Epilogue

70 1 1
                                    

Rosen's POV

"Dito ka muna hangga't hindi pa araw ng kasal." Sabi ni Ate Paulina nang pauwiin niya ako. Akala ko gusto lang niya akong makita.

"Pero, usapan namin ni Ken na uuwi ako sa mansyon niya. Kukuha lang sana ako ng gamit." Sagot ko. Nadismaya talaga ako.

"Inaayos na ang kasal niyo. Bakit ba natatakot ka pang mahiwalay sa kaniya?"

"Ate, this is now an era of modern people or whatever stupid things. Sana naman ayos na 'yung habang inaayos ang lahat, doon muna ako. And then, 1 week before ng kasal na ako uuwi dito. Doon naman kami ikakasal."

"Hindi pwede ang gusto mo!"

"Ang tagal ng isang buwan, Ate."

"Para mabawasan ang kasalanan niyo kahit papaano."

Napapikit ako. "Ate.." Nasa kusina kasi kami. Napepressure akong kausap siya. "Paano pala kung may nangyari na sa'min? Pareho din 'yun."

"Basta, sundin mo ang gusto ko. Isang buwan lang naman." Umalis siya. Napasandal ako. Sige na nga. Bahala na. Ano ang gagawin ko dito? Binigyan pa naman ako ni Daddy ng trabaho.

Tapos nakausap ko si Daddy. "Sige, sundin mo muna ang Ate Paulina mo." Sabi ko na nga ba.

Pero tinawagan din ako ni Waine. "Dito muna ako." He said.

Isa pa 'to. Akala ko aalis na sa airport. "Bakit ba papahirapan mo pa ang sarili mo? Umuwi ka na. Para naman may kasama ako dito."

"Ayaw pa ni Maico eh."

"What?"

"Oo, may usapan kami. Kailangan ko siyang sundin."

"Bahala ka." Wait. Oo nga pala. Araw araw niyang makikita si Ken. "Sabihin mo na lang sa'kin kung ano ang ginagawa ni Ken ah."

"Sure. Baka makasama ko sila."

Nagulat ako. "Bakit na naman?"

"Wala ka bang nahahalata? Hindi mo ba talaga ako kilala o ang taste ko sa babae?"

Teka muna. Huwag niyang sabihin na si Maico ang target niya. "Huwag mong ituloy ang binabalak mo."

"Why not?"

"Nakakahiya naman. Alam mong hindi na siya iba sa pamilya ni Ken."

"Ano ba kasi ang sa tingin mong plano kong gawin?"

"Bakit may plano ka pa ba bukod doon?"

"Anong doon? Makinig ka, RM. Panahon na din para lumagay ako sa tahimik. Actually, kagabi muntik na akong umiyak sa bago kong tinutuluyan."

"Bagong tinutuluyan? Muntik umiyak?"

"Oo, may bahay pala si Tito Marco na binili niya at pinaayos pero hindi maasikaso. Kaya doon niya ako pinatira."

"Good."

"Maayos doon ah. Pinagsisihan ko ang lahat ng nagawa ko. Nangakong hindi na ako uulit. Naalala ko ang mga kalokohan na nagawa natin. Sising-sisi ako."

Matapos naming mag-usap ni Waine ay nagtanong ako kay Ate Paulina. "Ate, may itatanong lang ako."

"Ano 'yun?" Kasalukuyan niyang inaayos ang mga lumang gamit niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Makakarma ba talaga ang lahat sa ginawang kasalanan?"

Nag-isip siya bago magsalita. "Siguro may kapalit ang lahat ng ginawa mo kaya kailangan mong pag-sisihan ito ng taos sa puso mo. Dahil kung gagawin mo lang na humingi ng tawad sa Diyos para hindi ka makarma, parang mali naman 'yun."

Naalala ko ang sinabi ni Waine na muntik na siyang umiyak. "Parang unfair naman 'yun."

"Bakit?"

"Paano kung nakapatay ka?"

"Papatawarin ka ng Diyos basta kausapin mo Siya ng tapat sa puso mo. Paano ang pamilya na nadamay sa ginawa mo?"

"Ang Diyos na ang bahala sa kanila. Pero kung ang pumatay ay walang pagsisisi. Malamang, hindi matatahimik ang pamilya ng namatayan. Teka, bakit ka ba nagtatanong? Sino ba ang nakapatay?"

"Naalala ko lang si Waine, Ate. Malungkot siya ngayon. Ang dami naming ginawang kasalanan. Pero hindi kami nakapatay. Basta. Ramdam kong lubos na siyang nagsisisi."

"Basta sabihin mong magsimba at umiyak siya sa Diyos. Pati ikaw, siguradong papatawarin Niya kayo. Ipapaunawa niya sa inyo ang mga kasalanan niyo kaya siguradong wala man kayong ligtas, papatawarin Niya kayo habang binibigyan ng sapat na parusa. Huwag kayong matakot. Kausapin niyo Siya at magkakaroon kayo ng mapayapang loob."

Umupo ako sa labas. Tulala. Kung hindi dahil kay Waine, hindi ko maaalala ang mga kalokohan na pinagdaanan namin.'

The End

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon