24.

239 15 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kaniya. Malungkot na Rosen ang nakikita ko. "Tena, tignan natin kung sino ang nanalo?" Sabi ko na lang dahil mukhang nasaktan siya sa nangyari.

"Hindi na kailangan dahil baka lalo lang akong masaktan."

"Why? Aalamin lang natin. Malay mo manalo siya 'di ba?"

"Ayokong malaman na nanalo siya. Lalo kong maaalala ang nangyari sa'kin." Nakatitig ako sa kaniya. Napayuko lang siya. "Nang madapa siya, sinasabi ko sa isip ko na 'Bumangon ka, kaya mo 'yan. Huwag kang magpapatalo.' dahil gusto kong makakita ng isang tao na lumalaban lalo't babae pa. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganun. Habang kumakanta siya ay unti unti kong narealize na walang dahilan para magpatalo." Oh my, had Rosen done a mistake in the past? Pero halos inamin niyang masaya siya ngayon. "Kaya pala may mga taong gusto akong makabangon dahil mas masayang nakakakita ng taong hindi pinanghihinaan ng loob. Akala ko simpleng advice lang ang lahat. Akala ko, ginagawa lang nila 'yun dahil 'yun ang tama. Pero kanina lang, gustong gusto kong lumaban siya at masaya akong nakitang nagsisigawan ang mga tao dahil sa galing niya. Natatakot akong makita kung sino ang nanalo dahil malaking sampal sa'kin na manalo siya. Akala ko, akala ko, akala ko, Akala ko, huli na ang lahat. Pero gusto ko siyang manalo. Ewan ko, lalo lang siguro akong malulungkot pag nanalo siya. Masaya palang nakakakita ng taong lumalaban. Ang bitter ko."

Pangalawang beses kong makitang ganiyan ka seryoso si Rosen. Ito na 'yung pangalawang ugali niya na madrama. Ano ba kasi ang pinagdaanan niya sa nakaraan? "Sana sabihin mo sa'kin ang lahat. Handa akong makinig."

"Sapat na sa'kin 'yung hindi ka magbago, Ken. Sana, hindi mo ako iwan." Narinig ko ang pinaka-maganda sa buong buhay ko. 'Yung isang taong ayaw mong mawala sa'yo pero siya pa pala ang magsasabi ng gusto mong sabihin. I'm already satisfied somewhat we have. Hindi ko na kailangan pang alamin ang pwede kong malaman. Masaya ako ngayon. Kung ayaw niyang alamin kung sino ang nanalo, kailangan kong pasayahin ang taong nagpapasaya sa'kin. I put my palm on his back to show my support.

"Andito lang ako lagi. Hinding hindi ako mawawala."

Napansin kong ngumiti siya. Tumingin siya sa'kin. Bigla niya akong hinila. "Magsaya tayo. Hindi pala dapat tayo malungkot." Naglalakad kami. Nakakita kami ng fishball. "Gusto mong itry 'yan." Tinuro niya 'yung nagtitinda na nakatigil sa gilid. Ito na 'yung napapanood ko sa Tv o nababasa ko.

Hindi naman siguro ako magkakasakit kung isang beses akong tumikim. Sa libro kasi fiction lang kaya walang kinalaman ang dumi ng pagkain. Teka, sa libro o sa Tv, masasarapan 'yung bidang mayaman sa fishball. Totoong buhay 'to. Papayag ako pero sorry na lang kung hindi ko magustuhan ang lasa. "Hindi ako pinapayagan ni Maico na kumain niyan pero sige, I'll try."

"Ang mga taong nagkakasakit sa fishball ay 'yung halos gawin na nila itong kanin sa dami nilang kumain. Kakain lang tayo ng kahit sa halagang tatlong piso lang." Well, siguro nga. Lumapit kami at binigyan ako ni Rosen ng anim na piraso sa isang stick. Matamis lang ang gusto ko tapos siya sa maanghang. Tinikman ko. Oh my god! Ito nga 'yung nangyayari sa mga nababasa ko. Hindi naman pala masama ang lasa. Parang nasa restaurant din ako. 'Yung pagkain na hindi pamilyar na bigla mong matitikman. Masarap naman kasi lahat doon. Pero ito, feeling ko talaga, nasa restaurant ako. Hindi na ako nanibago dahil alam ko naman na pare-pareho lang ang lasa ng pagkain. Napansin ko si Rosen na nahihirapan pang kumain. Ngumiti siya sa'kin. Tumingin ako sa ibang tao. Ganun din sila. Kaya pala. Biglang may pumasok sa isip ko nung makita ko si Rosen na nahihirapan kumain. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang balat niya na sobrang kinis tignan. Ang bigote niya na alaga sa ahit. Parang Anak mayaman siya. Pero hindi naman nakakapagtaka dahil araw araw siya sa air-conditioned place. Ano nga kaya kung isa na naman ito sa nababasa ko? 'Yung isang taong nagpanggap na mahirap lang dahil naghihirapan siyang mabuhay. Kaso parang imposible. Totoong buhay kasi 'to.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now