26.

207 13 0
                                    

"I LOVE YOU WORLD!!" Nakangiti akong sumigaw sa terrace ng pad ni Maico. "YOU HAVE TO KNOW THAT I'M CONFIDENTLY HAPPY RIGHT NOW!!" I was once a heavyhearted woman even people know I'm not alone. But now I feel very much happy and confident. After kong sumigaw ay napatingin ako kay Maico na walang pakialam dahil kumakain siya. Napansin niyang nakatingin ako kaya napatigil siya.

Lumapit ako. "After you state what it was. Masaya ka na?" Sabi niya pag lapit ko. Binagsak ko ang katawan ko sa upuan niyang malambot.

"Hindi ka ba masaya sa'kin?" I said as she's eating.

"Gaya nga ng tanong mo kung nag-alala ba ako sa'yo. No comment dahil si Rosen ang kasama mo. I know you safe but I never jump to conclude those things happen."

"Hindi ka na dapat nag-aalala pa Maico. At huwag nating isipin ang bukas. Ngayon ang isipin natin pansamantala. Sigurado na akong walang mangyayaring masama o malungkot hanggang bukas o sa susunod pa."

"Hindi ako sa'yo nag-aalala. Kay Rosen. Kailangan kong alamin kung ano ba talaga ang isa pang pakay niya sa'yo. Masyado na kayong naglalapit. Wala akong katutol tulol kahit ano pa ang gawin niyo. Halos magkapareho kayo ni Rosen na iniisip ang mangyayari sa future kaya nalungkot akong marinig sa kaniyang nangyari na ito sa kaniya noon. Ang kaibahan lang, mas masaya daw siya ngayon. You were the most amazing girl he had met in his entire life according to him." Seryoso akong pinapakinggan ang sinasabi niya. Inalam niya talaga ang gusto ni Rosen? Hindi ako magkamali na nangyari 'yun pero bakit naman na kay Rosen pa ang simpatya niya. "I know, Ken na pwede kang masaktan pero madali kang makakabangon o pwedeng magsawa ka. Masira pero marami paring taong gusto ka even though."

"Hindi ako magsasawa at ayokong masaktan, Maico. Kaya please, sa ngayon ayaw ko munang mag-isip ng masasakit."

"Ang akin lang, may isang babae na kapareho mong tanggap si Rosen before. Kaya niya nasabi ang ilan sa nakaraan niya sa'kin ay para isipin kong wala siyang ibang intensyon o hindi niya kailangan ang pera mo. People change. Kagayang kagaya mo daw ang noo'y minahal niya pero ewan ko lang. Ang sabi niya.. parang nakapag-isip isip daw ang babaeng 'yun o nauntog sa katotohanan na hindi sila bagay ni Rosen. Masakit daw kaya ayaw na niyang maulit pa. Sure akong walang mamamagitan sa inyo dahil baka nga naman kapareho ka ng babaeng minahal niya. But in his mind, ikaw parin ang dabest sa lahat. Most amazing girl that he had met as I've said." Lalaki siya. Walang mawawala sa kaniya pero bakit parang ako pa ang lalaki?

"Kung sino man ang babaeng 'yun--hindi si Rosen ang para sa kaniya!" Nalungkot ako at nagpasalamat pero kaya pala nakadistansya si Rosen sa'kin dahil sa nakaraan niya. Ngayon alam kong panaginip lang nangyaring paghalik niya sa'kin. Oo nalungkot ako but now without a doubt, hindi ako magbabago gaya ng ibang babaeng nakilala niya. Salamat sa kanila dahil kung hindi sa kanila, hindi ko makikilala si Rosen.

"That's why nalulungkot ako sa kaniya. Pero alamin mo muna ang mangyayari pa. Unti unti mo siyang makikilala."

"Kilala ko na siya. Kahit siya pa ang pinakabarumbadong tao sa mundo, alam kong mabait na siya. Hindi biglaan ang pagbabago. He was a badboy I really know it. Pero alam kong pinipilit niya akong pasayahin. He experiments things to make us happy. Hangga't alam niyang pwede akong sumaya ay hindi siya titigil na tumuklas ng bagay na magpapasaya sa'kin at ganun din ang gagawin ko. Kahit aminin niyang sex o pera lang ang habol niya sa'kin, hindi parin ako maniniwala na totoo 'yun. Ganun ko siya pinagkakatiwalaan. At isa pa, kilala niya ang Diyos."

"Ken, hindi si Rosen ang issue dito kundi ikaw."

"Alam ko kaya ko sinasabi sa'yo ito Maico. Pero salamat dahil sa kaniya ka nagmamalasakit at hindi sa'kin."

"Okay, tapusin na natin 'yan. We just wait what's awaited. Makikilala mo ang totoong siya pag-lipas pa. And anytime soon, mangyayari 'yun." Ngumiti siya. Alam kong mahal niya ako pero hindi siya bias sa'min ni Rosen. Salamat Maico pero sad to say, mali ang akala mo.

Hindi kami nagtagal mag-inom dahil gusto ko nang matulog. Gusto ko nang dumating ang kinabukasan. Mukhang hindi totoo ang akala ko na nagpapanggap lang na mahirap si Rosen ayon sa babaeng umiwan sa kaniya. Huwag kang mag-alala, Rosen. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Nakagawa ako ng kwento dahil sa'kin at sa kaniya.

'Isang lalaki ang nahihiya sa mundo dahil malungkot siya. Ako 'yun. Nagawa niyang pahabain ang balbas niya upang manirahan at makisalamuha sa mga mabababang uri ng tao. Siya sana si Rosen. Naging masaya siya dahil nakita niya ang kaligayahan sa piling ng mga mahihirap na nakilala niya. Ang tanging saksi sa katauhan niya ang ang mundo na nakatingin sa kaniya. Umibig siya sa isang babaeng mahirap lang at ganun din naman ito sa kaniya. Ako ang babae at si Rosen ang lalaki. Hindi naman habang buhay ay magpapanggap siya. Kaya nang makilala siya ng babae ay nagbago ang lahat. Iniwasan siya nito dahil hindi nito kayang mabuhay sa mundo ng lalaki. Natuwa ako pero kung si Rosen ay nagpanggap lang para makisalamuha sa ibang tao, that means, bagay kami at sila ng babaeng umiwan sa kaniya dahil mayaman siya. Ang istoryang naisip ko ay hindi ko alam kung paano tatapusin dahil when the revelation has come, mahirap nang gawan ng dahilan kung paano sila magkakatuluyan.'

Kami ni Rosen ay baliktad. Pero kaya kong tapusin sa masaya ang sitwasyon namin dahil totoong buhay ito na pwedeng dahilan ay simple lang. Ang dahilan na wala akong pakialam sa tao dahil nagmamahalan kami. Very simple. Ganun sa totoong buhay dahil hindi na kailangang bigyan ng aral ang mambabasa dahil wala namang nagbabasa. Isa pa, ang mga taong nakapaligid sa'kin ay masaya kung masaya ako kaya walang makakapigil sa'kin. Ako ang pinakagusto ni Rosen at 'yun ang mahalaga. Masaya akong malaman 'yun. Gaya nga noon, ayokong ipagsigawan na malungkot ako. Sumisigaw ako sa galit. Pero ngayon, pinagmamalaki ko sa mundo na sobrang saya ko.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now