44.

107 6 0
                                    

Hindi ko na lang pinahalata na nagulat talaga ako. Kailangang malaman ng Daddy ni Ken na wala talaga akong pakay. Matapos naming mag-usap ay gusto kong mapag-isa kaya nagmop muna ako sa ibang area. Sa area na walang makakapansin sa'kin kahit maraming dumadaan na galing labas at loob ng bansa. Ayoko munang magkaroon ng kausap. Inaasahan ko na dapat na may boyfriend na si Ken. Dapat pala inalam ko muna. 'Di bali nang mapgalitan ako. Malapit na din akong umalis at dahil hindi na bata si Ken ay wala na akong pag-asa. Aasa pa ba ako na maghihiwalay sila? Akala ko talaga gusto ako ni Ken. Napatayo ako at pansamantalang tinigil ang pagmamop. Napansin ko ang isang babae na seryososong naglalakad. Nagulat ako. "Arseli!" Bulong ko. Hindi niya ako makikilala dahil bukod sa nagpagupit ako, naka-uniporme ako ng pang janitor. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko hanggang lumampas siya sa'kin. Tinignan ko siya habang naglalakad. Aalis ba siya ng bansa? Hindi na ako dapat magtaka dahil matagal na siyang pinapaalis ng mga magulang niya para sa ibang bansa na mag-asawa. Sinunod na niya ang mga magulang niya dahil wala na ako. Bago siya lumiko ay binalikan niya ng tingin ang pinanggalingan niya. Tumigil siya sa paglalakad. "Arseli." Parang nagpapaalam siya sa'kin kahit alam niyang wala ako sa tinitignan niya. Pero Arseli, nandito ako. Arseli. Siya ang babaeng nagmahal sa'kin ng totoo. Magkaiba man kayo ni Ken, minahal kita dahil mahal mo ako.

Pasensya na dahil hindi kita kayang panindigan. Pero kung magbago man ako, hindi parin ako magugustuhan ng mga magulang mo dahil wala silang pakialam sa ugali ng magiging asawa mo. Ang gusto nila ay ang lalaking makakatulong sa kanila. Tama si Daddy na hindi sila ang dapat kong sundin. Kung magbabago man ako, hindi na din mababago ang tingin sa kanila ni Daddy. Manggagamit sila. Hanggang sa nawala na sa paningin ko si Arseli. Lalo akong nalungkot dahil naalala ko ang nakaraan namin.

"Rosen!" May babaeng tumawag sa'kin.

Lumingon ako. Nakita ko si Banni. "Hi." Bati ko.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Ah wala. Sige, mauuna na ako." Umalis agad ako.

"Wait mo ako. Papunta ako kay Ate Leni. Sasabay ako sa cafeteria."

Hinayaan ko lang siya. Nakita namin ang mga kasama ko. "Ano na nangyare?!" Tanong ni Chukoy.

Wala talaga akong mood makipag-usap ngayon. Ngumiti lang ako. Hindi ko pinahalata na malungkot ako. Malungkot ako? Ewan, malungkot ako dahil nakita ko si Arseli. 'Yun ba talaga ang problema ko? Hindi ko alam. "Rose, bakit hindi ka kumikibo?" Nahalata yata ako ni Annafe. "Ano ba ang sabi sa'yo ni Mr. Go?"

"Wala lang. Dahil kay Ken. Tropa kami eh." Sagot ko. Huminga ako ng malalim.

"Pinapadistansya ka?" Tanong naman ni Leni.

"Actually hindi."

Nahalata na talaga nila na medyo iba ang mood ko. Lagi lang kaming nagtatawanan pero ngayon hindi talaga ako gaanong nagsasalita. Dumating si Danilo. "Rosen!" Tawag niya sa'kin. "Ano ang pinag-usapan niyo?"

"Wala." Ganito na talaga ako sa kaniya. Ewan kung mahalata niya.

"Anong wala? Nag-usap kayo, wala? Ano ang ginawa mo dun? Wala? Kalokohan!"

"Hoy Danilo, pwede ba? Ayaw niyang sabihin kaya galangin mo na lang." Sabi ni Leni. Si Leni lang ang sumasagot sa kaniya ng ganun dahil kadalasan, hindi naman siya pinapatulan ni Danilo kahit minsan binabastos din siya.

Ayoko nang makialam pa kay Danilo. Hahayaan ko na lang siya. Hindi ko na problema ang problema ng kumpanya na ito. Basta tatapusin ko na lang. Na kay Ken na lang kung kakaibiganin niya ako kung makikilala niya kung sino talaga ako. Hindi ko na pinansin pa ang pagtatalo nila hanggang sa may marinig akong hindi ko nagustuhan mula kay Danilo. "Si Miss Ken?" Narinig kong sabi ni Danilo. "Hindi niya ako papakialaman."

"Malakas ka kasi kaya kayo ang pinapaniwalaan." Pagtataray ni Leni.

