6.

592 14 0
                                    

Gumising ako nang maaga. Hindi ako kailangan sa office kaya anytime pwede kong ibahin ang schedule ko or kahit anong oras akong pumasok pwede. Sa makatuwid, hawak ko ang oras ko. Walang pressure sa lahat ng bagay. Walang problema. Nasalubong ko si Mommy. "Mommy, bakit andito ka? Ang aga aga."

"May bisita ka."

So, I smiled. Kilala ko na kung sino. Ang pamangkin ng kumare niya. Si Jordan. Ang pinaka dabest sa lahat ng manliligaw ko. "Aga naman." Kinilig pa ako. Oh no! He's quite handsome, quite rich, quite humble and sa lahat lahat ng babae sa mundo, ako ang gusto niya. Ilang araw pa lang naman siyang nanliligaw. Siya na agad ang napili ko. Kailangan eh. Hindi pwedeng nakatunganga lang ako. Kailangan kong mahanap ang taong magpapasaya sa'kin.

"Sige, puntahan mo muna siya para mabawasan ang pagkainip. Goodluck!"

Bumaba ako. Nakita ko agad siya. Napatigil ako sa hagdan saglit at sinuklay ng kamay ko ang sarili kong buhok. Dahan dahan akong lumapit. "Hi!" I greeted him then tumayo siya.

"Hello." Makapal ang boses niya. Iba ang dating sa lahat ng mga manliligaw ko. Siya na nga siguro talaga ang lalaking para sa'kin.

"Just stay there and wait for me for a short while." Hindi naman ako lumapit sa kaniya. "Sit down." I follow then umupo siya. Nginitian ko na lang siya. Iisa lang naman ang gusto ng mga manliligaw ko sa ganitong oras. Ihahatid nila ako sa office. Si Mommy ang kinakausap nila bago sila pumunta sa'kin dahil required 'yun. Parang nag-aapply ng trabaho at si Mommy ang secretary ko. Si Mommy ang nagseset ng date dahil masyadong maraming gustong manligaw. Hindi pwedeng iba, kailangan si Mommy. Si Mommy ang nag-iinterview saglit kung pwede ba siyang manligaw sa'kin. But now, sinama na talaga ni Mommy si Jordan. Sobrang botong boto kasi siya dito. Mula nang manligaw si Jordan, wala na siyang tinanggap pang iba kaya alam ko na agad kung sino ang naging bisita ko ngayon. Ito ang unang araw na ihahatid niya ako.

After a short while ay tapos na akong mag-ayos sa sarili. And now, ready na ako. Dala ko ang maliit kong bag na nakasabit sa braso ko. "Shall we?" Sabi ko ng nakaready na ang lahat.

"Okay. If you're ready."

"Let's go." Hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. Sumakay kami sa kotse niya. Hindi ko siya sasagutin para may tagahatid ako o para magkaroon ng gwapong boyfriend. Sasagutin ko siya para sumaya ako. Payo nga naman ni Mommy na magtry ako kaso wala akong mapili. So, eto na 'yun. Napili ko na siya.

"Basta ipatawag mo lang ako pag kailangan mo ako. You need a man for you to be with. Alalay." Ngumiti din siya.

"I don't wanna have a boyfriend like alalay. Mas gusto ko ngang ako ang alalay. I'm so bored kung asikaso na ako tapos aasikasuhin pa." Nakangiti siya sa'kin habang nagsasalita ako. Umaandar ang kotse. May driver kami kaya wala kaming gagawin kundi mag-usap lang. "I want something different."

"Hindi naman kasi bagay sa'yo na nagsisilbi. I know kahit piliin mo ako as your Prince, hindi ko dama ang pagiging Prinsipe ko dahil... You're a Goddess."

Bolero pa. I smiled. "Ituring mo akong kaibigan. Ituring mo akong babaeng kasangkapan. Ituring mo akong ordinaryo lang. I prefer that than to treat me like a Princess. Basta ba totoo mo akong mamahalin habang buhay."

"So, weird sa isang sinabi mo ah. But I like you well. Iba ka sa lahat."

"Bakit ba natin papatagalin?"

"So what do you mean by that?"

"I choose you." Kumapal ang ngiti niya. "I choose you not because nakakapagod nang mag entertain ng manliligaw. I choose you because I need man to make me happy. I know you would be."

Ang unang unang nakaalam na kami na ay ang driver niya but hindi officially na siya nga. Kaya tinawagan ko si Mommy pagpasok ko sa building. Upang ipaalam na may happiness na ako. At alam kong siya ang unang unang sasaya sa balitang ito. "Congratulations!"

Masaya siya. Masaya din ako. I will love Jordan. Gaya ng dati. Panay ang bati sa'kin ng mga empleyado. Iba ngayon ang aura ko. Sobrang sinisipag ako dahil mag-iiba na ang kabanata ng aking buhay. Pag-akyat ko sa second floor ay may napansin akong dalawang lalaking janitor na nakasaludo dahil dadaanan ako sa harap nila. Lokong Rosen 'to, ginawa pa akong Heneral. Paglampas ko ay nag-iwan ako ng isang patulak ng batok sa noo niya. Hindi na ako lumingon para tignan ang reaksyon niya. Narinig ko na lang ang tawa ng kasama niya. Pati ang ibang janitor nahahawa na sa mga kalokohan niya. May isang babaeng nagmamadaling magbukas ng pintuan ng office ko. "Ang aga aga. Ano na naman 'yan?" But I know excited lang siyang kumpirmahin sa'kin kung totoo ba ang balitang may boyfriend na ako.

"Totoo ba ang nabalitaan ko?"

"Ano?" Pagmamaang-maangan ko.

"Na ikakasal ka na?!"

Napahawak ako sa noo. "Ikakasal ka diyan. Hindi ah."

"Ganun na din 'yun." Natanggal ang excitement sa boses ni Maico.

"Ewan ko sa'yo. Saka na pag sobrang mahal ko na siya."

"I'm happy for you bestfriend!! Usap tayo mamaya." Umalis na siya. Iiling iling lang ako.

Hindi ko kailangang isipin si Jordan dahil may trabaho ako. Kahit na siya ang lalaking nagpabago sa aura ko. Ang isa sa iniisip ko ay si Rosen. Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang may boyfriend ako? Hmm hindi malayong magselos siya. Kahit ganiyan siya, lalaki parin siya at alam kong walang lalaki ang hindi nagagandahan sa'kin. Gusto kong makita ang reaksyon niya. Two months pa lang naman siya dito kaya close na talaga kami. Masipag siya, mabuti na lang talaga tinanggap ko siya. Hours passed ay hinanap ko siya para sabihin ang balita. Alam kong walang tyaga si Maico na ipaalam pa sa kaniya ang lahat. "Nasaan si Rosen?" I asked his partner.

"Nakaaway niya si Danilo. Suspindido daw." Oh my god! That jerk! Nagmamadali akong pumunta sa office kung saan nirereport ang mga empleyadong may ginawang kasalanan. Janitorial Supervisor's Office.

"Oh Miss Ken?" Bungad sa akin ng nakaupong Supervisor.

"Nabalitaan ko ang nangyari!"

"Ah! Tungkol sa bata mo. Dapat tinanggal na namin siya kaso ikaw muna ang inisip namin."

"A-ano bang nangyari?"

"Sinapak niya si Danilo!"

"What?!"

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon