2.

739 11 16
                                    

Kasama ko si Maico. Andito kami sa condo niya. Inaalog-alog ko ang alak sa baso ko at dahil tahimik ang paligid, tanging ang tunog mula sa baso ang maingay. "Alam mo Ken, masyado lang sigurong mataas ang standards mo sa lalaki that's why malungkot ka." She said para basagin ang katahimikan.

"I don't wanna talk about it please!" Aadvice na naman siya sa'kin. Oo andoon na nga kami sa gusto niya akong sumaya, but what can I do? Sa hindi talaga ako masaya.

"Minsan kasi, naisip ko, siguro hindi ka masaya sa'kin bilang kaibigan. Boring ba akong kasama? Ngayon ko lang tinanong 'yan kahit sixteen years na tayong magkakilala."

"Magkakilala? Kaibigan kita, hindi lang kita basta kakilala."

"Sagutin mo ang tanong ko sa'yo." Tumayo ako at humarap sa labas. Kita ko ang mga sasakyan na umaandar. Nasa 21rst floor kami kaya medyo may kataasan. "Hey, what are you doing? Magpapakamatay ka?"

Sumigaw ako. "I DON'T WANT THIS!! I FEEL I'M PRISONER!! I HATE YOU WORLD!!" Dala ng kalasingan ko, sumigaw na talaga ako dahil hindi ko na yata kaya 'to.

"So.. masaya ka ba sa ginawa mo? Kasi kung malungkot ka parin after mong sumigaw diyan, aawatin kita. Hindi maganda 'yan, baka magalit ang kapit bahay ko."

"Yan ang isa sa gusto ko sa'yo Maico. Masyado kang cool. Masaya kang kasama kaya hanggang ngayon magkasama tayo. I don't care kung boring akong kasama."

"Hindi ka boring sa totoo lang. And kung magpapanic ba ako dahil sa ginawa mo, mababago pa ba ang lahat? Kung masaya ka ba sa ganiyang pagsigaw-sigaw mo na 'yan, dapat ba kitang pigilan sa bagay na magpapasaya sa'yo."

"Nilabas ko lang ang sama ng loob ko. And actually I'm not yet even happy."

"Lumuwag ba ang nasa puso mo?"

"Hindi."

"Huwag mo nang ulitin 'yun. Baka lasing ka lang kaya mo nagawa 'yang nakakarinding self pity mo."

Ganito kami ni Maico pag may freetime. Nag-iinom. Single din kasi siya, pero masaya siya sa buhay dahil natupad ang mga pangarap niya. Ang tanging problema na lang niya ay kung paano gagastusin sa tama ang perang kinikita niya. Naiinis ako sa mundo. Nasa akin na ang lahat. Hindi ko alam kung lovelife ba ang kulang sa buhay ko pero ni isa sa manliligaw ko, wala akong nararamdaman. Feeling ko, pag sinagot ko ang isa sa kanila, ganito parin ang magiging feeling ko. Malungkot. Baka magsisi pa ako kung dadating ang time na may lalaking magpapasaya sa'kin habang pinipilit ko ang sarili kong mag-asawa agad. Ano ang magiging theme song ko sa kaniya? 'Bakit ngayon ka lang?' Maigi na 'yung sure ako sa nararamdaman ko. Si Maico, no time for love 'yan. Iba ako, I always welcome all those men that court me, but why I can't? Bukas palad ko silang kinakausap pero wala talaga. May time si Daddy at Mommy sa'kin pero hindi pag aaruga ng magulang ang kailangan ko. Ang kailangan ko'y maging masaya na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung paano gagawin.

Umuwi ako sa mansyon. May kasama naman akong driver. Ayokong matulog sa condo ni Maico. Mas sanay ako sa kama ko. Kaya gusto kong nag-iinom minsan dahil maganda ang tulog ko. Pag hindi ako umiinom, hindi ako makatulog. Pero dahil sa masama sa kalusugan ang pag-inom ng alak, hindi ko madalas ginagawa. Dating gawi kinabukasan.. pagpasok ko pa lang ng building ay panay na ang bati sa'kin ng mga tao. Naalala ko si Rosen. Kamusta kaya ang trabaho niya? Dumaan ako sa department kung saan siya nakadistino. Napansin kong nakaupo siya sa isang box na malaki. "Hi!" Bati ko sa kaniya.

