33.

173 18 0
                                    

Nag-iimpake ako ngayon dahil doon muna ako titira sa Manila. Konting damit lang ang dadalhin ko para hindi mabigat sa bag. Pumasok sa kwarto ko si Ate Paulina. May binigay sa'king malaki at makapal na libro. "Dalhin mo 'tong Bible."

"Huwag na 'yan, Ate."

"Dalhin mo na. Basahin mo mula sa umpisa 'pag wala kang magawa."

Sige na nga. Para tumigil na siya. Pangpabigat lang sa bag 'to. It is huge. What the.. "Sa totoo lang, ayokong magdala ng damit dahil mas gusto kong doon na bumili. Kaso, ayaw ni Daddy. Ayaw pa niyang dalhin ko ang kotse ko. Mamasahe na lang daw ako. Tapos ipapadala mo pa 'yang Bible na ubod nang bigat." Umiling ako. Hihintayin ko ang sasabihin niya. Nakakaexcite marinig ang paliwanag niya.

"In the name of Jesus. Hindi ka mahihirapan."

Kunyari busy ako pero parang gusto ko 'yung sinabi niya. Ayoko naman kasing mahirapan. "Ipagdadasal ko talaga 'yan." Simpleng sagot ko.

"Salamat, RM dahil sumunod ka sa Daddy mo. Ipinagdasal ko na 'yan na balang araw, susundin mo siya. At syempre, dininig na Niya ang panalangin ko."

Napatingin ako sa kaniya. "Mag-aapply ako sa isang lugar kung saan mahihirapan ako. Ipinagdasal mo 'yun?" Pero sabi ko lang. I know Ate Paulina has an explanation about that. I'm very sure it is very effective.

"Kung saan ka man mapupunta o magtatrabaho, gagabayan ka ng Diyos. May plano Siya para sa'yo kaya mangyayari ito. Ayaw mong mag-aral kaya ayaw din ng Diyos. Sumunod ka sa Daddy mo, dahil 'yun ang gusto ng Diyos. Ito talaga ang plano Niya."

Natapos ko nang ilagay sa bag ang lahat. Tumingin ako kay Ate Paulina. "Gusto ng Diyos?"

"May plano siya."

"Hindi ko maintindihan Ate Pau. Dalawang buwan lang naman 'to. Sige, okay lang. Gusto kasi ni Daddy na maging ordinaryo ako kahit sa loob lang ng dalawang buwan. Challenge or maybe para daw maintindihan ko ang iba pang klase na meron dito sa mundo. Para hindi ako maging mapanghusga sa mga tao specially sa mga nahihirapan. Kailangan kong danasin 'yun para maipagtanggol ko daw ang mga tao kung sakaling may nang-aagrabyado sa kanila."

"Dahil 'yun ang utos sa kaniya ng Diyos. Gusto kong payuhan ka pero hindi naman pinagbawal ng Daddy mo ang pera. Marami kang pera kaya magiging madali sa'yo ang lahat. Alam mo ba ang isang ordinaryong empleyado, nababaon sa utang sa unang buwan ng pagpasok niya sa trabaho. Hindi mo pagdadaanan 'yun."

"Parang laro laro lang pala?"

"Hindi laro ang lahat, RM. Ang isang mabuting empleyado ay gumagawa ng matuwid sa isang kompanya. Kailangan mo 'yun. Sumunod sa utos ng walang reklamo. Magtrabaho ng nararapat para wala silang masabi sa'yo."

I don't wanna do it. Tatapusin ko lang ang dalawang buwan. Pero hindi muna ngayon. Hindi pa ako handa na magtrabaho sa ganun. "Di ba Ate Pau, ganun naman talaga ang mangyayari? Hindi ako tatagal ng dalawang buwan kung magiging matigas akong empleyado. I will follow whoever my boss and whatever order is."

"Hindi talaga sila ang boss mo." Tinuro niya ang taas. Tumingin ako sa taas. "Siya ang Boss nating lahat." Ah okay. Si God na naman. "May mga empleyado na hindi sumusunod sa boss kung sa talikuran. Pero lagi mong tatandaan, iisa lang ang Boss nating lahat. Dahil kahit hindi mo sundin ang boss mo, kita ka ng Boss natin sa taas. Ipapaalala ko lang para alam mong dapat mong gawin ang lahat. Kung nakikita mong tamad ang kasama mo, pagsabihan mo siya. Pero kung ayaw niya, nakikita naman siya ng totoong Boss natin kaya hindi man siya makita ng boss niyo, mapaparusahan siya. Walang tamad ang umaasenso sa trabaho. Kaya wala din silang ligtas. At kung nakikita mong gumagawa sila pag kaharap ang boss niyo, hayaan mo na. Makita ka man ng biglaan, halimbawa lang, nakatigil ka. Mapapagalitan ka syempre, pero ang hindi nila alam, kita ng Boss natin na masipag ka. Kung matanggal ka man dahil sa maling paniniwala ng boss niyo, taas noo kang aalis sa kompanya na 'yun dahil kita ng Boss natin sa taas na masipag ka. At lingid sa kaalaman ko, may ibang empleyado na gumagawa ng mali. Huwag kang makikisama sa kanila--"

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now