaing tulad nila Leni pero ngayon, halatang siya ang makakabangga ng sinumang tumarantado sa dalawang 'yun. Nagbago na talaga siya. Hindi kaya dahil sa atmosphere? Kailangan niyang makisama? Ginusto niya at hindi lang siya napilitan kaya hindi pwedeng maging suplado. Pati sa pagkain ay hindi talaga halata si Waine. Maarte lang ang tawag sa kaniya ng mga tindera sa cafeteria pero bukod doon.. wala nang makakahalata sa kaniya. Gwapo siya kaya walang galit na tindera sa kaniya.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now