"Hi din, Ma'am." Binati ako ng mga kasama niya. "Kamusta? Namiss kita ah." Napansin kong sinaway siya ng kasama niya.

"Ma'am pasensya na, bago lang siya." Sabi nung isa.

"Bago? Halos trabahuhin ko na nga 'yung trabaho niyo dahil mahihina kayo!" Agaw ni Rosen na tila dismayado pa. Really? Good news.

"Kilala mo ba kung sino ang kaharap mo?" Tanong ng isa sa kasama niya.

"Oo." Pagmamalaki niya. "I'm the only daughter of the CEO of this company." Teka linya ko 'yun ah. "Siya nagsabi nun kaya alam ko."

"It's okay guys." Sabi ko. Mukhang wala namang problema sa trabaho. Isang Linggo pa lang siya pero mukhang alam na niya ang lahat lahat dito. Mukhang may utak naman kahit papaano. "Kinamusta ko lang kayo diyan. Sige, I gotta go." Umalis ako. Nagtataka ako kung bakit gusto ko ang taong 'yun. Wala pa namang gumaganun sa'kin noon. Hindi ko naman pinagbawal na ituring akong kaswal ng mga empleyado dito pero syempre, kailangan nilang kilalanin ang matataas dito para kilala nila kung sino ang dapat galangin. At mukha yatang hindi ako agad magkakaproblema sa kaniya gaya ng inaasahan ko.

Napailing na lang ako. Iba talaga si Rosen sa lahat ng nakilala ko. Bakit siya ganiyan? Walang takot o walang galang. Bakit siya nag-apply? Kung katuwaan lang, bakit parang ginagawa naman niya ang dapat? Bakit gusto ko siyang makita? So, ewan ko ba, miski sa uwian ay gusto kong kinakamusta siya. Kahit hindi ko siya makausap, masaya na akong nakikita siyang kausap ang ibang empleyado. Hanggang isang araw ay napansin kong may hawak siyang mop tapos kausap ang mga babae na empleyado din. Breaktime yata kaya nag-uusap usap sila. "Excuse me?" Singit ko. Tapos binati nila ako. Maliban kay Rosen na nakangiti lang. "Rosen, bakit hawak mo 'yang mop? Magtrabaho ka doon, hindi ka janitor."

"Ma'am naman, kung alam ko lang na magaan pala ang trabaho ng janitor dito, janitor na nilagay ko sa position. Kasalanan ko din kasi, hindi ko inaalam." Nagtawanan ang mga babae.

"Loader ang bagay sa'yo. Libre gym na ayaw mo pa. Nagkakapera ka pa." Tamad pala siya pero ayon sa report sa'kin, isa siya sa pinakamasipag dito. Once again everyone laughs. Alam na nila na sa twing nagkikita kami ay ganun kami mag-usap kaya wala nang sumisita sa kaniya.

"Iba ang gym." Angal niya. "Sa gym, walang pressure, walang nag-uutos. Pero dito, kailangan kong tumingin sa oras para hintayin ang uwian."

Bakit ba talaga siya nag apply? Dedicated siya sa trabaho pero hindi niya passion? Hindi ko pa siya lubos na kilala pero tinanggap ko siya kahit alam kong baka mambastos lang siya. Pero sa tingin ko, hindi pa dapat siya pwedeng husgahan dahil isang buwan pa lang naman siyang nagtatrabaho. "Gusto mo bang maging janitor?" Tanong ko.

"Oo naman. Gaang kaya ng trabaho!" Pagmamalaki pa niya.

"Pwes janitor ka na simula ngayon. May uutusan akong tao na magbibigay sa'yo ng libreng uniform. Pag inaway ka ng kasamahan mo, awayin mo din. Sabihin mo sabi ko. Utos ko!" Sabay binirahan ko ng alis. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi 'yun pero it seems biased ako. Ano ang magagawa ko? Doon ako masaya?

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now