12.

437 17 0
                                    

Nagising ako. Umupo saglit. 'Ikaw Rosen! Kung hindi dahil sa'yo...' Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko sana kagabi matapos kong bumaba sa kotse at sumilip sa driver's seat nang ihatid nila ako dahil inawat na ako ng sumalubong na kasambahay. Ang iba ay hindi ko na natandaan. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong sinabi na nakakahiya. Muntik lang. Teka! Naalala kong ngayon na pala magiging headman si Rosen. Walang nakakaalam kaya agad kong tinawagan ang supervisor.

Maya maya lang ay hawak ko na ang maliit na bag. Andiyan na pala si Jordan. "Hi, I'm very sorry, biglaan lang. Maybe next time natin gawin." Apologize ko sa kaniya. Hindi ko na nga inaasahan na susunduin niya ako.

"Sayang lang dahil hindi natuloy, ihahatid sana kita kagabi but you didn't accept my phone call."

"Ah oo!" Lumakad ako at sumakay sa kotse. Sumunod na siya. "Naiwan ko kakamadali." Ngumiti lang ako. Kung ano man ang sasabihin niya, tatanggapin ko na lang dahil mali talaga ang ginawa ko. But I have no regret for what happened. Kung magagalit siya, okay. Lilipas din naman. Pero hindi ko kayang palampasin ang pagkakataon na alam kong baka pagsisihan ko kung hindi ko ginawa.

After that, we give each other a smack. "Bye!" Hindi na siya pumasok sa office ko pero alam kong dadating ang araw na sasama siya sa loob. Ano pa ba ang dapat kong itago. Alam na din naman ni Rosen at wala akong paki kung malaman pa ng lahat. Medyo late ako. Hindi na ako nagmadali dahil wala namang naghihintay sa'kin. Napansin ko ang mga uniporme ng janitor sa second floor. Alam kong isa sa kanila si Rosen kaya nagmadali ako, hindi pa ako nakakalapit ay narinig ko na ang boses niya. "Kayo, magtrabaho kayo ng ayos ah. Nakakahiya kay Miss Ken. Nagtiwala sa'kin tapos tatamad tamad kayo!" Papalapit na ako ng papalapit. Ang yabang naman. "Gagawa tayo ng play." What? Sabay humarap siya. "Miss Ken! Andiyan ka na pala." Nagtawanan ang mga nasa paligid. Miski ang mga babaeng empleyado ay hindi na naiwasan na tumawa.

"Hoy, ano 'yang pinagsasasabi mo?" Tanong ko.

"Ako na ang headman 'di ba?"

"Hindi pa nga yata alam ng supervisor eh."

"Hindi na papalag sa'kin 'yun."

"Oo kasi tinawagan ko na!"

"Kaya pala." Nagtaka ang itsura ni Rosen sabay nagtawanan na naman ang lahat. Ano ba Rosen, nagiging komedyante ako sa'yo. "Okay ba 'yung narinig mo?"

Magsasalita na sana ako pero may sumingit na isang babaeng empleyado. "Ma'am, nakita ka niyang parating na kaya kunyari masipag siya." Nagtawanan ang lahat. Dinuro ni Rosen ang babae dahil binuking siya pero napansin ko na lang na nakangiti din pala ako. Umiling na lang ako.

"Sige na, see you around." Nagpaalam na ako at naglakad. Actually, ayoko na talagang umalis. Gusto kong maghapon siyang kausap pero hindi pwede. Pumasok ako sa sarili kong office, nakita ko pang nagwawalis ang sekretarya ko.

"Hi Miss Ken. Pumasok na si Rose."

"Alam ko." Umupo ako. Lumabas na siya pagtapos nun. Isang oras ang lumipas. May kumatok at pumasok.

"Ken..." Si Ayie. Lumapit siya. "Ihingi mo naman ako ng dispensa kay Rosen." Napailing ako at ngumiti. Akala ko talaga from yesterday, galit na siya kay Rosen. "Please, nakakahiya eh."

"Ikaw ang magsorry sa kaniya. Hindi pwedeng ako."

"Nakakahiya nga kasi eh."

"Bakit kasi hindi ka muna nagpaalam sa'kin kung may sasabihin ka sa kaniya. At sana, ako na lang muna ang tinignan mo bago mo siya awayin. Hindi ka na nahiya sa'kin eh."

"Siya ang nang-away kahit alam kong ako ang mali at isa pa, alam kong maiintindihan mo ako kaya malakas ang loob ko. Hindi ka naman bias sa mga kaibigan mo alam ko. But still I want to apologize."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now