48.

36 2 0
                                    

Nagpaalam at nagpasalamat agad ako kay Kuya Rogelio kaya ngayon ay papasok na ako. "Rosen!" Salubong sa'kin ni Leni na hindi pa naka-uniform. "Papasok ka din pala sa wakas."

"Namiss niyo ako ah."

"Oo naman."

Tuwang tuwa silang lahat. Dinahilan ko na lang na sinadya kong umabsent. Ngayon ay sabay sabay kaming naglalakad papunta sa second floor. "Rosen, wala pang nilalagay dito para maging headman, ako nga lang pansamantala sabi ni Miss Ken. Pwede bang ikaw na lang?" Sabi ni Jerry.

Alam kong ako pero nagtanong parin ako. "Bakit ako?"

Sumabat si Leni. "Baka kasi magkaroon pa tayo ng headman na masungit eh. Mas maigi nang ikaw. Malakas ka naman eh. Sige na para masaya tayong lahat."

Ngumiti ako. "Mas matindi ako kaysa kay Danilo. Kailangang may tagamasahe pa ako."

"Oo naman." Bigla akong minasahe ni Chukoy.

Nakatingin lang sila. "Ikaw naman." Tinuro ko si Annafe. "Linisin mo sapatos ko."

Sinuntok niya ako sa balikat at nagkatawanan sila. "Mas malupit pala 'to." Sabi ng isa pero nakangiti. "Ibalik na lang natin si Danilo." Nagtawanan sila ng malakas. Kilala nila ako. Alam nila na palabiro lang talaga ako kaya kahit anong gawin ko, walang epekto sa kanila. Ngayon alam kong masaya na sila dahil wala na si Danilo.

"Rosen, alam mo ba 'yung nangyari kay Danilo?" Tanong ng isa na dating partner ni Danilo sa katamaran. "Tanggal na." Siya na din ang sumagot.

"May nakapagsabi nga sa'kin."

"Ayoko naman talagang sundin 'yun eh. Napipilitan lang ako. Hiyang hiya na nga ako kaso mas nakakahiyang tanggihan si Danilo."

"Sige, naiintindihan kita. Simula ngayon, aayusin natin ang lahat. Para hindi kayo mahirapan, tutulong ako na parang isa sa inyo kahit headman ako. Headman lang ako sa pagkakaalam nila. Ako ang malalagot pag tamad kayo kaya sana mahiya kayo sa mga balat niyo ah."

Nagtawanan sila. "Oo naman. Kahit tumayo ka lang diyan, ayos lang. Gawain naman ng headman 'yun 'di ba?" Sabi ni Leni.

Magsasalita sana ako ng napansin ni Jerry na papalapit na si Ken. Kinalbit niya ako. "Ayan na si Miss Ken."

Sinenyasan ko sila. "Kunyari hindi ko siya nakita ah. Kunyari magpaplano tayo." Sinakyan lang nila ako.

Hindi ako tumitingin pero nakita ko siya sa salamin na papalapit na. "Kayo, magtrabaho kayo ng ayos ah. Nakakahiya kay Miss Ken. Nagtiwala sa'kin tapos tatamad tamad kayo! Gagawa tayo ng play." Nakita ko siya sa salamin sa gilid na nasa likod ko na kaya hinarap ko siya. "Miss Ken! Andiyan ka na pala." Kunyari nagulat ako kaya hindi na nila napigilan na tumawa.

"Hoy, ano 'yang pinagsasasabi mo?"

"Ako na ang headman 'di ba?"

"Hindi pa nga yata alam ng supervisor eh."

"Hindi na papalag sa'kin 'yun."

"Oo kasi tinawagan ko na!"

"Kaya pala." Well, it's okay to hear that. Wala nang problema. "Okay ba 'yung narinig mo?" Alam kong hindi talaga dapat ganoon. Gusto ko lang siyang patawanin.

Magdadahilan sana siya pero biglang nagsalita si Annafe. "Ma'am, nakita ka niyang parating na kaya kunyari masipag siya." Nagtawanan ang lahat. Nakakainis naman siya. Kaya pinadilatan ko. Sira ang diskarte ko.

Umiling siya pero hindi naman dismayado. "Sige na, see you around." Ngumiti at umalis na siya habang umiiling. Nakatingin lang ako sa kaniya habang papaalis na siya.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now