"Wala akong paki sa kaniya. Maliban na lang kung magpapabiyak siya sa'kin." Tumawa pa siya. Kumulo ang dugo ko. "Sarap niya sigurong biyakin!" Siya lang ang nag-iisang tumawa. Tumayo ako. Nagtaka sila. Tinitigan ko si Danilo. Ngumingiti pa siya. Hindi niya talaga ako kilala.

In the name of Jesus.. sinara ko ang kamao ko. I will kick his ass... Umikot ako para may bwelo. Sinapak ko siya at inasinta ko ang panga niya. Solid ang tama kaya nabigla ang lahat. Dahan dahan siyang bumagsak sa lakas ng suntok ko. Gulat na gulat ang mga nakakita. "Rosen!" Leni panicked when she saw Danilo on the floor. Hinatak agad ako ni Chukoy. Tapos tinulungang tumayo si Danilo ng isang kasama niya. Ang tagal niyang makatayo.

Hindi ko na talaga kinaya pa. Masyado siyang bastos. "Rosen, malalagot ka." Nanggigigil ang boses ni Leni at kinurot ako.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin." Sabi ni Banni.

Napansin namin na tumayo na si Danilo at medyo hilo pa. Natikman niyang kamao ko. Hindi ko na talaga kinaya. May lumapit na isang babae. "Ano ang nangyayari diyan?" Tanong nito dahil halata sa ayos namin na may nangyari nga. Nakupo pa si Danilo na medyo wala pa sa sarili.

Walang nagsasalita. Napansin kong dumugo ang bibig Danilo. Pinunasan niya pa. Nakatingin lang ang lahat. Napansin kong ngumiti si Danilo ng bumalik ang isip niya. "Yari ka sa'kin. Ang tapang mo ah." Umalis sila medyo nanlalambot pa siya.

"Lagot ka, Rose." Pag-aalala ni Annafe.

"Matatanggal ka Rosen. Sana hindi mo na pinatulan." Sabi ni Jerry.

"Pre, ang lakas mo palang sumuntok! Lantang gulay si Tanga eh." Tatawa tawa pa si Chukoy at ang isang lalaki naming kasama na inis kay Danilo. "Tutulungan ka namin, alam kong gaganti sa'yo 'yan. Huwag kang mag-alala. Dapat lang sa kaniya 'yan!"

"Hayaan niyo na. Handa na akong matanggal. Walang tutulong sa'kin para wala nang madamay ah." Sabi ko at umupo.

"Nakakainis ka naman eh." Nagtatampo na si Banni dahil close niya ako. Hanggang sa pinatawag na ako sa office ng supervisor.

Pumasok ako sa loob. "Bakit mo sinuntok si Danilo?" Hindi ako sumasagot. "Matatanggal ka sa ginawa mo." Hindi na ako mangangatwiran pa. Nakita ng Diyos ang nangyari. Oo alam kong masama ang manakit pero alam ng Diyos kung bakit ko nagawa 'yon. Paparusahan ako ng Diyos alam ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Sobra na siya. "Magsalita ka. Nakakahiya kay Miss Ken kung tatanggalin ka namin kaya ipapaalam muna namin sa mas nakakataas ang lahat. Bakit mo sinuntok si Danilo?!"

"Sa kaniya niyo na lang itanong."

"Sigurado ka? Ikaw na ang mali dito. Hindi ka sumusunod. Tatanggapin mo 'yun?"

"Bahala kayo."

Mamaya lang ay lumabas na ako. Gusto kong mapag-isa. Hindi na ako matatakot pa. Wala na ding saysay ang pagtigil ko sa kumpanya na ito. Hindi ko na hinanap ang mga kasama ko. Pinasabi ko na lang sa ibang janitor na huwag na akong hanapin. Akala ko wala na akong problema pero sa isang iglap, naging ganito. Pero wala na din akong dapat pang panghinayangan. Ang sakit. Isang bata lang pala ako sa paningin ni Ken. Paboritong bata kaya binibigay niya ang lahat. Wala palang meaning 'yun. Sumilip ako sa bintana. Tinatamad na akong kumilos. Malamang, magagalit sa'kin si Ken dahil napahiya siya. Mahihiya pa ba ako? Alam ng Diyos ang nangyari kaya wala na akong magagawa pa. Tama nga si Ate Paulina. May mga masasamang tao talaga. Gusto kong umiyak na ewan. Naiinis ako sa sarili ko. I fell in love too quickly. Kasalanan ko 'to. May babae din pala na masyadong pafall. Ewan, kasalanan ni Ken ang lahat. Yumuko ako. Alam kong malalaman na ni Ken ito anytime. Tumagal pa ako sa bintana ng marinig ko ang boses ni Ken. Kinabahan na ako. Mukhang sa unang pagkakataon ay magagalit siya sa'kin.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now