14.

380 9 0
                                    

Pinuntahan ko si Rosen bago ako umuwi o sunduin si Jordan. Hindi ko siya makita kaya pinatawag ko siya sa isang janitor na hawak niya. Bumalik ang janitor. "Ma'am pasensya na, hindi pa daw sila tapos. Hintayin niyo na lang siya." Nadismaya ako. Wala naman kasi akong importanteng sasabihin eh, paghihintayin pa ako. Hinintay ko na din. Dumating siya.

"Rosen, may bilin ako sa'yo.." I said tapos parang inis ang itsura niya. "May problema ba?"

"Nagtatrabaho kami, nang iistorbo ka."

"Istorbo?" Hinampas ko siya sa balikat. "Ikaw lang ang nagsabi niyan sa'kin." Ngumiti ako kasi hindi naman nakakapikon si Rosen.

"Ano ba ang sasabihin mo?"

"Hindi ako makakadaan sa office ni Maico kaya ikaw na magsabing, nauna na ako. Pupuntahan ko ang boyfriend ko."

"Sus!" Nadismaya siya.

"Sige na, minsan samahan mo siyang uminom."

"Itext mo na lang."

"Sige na! Ayokong sabihin ng personal sa kaniya eh, nahihiya ako." Oo tama naman na nahihiya ako kasi kanina lang nahalata niyang hindi ako masaya. Susubukan kong maging masaya.

May dumating. "Hi Ma'am." Si Anime Girl ito ah. Start na pala siya sa trabaho? Tumingin siya kay Rosen. "Ikaw ba si Rose? Lalaki daw eh tsaka dito ko siya makikita, tapos gwapo daw." Oh my.

"Dipende. Kung ipapakulong mo ako hindi ako 'yun. Pero kung magbabayad ka ng utang, ako 'yun." Ang korni ni Rosen pero tumawa kami pareho ni Anime Girl.

Nakatakip ng bibig si Anime Girl. Pigil ang tawa. "Pinapatawag ka ni Mr. Silva."

"Sige." Aalis na siya. "Sige Miss Ken, sasabihin ko kay Maico."

"Aba, hoy! Bakit pag-iba, sunod ka agad pero pag ako, pinaghihintay mo ako."

"Miss Ken, business proposal 'yun pero sa'yo, chismis lang." Loko 'to ah.

"May nalalaman ka pang business proposal." Sinaksak ko siya ng ballpen kaya hinawakan niya ang kamay ko. Nagkalapit kami ng mukha for the first time kasi hinila niya ako.

"Miss Ken naman." Binitawan niya ako. Nakasimangot ako pero hindi naman ako galit. "Joke lang. Hindi kami malapit ni Mr. Silva kaya alam kong importante 'yun. Nakatingin sa'min si Anime Girl. Ano kaya ang iniisip niya? Sa uniform pa lang, alam na ang agwat namin ni Rosen. Iniisip kaya niya na malandi ako kasi gwapo si Rosen?

"Oo na, basta ang bilin ko ah."

"Sige Ma'am." Ngumiti siya. Parang kilalang kilala na niya ako dahil alam niyang hindi ako seryosong nagagalit sa mga ganun. Siguro dahil sa una naming pagkikita.

Umalis ako. Hanggang sa nakarating na ako sa building kung saan na andoon si Jordan. Agad agad akong hinatid kung nasaan siya. "May meeting po sila ngayon." Sabi ng isang babae sa'kin.

"Ganun ba? Bakit ihahatid mo ako sa kaniya? Makakapag hintay naman ako. Okay lang."

"Girlfriend ka niya 'di ba po? Bilin niya kasi na 'wag siyang istorbohin maliban na lang kung girlfriend niya ang iistorbo." Ngumiti siya. Sinamahan niya ako. Kumatok siya.

"Sir Jordan, andito po siya." Tinuro ako.

Nakita kong busy sila sa pag-uusap. "Baby?! Oh my god. Why are you here?" Tuwang tuwa ang itsura ni Jordan ng makita ako. "Guys, can we continue it by maybe tomorrow?"

"No Jordan, it's important I know, makakapaghintay ako."

Pero parang wala siyang narinig. Nag-alisan ang mga kasama niya. Ngayon kasama ko na siya. "I'm not expecting you here, Baby. Handa akong ipagpabukas ang lahat dahil pinuntahan mo ako." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang elevator. Kakain muna kami.

"Makakapag hintay ako, bakit ba ako ang inuna mo?"

"Importante ka, Baby. Pinuntahan mo ako. Actually, gusto kong puntahan ka pero ayoko namang isipin mo na makulit ako. Ngayong pinuntahan mo ako, alam kong gusto mo akong makasama."

Nadismaya ako. Buti pa si Rosen, mas may importante sa kaniya. Bakit ba sawang sawa na akong ituring akong Prinsesa. Masaya ako kasi makakasama ko si Jordan pero sa isang iglap, tinamad ako. Maybe, mas okay kumain na lang kami. Naalala ko si Rosen, 'yung paglalapit ng mukha namin. Namula ako sa naisip ko. Gusto kong sumaya pero hindi ko magawa. I'll take my time. But now, nawalan ako ng gana. I think babalik na lang ako sa office after naming kumain. Sana maabutan ko pa sila. Gusto ko na namang mag-inom. Pero naisip kong, mahalay naman. After naming kumain ay umalis na ako. Plano kong yayain siya sana sa kwarto niya pero nawalan talaga ako ng gana.

Bumalik ako sa office pero si Maico na lang ang nakita ko. Umuwi na si Rosen. "Oh, akala ko bukas na ang dating mo?" Tanong niya.

"Kumain lang kami."

"Ah okay." Nag-iisip siya.

"Bakit?"

"Sabi ni Mark kasi, baka doon ka na matulog."

"Hindi ah, wala akong sinasabi!"

"Hay naku. Sira talaga siya." Hindi ako nagsalita. "Alam mo ba na parang may gusto siya sa'kin?"

Nagulat ako. "Naramdaman mo?"

"Oo, pag-iisipan ko pa kung pwedeng kaming dalawa lang sa suite ko. Hindi naman daw siya magtetake-advantage. Mag-iinom lang kami. Ayaw niyang kasama ka. Ano sa tingin mo, bakit ayaw niya?"

Parang nakaramdam ako ng selos oh selos nga bang matatawag 'to? Baka totoong may gusto nga si Rosen kay Maico. Bakit siya yayayain nito ng sila lang? "Maico, hindi mo ugali na magsama ng lalaki sa suite mo."

"Oo nga, but babae din naman ako. Alam mo naman na sinabi ko sa'yo na maghahanap ako ng FB minsan."

"What? Si Rosen?!" Feeling ko ang OA ko.

"Bakit naman, Ken? Mabait at masipag si Rosen. Kung ikukumpara ko siya sa ibang lalaki, iba siya sa mga mayayaman na kakilala ko. Oo mahirap lang siya pero may kakayahan siyang maging kalevel natin. Magaling siyang magdala ng ugali specially sa party." Pagtatanggol niya. Hindi ko naman minamaliit si Rosen eh. Bakit ba tutol ako. Fuck Buddy?! Nababaliw na si Maico. Hindi agrabyado si Rosen at ganun din siya, pero mahalaga ang dangal. Kung sila na lang kaya ang magkatuluyan? Tingin ko, katapusan na ng lahat. Hindi pwedeng mangyari 'to.

"Maico! Baliw ka na. Hindi ka na naawa sa sarili mo. Mag-asawa ka na kasi."

"Ayoko pa. I know, pag nakasama ko siya, malalasing kami. Open naman ako sa lalaki basta gusto ko. Nasa sa kaniya na 'yun kung papayag siyang matapos kaming magsex, iiwan na niya ako."

Hindi ako makasalita. Hindi ko alam kung bakit sobrang tutol ako sa gusto niya?! Magsesex sila ni Rosen? Hindi ako makapaniwala. Nasisiraan na ng bait itong si Maico.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now