53.

32 2 0
                                    

Lumabas si Ken para hindi niya marinig ang sasabihin sa'kin ng CEO. "Sir, ang pangyayaring ito ay sa pagitan lang namin ni Ken." Sabi ko dahil hindi niya pwedeng turuan si Ken na layuan ako. Alam kong galit siya sa'kin pero lalo lang magkakagulo kapag pinigilan niya kami sa gusto namin. Walang masamang mangyayari kay Ken, sinisiguro ko 'yan.

Nakatayo parin siya sa harap ko. "Wala akong pakialam sa nararamdaman ng Anak ko. Ang akin lang, papayag naman akong umalis kayo. Pero ipagpaalam niyo sana sa'kin. Kahit kailan walang ginawang kapalpakan si Ken. Tanging ngayon lang." Hinawakan niya ang kwelyo ko. Tinitigan ako ng masama. "Lahat ng gusto ni Ken ay pinapayagan ko. From now on, huwag mo siyang tuturuan na gumawa ng kalokohan." Nakahinga ako ng maluwag. May chance pa pala ako. Hindi ko na uulitin 'yun. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay mag-aalala ka dahil ni minsan, hindi pa ginagawa ni Ken ang mag-iwan ng trabaho ng walang paalam o hindi nagbilin. Mai-aalis mo ba sa'kin ang mag-alala?! Alam kong kaya niyo ang sarili niyo dahil malaki na kayo."

"Pero si Ken parin ang magpapasya."

Tinanggal niya ang kamay niya sa kwelyo ko at bumalik sa upuan niya. "Ako ang CEO! Under ko siya." Hindi ako makasalita. Nasa katwiran din siya. Gusto ko lang naman iparanas kay Ken ang hindi pa niya nararanasan. Last na to. "Wala din akong pakialam kung maging kanang kamay ka niya. Buhay niya 'yan. At kung hindi ko Anak si Ken, malamang masasabon ko kung sino ang hindi pumasok ng walang paalam. Wala akong pakialam kung ano ang dahilan niya. Pero dahil kilala ko si Ken, alam kong may nangyaring hindi ko alam kaya hindi siya nag-paalam. Naiintindihan mo ba ako?"

Okay, alam ko na kung bakit. Nawala ang kaba ko. Natatakot pa din siyang utusan si Ken na layuan ako. "I'm sorry."

"Yan lang ang sasabihin mo?"

"May dahilan ako."

"Kung ano man 'yang dahilan mo na 'yan, hindi ko na aalamin pa dahil panatag na ako ngayon. Hindi mo ba tatanungin kung paano namin kayo nahanap?"

"Dahil hindi kayo tumigil kakahanap?"

"Dahil sa Ama mo!"

Nagulat ako. "Kay Daddy?"

"Ngayon, malaki ang mawawala sa'kin. May alam na ang Daddy mo tungkol sa inyo." Nagtataka ako. Bakit si Daddy? Alam ko na. Baka pinaalam ni Kuya Rogelio. Bakit kasi nakita niya pa kami eh. Sabagay, no matter what, magagalit parin ang Daddy ni Ken. Ang mali lang, nalaman pa ni Daddy.

Pero ano naman 'yung nawala sa kaniya? "Wala nang kinalaman si Daddy dito."

"Meron, dahil ayokong gamitin si Ken para makuha ko ang gusto ko. Ano na lang ang iisipin ng Daddy mo?"

"Pero ang alam ko, magkakilala na kayo bago ko pa makilala si Ken."

"Pareho din 'yun. The continuance of my Business proposals wouldn't be go on. Unless, you and Kennedy aren't connected or both of you haven't known each other. I don't wanna do this to have an advantage. Baka ano ang isipin ng Ama mo. Kaya iaatras ko ang lahat. Hindi niyo kasi alam kung ano ang nawala sa'kin ng dahil sa inyo. Pero pera lang 'yan. Mas importante parin sa'kin si Ken. At dahil wala akong dapat ipag-alala pa, kaya kitang sapakin kung sasaktan mo ang Anak ko."

This is a mess. Ibang iba siya sa magulang ni Arseli. Siguro kung hindi ko parin alam ang point of view ng mga negosyante ay baka masabihan ko siyang mukhang pera. Ang mga katulad ni Daddy at ni Mr. Go ay hindi umaasa sa corrupt kaya achievement nilang mapalago ang yaman nila ng dahil na rin sa tulong ng kapwa nila negosyante dahil din sa sariling pagpapasya at husay sa negosyo. Napapaunlad nila ang yaman nila dahil 'yun ang passion nila. Nahiya tuloy ako dahil parang nagsakripisyo pa siya para lang kay Ken. Ayaw niyang mag-iba ang paningin sa kaniya ni Daddy ng dahil lang sa pera. Pero gaya nga ng larong Farmville, nakakapanghinayang din kahit hindi totoong pera ang nasasayang. Sa totoo pa kaya? Naiintindihan ko siya. "Hindi na kailangan pa 'kong alalahanin. Gagawin ko ang lahat."

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon