34.

172 23 0
                                    

Who the hell is she? "Ahm, I'm Kennedy Go." Pakilala niya. Siya pala 'yun. "Wala ang Hiring Manager so--" Umupo siya. "Ako ang mag-iinterview sa inyo." Sumusulyap ako sa mukha niya pero iniiwas ko agad ang tingin ko.

"Hi Ma'am!" Umupo ang isa harap niya. Nagpakilala at nagkipag kamay pa. Halatang gustong matanggap sa trabaho. Napatingin uli ako sa mukha ni Kennedy Go.

Ang ganda nga niya totoo. Wrong timing talaga. Mas maigi talagang hindi ako matanggap ngayon. Bakit ba kasi nagkaganito ako? Kung inayos ko pala ang buhay ko, may pag-asa ako sa katulad niya. Ngayon ano pa ang dapat kong asahan? Halata naman na siya ang tipo na hinding hindi nababastos. Kailangan ko nang umalis dito pero paano? Tumingin ako sa pinto. Sarado and they will notice if I decide to go outside. Tatapusin ko na lang 'to. Hindi pwedeng makasama ko 'tong si Kennedy. Mukha siyang Anghel. Sabagay, I don't wanna work here. Sayang talaga. Ngayon ko narealize ang lahat ng sinayang ko. Ibang iba pala ang babae kung ganito. Tinignan ko uli siya. Papasa lang ako sa mga babaeng gwapo ang gusto at mayaman. Pero sa pagkakatitig niya sa'kin, parang dismayado siya. Nanliit ako sa sarili ko. "So, finished contract ka na pala sa dati mong trabaho kaya ka naghanap ng iba?" Tanong niya sa unang ininterview niya.

"Yes Ma'am. Complete po ako sa COE." Pinakita niya ang ilang papel.

"Okay, magagampanan mo naman siguro ang trabaho dito. Subok ka na pala."

"Wala namam pong trabaho na madali, alam ko po 'yun."

Kennedy nodded. Kaasar ah. Alam kong matatanggap sila. Sana hindi na niya matandaan ang mukha ko. Susundin ko na lang si Daddy na magtrabaho ng 2 months pero. Huwag lang dito. Sana may matutunan nga ako. Babalik ako dito pag marami na akong alam sa negosyo. Alam ko naman na sa taas nitong babae na 'to hindi papatol sa'kin dahil iba ang ugali ko sa mga kaibigan niya. Kaya kahit makilala niya ako, sa dami ng gusto sigurong mapang-asawa siya, baliwala lang ako. May mission ako ngayon. Kailangan kong maging kaibigan si Kennedy. Sana pala nagpakatino na ako. Pero alam kong magagalit siya sa'kin. Alam ko din na isa siya sa mayayaman na galit sa katulad ko dahil iba ang ugali ko kahit makilala niya ako. Mayayaman na walang paki sa nararamdaman ng mahihirap dahil hindi sila naghirap mula sa pagka-bata. Pero kaya siguro gusto ni Daddy na maranasan kong maging empleyado para makaya kong pakiharapan ang lahat ng tao. Okay, alam ko na ang gagawin. "Next!" Suddenly I heard her calling me dahil tapos na ang isa. Hindi ko namalayan 'yun ah. Tinanggal ko pansamantala ang earphone ko at cap ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Kakaiba ang titig niya. Nakakapraning lang. Ngayon lang ako nakaranas na makausap ang isang katulad niya. "You're name was Rosen Mark Donez? You're also?--"

"Rosen." Sagot ko. Ayoko ng RM. Bahala na siya at kung matatanggap ako sa ibang aapplayan ko, Rosen na lang din ang itatawag nila sa'kin.

Kanina parang ang bait bait niya pero ngayon, sa nakikita ko, dismayado talaga siya. Lahat ng tanong niya ayokong sagutin ng tama. Kaya sa inis niya siguro ay pinunit niya ang biodata ko at tinapon sa basurahan. Tumayo ako. Hindi naman ako napikon pero sana naman binalik niya sa'kin 'yung biodata kung ayaw niya. Kung totoo palang mahirap lang ako, sinayang niya ang picture ko. "Pinapatayo ba kita?" So, hindi pa pala kami tapos. "Tanggap ka na!"

Takang taka talaga ako dahil sa ipinakita kong ugali sa kaniya, tinanggap niya ako. "Bakit?" I asked her and I didn't give her a smile. I give him a confussion look. Hindi pwede 'to. Kapag nalaman niyang Anak ako ng kaibigan ng magulang niya, lalo niya akong itataboy dahil ganito lang ako. Mukhang kailangan kong panindigan 'to.

"Dahil sa ginawa mo sa'kin. Kailangan kang maparusahan."

"Maparusahan?"

"Oo, alipin na kita." Tumayo siya. "Sumama ka sa'kin." Tumayo ako. Dala ko ang bag ko. Lumabas siya ng kwarto pero hindi ako sumunod. Nakakapagtaka naman. Kilala na yata ako nito. Hindi kaya, planado na ang lahat? Alam din kaya niya na ako si RM De Rocca? "Faster please!" Rinig ko kaya sumunod ako. Hinintay niya ako. Hindi siya ngumingiti pero nakatingin siya sa mukha ko habang palalapit ako sa kaniya.

Expect The UnexpectedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora