19.

287 13 0
                                    

Inayos ko na ang lahat. Wala nang makakapigil sa'kin. Pinagresign ko na si Rosen dahil sa'kin na ang serbisyo niya at hindi sa kompanya. Bibigyan ko siya ng malaking sweldo para lang makita ko siya oras oras. Idea niya 'yun at hindi akin. Pinaalam ko na kay Maico dahil wala naman akong paki sa mga iisipin nila. Lahat ng gusto ko--masusunod. Hindi pwedeng hindi. Pinasa na niya ang pagiging headman niya kaya hindi na siya janitor mula ngayon. Sinabihan ko na din siyang agahan ang pagpasok para everytime na papasok ako, sasalubungin niya ako. Ipinaayos ko na rin sa sekretarya ang susuutin niya. Simula ngayon, akin na ang lahat ng oras niya. Excited na ako pero ang unang pumasok sa isip ko ngayong umagang pag-gising ko... baka mag-iba ang lahat. Pero ang isa sa nasa-isip ko.. hindi ko na siya ngayon hahanap-hanapin pa dahil kasama ko na siya. Plano ko siyang yayaing mag-inom sa minibar ko. Bahala na kung ano ang mangyayari basta gusto ko siyang kasamang uminom na walang akong problema.

Kasama ko ang driver ko. Sa malayo pa lang na bababaan ng kotse ay napansin ko na ang ilang mga tao. Habang papalapit ay nakilala ko ang bagong headman na naka-civilian pa at ang kaibigan ni Rosen. Tumigil kami. Napansin kong nakasaludo ang lahat. Natawa ako kasi nakabihis na si Rosen. Bagay sa kaniya 'yung kulay pink na polo na may necktie na pinabili ko. Nakasalamin pa siya. Hindi bagay sa kaniya maging nerd pero gamit niya 'yung modern eyeglasses pero boyish kaya para siyang si Clark Kent ng Superman. Nerdy looks pero ang gwapo niya. I can't wait what happens next. Plain polo but I prefer expensive from shoes to eyeglasses. Malamang magrereklamo siya sa suot niya. Napansin kong maganda naman, kasi nakatupi 'yung manggas ng polo. Well, halata naman na may sense of fashion siya kahit papaano.

Tumayo ako sa harap nila at sumaludo na din. Nahawa ako kay Rosen o masaya lang talaga ako? Hindi ko alam basta napansin kong ngumiti ang dalawa niyang kasama. "Makakaalis na kayo." Sabi niya sa dalawa. Nag bow at umalis.

"Hindi niyo na kailangang gawin 'yan." I said dahil sobrang overwhelmed ng pag-galang sa'kin. Nailang ako.

"Hayaan mo sila. Sila ang kaliwa't kanang kamay ko." Sabi ni Rosen. Natawa ako. Nakatingin kami sa kanila habang papalayo sila.

"Nagpapasahod ka sa kanila?"

"Hindi! Malaki ang utang na loob nila sa'kin kaya gagawin nila ang gusto ko."

"Sira!"

"Tara na." Inamba niya ang braso niya para kapitan ko. Ano? Naglalakad kami ng naka-angkla pa ang kamay ko? Ayoko nga. Siguro baka after 10 days pwede na basta maging maganda ang pagsasama namin. Baka nga naman magbago ang isip ko sa loob ng ilang araw. Baka pabalikin ko siya sa pagiging janitor kasi mas masaya pala ako kapag magkahiwalay kami. For the meantime, mas gusto kong magkasama kami. Iniisip ko lang ang future.

"Dalhin mo 'to!" Binigay ko sa kaniya ang bag ko at lumakad papasok.

"Aanhin ko 'to?"

Tumigil ako. "Alalay slash kanang kamay kita kaya umayos ka."

Napakamot siya ng ulo. Sumunod siya sa'kin nung naglakad ako. "Nakakahiya. Kalalaki kong tao, may bag ako na pang babae." Bulong niya habang naglalakad kami.

"Milyon ang halaga ng bag na 'yan."

"Kahit na."

"Mag sanay ka nang maglakad dahil everyday routine na natin 'to."

"Sabi ko nga eh."

"Akin na ang phone ko." Plano kong tawagan si Maico. Pwedeng hindi muna pero practice lang sa kanang kamay ko. Binigay niya sa'kin ang bag. "Kunin mo ang phone at ibigay mo sa'kin." Mas feel ko ang ganun. Alam kong mareklamo siya pero babayaran ko siya kahit magkano basta sumaya ako. Alam kong dadaanin lang niya sa patawa pero alam kong willing siyang sundin ako. Binigay niya ang phone.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now