9.

534 15 4
                                    

Dalawang araw nang wala si Rosen. Wala siyang contact number, address o whatever na dahilan para tanungin ko siya. Medyo nagtaka lang ako. Babalik pa kaya siya? Nasanay na akong may kinakausap na empleyado dahil sa kanya. Hindi ko magawang hindi kausapin ang iba dahil sa kanya. Ngayon, kada lalabas ako galing sa office hindi ko magawang kausapin ni isa man sa mga bumabati sa'kin? Bakit ba ikaw Rosen ang nagpabago kahit dalawang buwan lang ng araw araw na routine ko? Maybe, ang mga katulad mo kasi ang hinuhusgahan agad kaya nang nagkaroon ka ng chance dahil sa'kin, nagbago sandali ang paligid ko. Siguro hindi ka nag-iisa sa mundo. Marami kayong hinuhusgahan kaya pare-pareho lang ang nakakasalamuha ko araw araw.

Magalang, mabait, masipag at matalino. Nasanay na ako sa mga taong ganun. Hindi ko alam na meron pa palang tao na nahahanay sa mababang uri na ituturing akong kapantay niya lang. Lahat ng tao natatakot sa'kin bukod sa'yo Rosen. Sana naman makausap kita para malaman ko kung babalik ka o hindi. Miski si Jordan na kalevel ko, sinasamba ako dahil sa taglay ko. Nakakasawa din pala.

May kumatok.

"Ma'am, birthday ngayon ni Miss Queenie. Imbitado ang lahat. Sasama ka?" Tanong ng secretary ko.

"Hindi ako makakasama."

"Pero sasama daw si Miss Maico."

"Hindi ako pwede. I have a commitment with my boyfriend. Saka na 'yang mga ganiyan."

"Okay, Ma'am. Sasabihin ko na lang." Aalis na sana siya pero. "Ma'am bakit po hindi ko nakikita si Rose?"

"Rose?" Saglit akong nag-isip. "Rosen? Si Rosen ba?"

"O-opo, Ma'am?"

"Magkakilala pala kayo?"

"Binabati niya ako lagi."

"Bakit Rose ang tawag mo sa kaniya? Lalaki siya, napakahalay."

"Kasi, sanay ang mga kasama kong tawagin siyang Rose."

"Buti hindi nagagalit si Rosen?"

"Ewan Ma'am. Akala ko nga Rose din ang tawag mo sa kaniya."

"No, hindi! Teka, hindi siya pumapasok." Oo nga pala. "Paki tanong sa mga janitor kung may contact number sila ni Rosen. Tapos ibigay mo sa'kin, kahit address o ano para makausap ko 'yung taong 'yun."

"Pinagtanong ko na po."

"Ano ang nangyari?"

"Waley Ma'am eh."

"Ganun ba?"

"Alis na po ako."

"Okay, ipapatawag na lang kita." Umalis na siya. Hindi ko akalain na miski ang sekretarya ko hinahanap siya. Hindi ko din inakala na magkakilala pala sila.

Wala akong time umattend ng party ngayon. May date kami ni Jordan mamayang gabi. Actually matagal ko nang alam 'yung birthday kaso walang confirmation pa kung sasama ako. So, nalimutan ko, ngayon nga pala 'yun. Si Maico, sure akong aattend siya dahil tropa sila. Tropa ko din naman si Queen. Kaso, may boyfriend na ako na kailangan kong unahin.

Dumating ang hapon. Lumabas ako ng office. Tumingin sa paligid. Tumingin sa lahat ng janitor, pero wala talaga si Rosen. Sakto tumawag si Jordan. Habang lumalakad ako at binabati ng mga empleyado ay kausap ko siya. "I have a surprise date to you." He said. Alam kong hindi niya ako planong dalhin sa labas. Humiling kasi ako na gawin namin ang date, privately. Pwede na siguro kahit sa kwarto niya.

"Ikaw talaga. 'Wag ka nang mag-abala. Hindi na importante sa'kin ang mga kandila, o ano-anong props. Napanood ko na 'yan. Make it simple."

"You don't want a romantic date?"

Expect The UnexpectedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora