43.

143 17 0
                                    

Masaya ang isang buwan na mahigit ko dito kahit hirap ako. Alam ko naman na may patutunguhan ito. Kaya konting araw pa. Sa ngayon, kaya ko nang humawak ng empleyado dahil alam ko na ang mga hinaing nila o saloobin. Oras na bigyan ako ng posisyon ni Daddy, sa empleyado ako tututok. Pero napag-alaman kong may masasamang empleyado talaga na katulad ni Danilo. Pag-aaralan ko pa kung paano aalisin ang mga katulad niya.

Tinawagan ako ni Daddy. "Hello RM. Ilang araw pa ah. Sana tapusin mo para makapagresign ka nang maayos."

Ngumiti lang ako. "Walang problema, Dad."

"Pero marami pa akong itururo sa'yo para kahit hindi ka nakapag-aral, alam mo ang basic. Pinag-iisipan ko pa kung ano ang talagang plano ko sa'yo."

"Sige Dad, walang problema. Ang mahalaga, maging maayos ang buhay ko."

"Natutuwa naman ako sa'yo. Sana sundin mo ako. Pupunta ako sa Los Angeles bukas, maybe tatlo o apat na araw ako doon. Medyo marami talaga akong ginagawa kaya pasensya na ah."

Naisip ko si Ken. Kung hindi ko susundin si Daddy, hindi ko magagawa ang misyon ko sa kaniya. "Opo, Dad. Hayaan mo, next time, ako na ang aasikaso ng lahat sa negosyo natin diyan. Hindi pa naman huli ang lahat."

"I'm happy to hear that, Son. I know you can make it all. I trust you. Kailangan lang na dumaan ka sa pag-aaral kahit hindi ka nag-aral sa school. Okay lang 'yan. Ang mahalaga, nagbago ka na at susunod sa magulang."

Korni naman. "Okay, Dad."

Wala akong ibang iniisip kundi si Ken. Siguro naman kung makikilala niya ako, madali niyang matatanggap ang katotohanan. Kung maninibago siya, madali nang mababago at babalik sa dati ang friendship namin. Siguro nga kung sa una pa lang, nalaman na niya ng buong pagkatao ko, baka hindi kami naging ganito. Parang dininig na ng Diyos ang dalangin ko. Totoo pala talaga na hingiin lang ang bagay na gusto mo, ibibigay Niya. Ang katulad ni Ate Paulina ay nakita ko na. Maybe I am the one who'll make her happy dahil ngayon ko nakukuha ang dahilan kung bakit siya may lungkot na tinatago.

Kinabukasan, masaya akong pumasok. Gaya nga ng madalas mangyari, nagkikita kami sa second floor. "Hi, Miss Ken." Bati ko sa kaniya.

Ngumiti siya. Minsan nagtataka ako kung bakit siya ngumingiti sa'kin. "Hello, lagi mo akong inaabangan ah." Sabi niya lang habang nakangiti pa. Gusto kong isipin na ngiti lang 'yun na dapat niyang gawin pero napapansin kong napakahalaga pala talaga ng ngiti niya.

"Ang ganda mo talaga Miss Ken pag ngumingiti ka." Pinalo niya ako sa balikat. Hindi yata siya sanay na bolahin. "At isa pa, hindi kita inaabangan. Nagkakataon lang na dito ang first routine namin."

"Ganun na din 'yun. Ikaw ba kahit alam mong may taxi na dadating, hindi mo parin ba masasabing nag-aabang ka?" Barado talaga ako. Siya na nga si Ate Paulina na hindi kayang pilosopohin.

"Sabi ko nga." Tumawa siya. "Ano naman ang nakakatawa do'n?"

Umalis na siya. Ganito kami. Nag-uusap saglit kapag dadaan siya. Pero sinagot niya muna ang tanong ko. "May kiliti sa tenga ko ang bawat salita mo."

Hindi na niya ako nilingon. Ngumiti lang ako. May kiliti daw. Hindi siya literal na nakiliti pero paano mangyayari 'yun? Kaya ba kayang kaya ko siyang pangitiin kahit hindi na ako magpatawa? Ayun nga siguro ang sagot doon. Nagpatuloy kaming magtrabaho. Dahil malapit na naman akong umalis sa lugar na ito, kadalasan, hindi ako nagpapasindak kay Danilo. Ginagawa ko ang dapat kaya walang masasabi sa'kin ang iba. Wala lang talaga siya sa ayos. Mapikon na siya pero wala akong pakialam. "Rosen!" Tawag niya sa'kin.

"Maging maagap ah. Ako ang napapagalitan." Sa'min niya talaga binubunton ang lahat. Panay ang lakwatsya nila sa labas ng ilang oras tapos magagalit kung hindi namin magawang linisin lahat? Malapit ka na sa'kin.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon