4.

636 13 0
                                    

Matapos ang nakakapangilabot na paglalakad ko mula First to fourth floor dahil para akong Reyna kung salubungin ng mga empleyado, nonstop parin ang text, ang tawag, at ang pagsilip sa office ko ng ibang kaibigan ko sa kompanya para lang batiin ako. Sa totoo lang, hindi naman sasama ang loob ko kung makalimutan nila ang birthday ko dahil wala sa birthday ko ang kaligayahan ko. I'm wondering what's my happiness 'cause even I can see it, I can't feel it. My very own kids on the future, my loving husband that I'll love, and my new friends, my new blood and my husband's relatives.

Ang isa sa iniisip ko ay mawala ang lahat sa akin at magsilbing kasiyahan ang mga ito kung maibabalik sa'kin. Bakit hindi na lang mangyari para sumaya ako? Ayokong ipagdasal ang kalungkutan na mas matindi pa sa nangyayari ngayon. Maybe tama si Maico na kailangan ko na ng Psychiatrist but I assume, I'm not crazy to do that. I'm a normal person who's currently never be happy even I am sorrounded by superb people. Hanggang ngayon ay umaasa ako. Hanggang ilang oras ang lumipas, nawala na ang mga bumabati sa'kin. Kahapon pa sila. I feel annoyed everytime my birthday came in. Mas okay sana kung secret na lang ito para malaya ako pero naisip ko, isa o dalawang araw lang naman.

Lumabas ako para puntahan si Maico pero may narinig akong boses na papalapit. "Porke mataas siya, akala niya kung sino siya." Hindi lang isang tao dahil hindi naman yata baliw 'yung nagsasalita. Teka, boses ni Rosen 'yun ah. Nagmadali ako para masalubong ko siya. Crossing kasi ang daanan pero rinig ko siya. Si Rosen nga 'yun. Sino kaya sa matataas ang nakaaway niya? "Kahit hamunin pa niya ako ng murahan sa loob ng apat na oras at kalahati, hindi ko siya uurungan!" Oh my god. Tawa ng tawa 'yung kasama niya hanggang nasalubong ko silang may dalang mop. "Ma'am!" Medyo kinagulat niya.

"Rosen." Pinandilatan ko siya.

Binati ako ng kasama niya. "Ikaw pala." Rosen said.

"Sino ba 'yang tinutukoy mo na 'yan?"

"Narinig mo?"

"Obvious naman 'di ba?"

"Ano kasi eh.. wala 'yun. Konting kaso lang."

"Para sabihin ko sa'yo ah. Hindi ka pwedeng umasta na akala mo kung sino ka." I'm afraid kasi baka Daddy ko ang bastusin niya. Although wala pa naman akong nababalitaan na binastos niya. Siguro, talikuran siya kung magsalita.

"Wala nga 'yun, sige na, magtrabaho ka na." Aba! Parang ako pa ang inutusan.

"Sagutin mo muna ang tanong ko!" Tumingin ako sa kasama niya. "Sino ang tinutukoy nitong makikipagmurahan sa loob ng apat na oras." I asked another man next to him.

"Si ano po..."

"Sino?"

Pinandilatan siya ni Rosen. Ang alam ko, mas matagal na ito sa kaniya pero bakit parang takot siya kay Rosen? "Si Miss Maico."

Napahawak ako sa noo. "Rosen, mamaya ibibigay ko ang listahan ng mga tao na dapat ginagalang mo ah."

"Ma'am, wala 'yun at isa pa, kilala ko na ang mga naghahari-harian dito."

"Anong naghahari-harian?"

"I mean, alam ko ang ginagawa ko."

"Hindi sa ganun. Alam kong totoong may naghahari-harian dito kaya kailangan mong makilala kung sino ang dapat mong sundin. Ayoko kasing kimkimin mo 'yang sama ng loob mo sa isang tao, sagot kita. Basta 'wag lang si Maico. Baka tanggalin ka nun. Magkaproblema pa."

"Oo na, mas maiging pag-usapan niyo ni Ma'am ma 'yan."

"Mama?" Bakit mama? May hindi ba ako alam?

"Ma'am Maico." Tumawa sila. Ano ba talaga ang meron sila nun. Sa tawa na lang nitong mga 'to para ngang may hindi ako alam. "Sige na Ma'am, may aasikasuhin pa kami." Naglakad na sila papalayo.

Bakit ba sa t'wing nakikita ko siya, tumitigil ang oras ko? Bakit parang ayaw ko nang mawala siya sa paningin ko? Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Nakarating ako sa pinto kung saan ang office ni Maico. Kumatok at pumasok ako. "Hey, lunch break na." Sabi ko habang napansin kong busy parin siya.

"Wait lang, natagalan ako eh. Saglit na lang 'to. Just sit down..." Napatingin siya sa'kin at tinuro ang ibaba. "Ano mo ba si Mark?"

"Mark??" Tinuturo parin niya ang ibaba.

"Si Mark." Tinanggal niya ang salamin niya at seryosong tumingin sa'kin. "Ikaw pala ang naghire sa kaniya. Blangko pa lang ang kontrata eh. Mag-ano kayo?"

"Ah si Rosen."

"Oo siya nga. Ayokong tawagin siyang Rosen eh."

"May problema ba sa kaniya?"

"Wa-wala naman. Nakausap ko siya kanina, pinagbawalan ko lang, nakahover-board habang nagmamop eh."

Napangiti ako. "Ginawa niya 'yun? Saan siya kumuha nun?"

"Malay ko?"

"Sabi ko, bawal 'yun. Itinigil naman niya pero masmadali daw 'yun eh. Ang daming dahilan makalusot lang sa ginawa niyang hindi ko nagustuhan."

"Binastos ka niya?"

"No he's nice. Gwapo. Kanang kamay mo daw siya."

Lalo akong napangiti. "What the hell, kailan pa ako nagkaroon ng kanang kamay?"

"Lagot sa'kin 'yun ah."

"Teka, ako na ang bahala sa kaniya. Sagot ko na siya."

"Ano mo ba 'yun?"

"Wala, nung time na nagmeeting ang lahat ng managers dito, sakto may nagapply, nagustuhan ko siya kaya on the spot tinaggap ko siya ay teka.."

"Bakit?"

"Nakalimutan kong itext 'yung dalawang kasabayan niya."

"Pero ano ang nakita mo sa kaniya? Bakit ang lakas lakas ng taong 'yun sa'yo? Ang weird ng pangyayari. Imposible naman na nagwapuhan ka lang." Napangiti uli ako.

"Tapusin mo muna 'yan, mamaya na natin siya pag-usapan."

Sinabi ko ang dahilan pero hindi lahat. Kunyari na lang matalino talaga si Rosen kaya napaniwala ko siyang ayoko nang pakawalan pa ito. Habang sabay kaming pabalik, nasalubong naman namin siya. "Hoy, Mark!" Pinandilatan siya ni Maico this time. Nangako naman si Maico na wala siyang ano mang gagawin. Nalaman ko na din ang dahilan kung bakit nainis sa kaniya si Rosen but hindi ko na sinabi kay Maico ang narinig ko mula kay Rosen. Baka magalit pa.

"Ma'am ma?!"

"Miss Maico." Pagtatama ni Maico. Nakikinig lang ako sa kanila. Gusto kong matawa kasi, parang tropa lang sila.

"Ma'am." Tumingin sa'kin si Rosen. "Kung ano man ang sinabi sa'yo nito." Tinuro niya si Maico. "Huwag kang maniwala."

"Loko ka pala eh!" Sinaksak siya ni Maico ng ballpen.

"Aray!!"

"Don't treat me like that. Isa ka na lang ah. Ibabalik kita sa pagiging loader mo." Maico said. Naikwento ko na kay Maico ang lahat kaya wala nang problema. Hindi niya ako pinipigilan sa gusto ko. Sinabi kong ako ang nag-aalaga kay Rosen kaya 'wag niya akong kontrahin. Hindi seryoso si Maico sa mga sinabi niya. Inamin ko kasing may ugaling kakaiba si Rosen na nagustuhan ko.

"Biro lang." Nakahawak pa si Rosen sa tyan niyang nasaksak ng ballpen.

"Kanang kamay ah."

"WALA AKONG SINASABI!!"

Gusto kong tumawa kasi parang bata si Rosen na may itinatangging bagay. Hindi naman sinungaling si Maico but it's okay. Hanggang gusto ko siya, walang magiging problema sa pagitan naming tatlo. "Bumalik ka sa trabaho mo."

"Sige Miss Maico, and Ma'am."

"Miss Ken!" Pagtatama ko.

"Miss Ken, bye!"

Umiling lang si Maico. Natuwa naman si Maico sa kaniya. Pero 'yun ay dahil sa'kin. Isa si Maico na kilala kong judgmental sa mga ganoon ang ugali pero dahil masaya ako, masaya din siya. Ang tungkol sa hover board? Hindi ko naitanong. Mamaya na lang. Nagtataka lang ako kung saan niya nakuha ang hover board na 'yun. Ewan, bakit curious ako sa lahat pagdating kay Rosen. Maybe hindi kasi ordinaryo ang unang pagkikita namin.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon