8.

531 18 1
                                    

Matapos ang meeting ay nagmamadali akong pumunta sa cafeteria. Pero bakit wala si Rosen dito? Pinagtanong ko pero hindi naman daw dumaan doon. Saan kaya nagpunta 'yun? Naghanap ako ng janitor pero ang alam nila ay umuwi na siya. Well, nalungkot ako. Kailangan kong aminin 'to.

Nanlalambot akong pumasok ng office. Maraming trabaho pero tinamad ako. Pinasa ko na lang muna sa iba. Actually hindi ko nga dapat gawin pang magtrabaho eh. Pero syempre, gusto ko din naman.

Pinuntahan ako ng supervisor ng janitorial. "Miss Ken. May I ask you somethin'?"

"What is it all about?"

"Pwede bang bigyan natin ng pagkakataon si Danilo?"

"Maraming mas deserve sa kaniya."

"Pero mahihirapan na tayong makahanap ng tulad niya?"

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?"

"Alam ko, Miss Ken. He's a leader. He has an ability to lead people and besides, siya ang sinaktan."

"I'm very sorry. Hindi na ako magbabago ng desisyon. Hindi lang leadership ang kailangan dito. Kailangan din natin ng Friendship. Kahit ikaw kaya kitang palitan kung gugustuhin ko. Hindi mo ba alam kung gaano karaming Pinoy ang walang trabaho? Hindi mo rin ba alam na sa dinami-dami nila ay maraming mas deserve sa inyo? O baka hindi mo rin alam na maraming nakapilang supervisor na hindi matanggap dahil andiyan ka? At lalong mas magaling sila sa'yo. Friendship ang kailangan dito at hindi lang ang leadership. Kahit itanong mo kay Maico, maraming mas deserve sa'yo pero dahil hindi ka na din iba sa'min, hindi ka namin pwedeng tanggalin kahit kaya ko. Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko, bukas din, ayoko na kitang makita!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun. Ayokong makasakit ng tao pero dahil kay Rosen, nag-iba ang pananaw ko sa mga empleyado. Kahit gaano pa kataas ang naabot mo, kaya ka nandiyan sa pwesto mo, may mas magaling pa sa'yo na hindi makapasok dahil hinuhusgahan agad sa umpisa pa lang. Makita lang na mababa ang eskwelahan, hindi na agad tinatanggap. Alam kong tama lang pero sa dinami-dami ng gustong magtrabaho, hindi na makapasok ang iba. Bakit sa ibang bansa mga elder ang nagsisilbi sa'min sa fastfood? Bakit dito hindi deserving ang may edad na? Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Kaya ora mismo, kaya ko kayong tanggalin kung gugustuhin ko. Dahil may mas magaling pa diyan. Ang pangit ng mood ko ngayon. Umalis ang supervisor. He can't please me.

Rosen? Bakit ka umuwi? Tinamad akong magtrabaho kaya plano kong yayain mag inom si Maico nang mag-o-out na kami. "Saan tayo?" She asked. Kasi kalimitan, nagsasabi ako kung uuwi ako but this time ay hindi. Kilala niya ako.

"Kahit saan. Basta may maiinom." I answered cool but alam kong kilala niya ako.

"Bakit kasi tinanggal mo ang isang headman sa janitorial? Pwede naman siyang parusahan muna?"

"Naniniwala ako kay Rosen. At ang alam ko, hindi na dapat pinagkakatiwalaan ang ganung klaseng empleyado. Matuto siya sa panibagong trabaho niya. Mas maraming mas magaling sa kaniya."

"Sige-sige. Doon na lang tayo sa suite ko. Ayoko munang gumala. Pagbibigyan lang kita dahil kailangan mo 'yan." Napatingin ako sa kaniya. She's very cool. Bakit kaya hindi naman siya ang pagbigyan ko? Lagi na lang bang ako?

Wait! May naalala ako. "Maico! Hindi tayo matutuloy?"

"Bakit?"

"Nakalimutan ko, may boyfriend na nga pala ako!" Oh my god I almost forgot. Nagmamadali akong naglakad. "Maiwan na kita. I checked my phone and oh my! Ang daming missed calls ni Jordan. Nag back call ako. "Hello Jordan. I'm very sorry, I am busy! Where are you?" Mabilis parin akong naglalakad.

"I've been calling you so I decided to wait your call. Randomised daw ang uwi mo. Pero pwede na kitang sunduin if you want?"

-

Ngayon kasama ko na siya. Alam kong naiintindihan niya ako. Masaya ako dahil kasama ko siya pero sana maayos na ang lahat. Naalala ko parin si Rosen. Umuwi kami sa bahay ko. Pinapasok ko siya sa room ko. Boyfriend ko siya at hindi bisita kaya mahalay na hintayin niya ako sa ibaba. Hindi na din kami teenagers. So, what can we do now? Ngayon ko na sisimulan ang happiness na hinahanap ko. Gusto ko nang maramdaman ang pagmamahal niya kahit ayoko pang maging asawa niya. After couple of minutes inside my room.. we're temporally take off our clothes matapos naming magkatitigan. Masasabi kong walang babae ang aayaw sa katulad ni Jordan.

After ng sex ay binulungan niya ako. "Sobrang saya ko dahil andito tayo ngayon. Can't believe anyway. Ang isang katulad mo ay magiging asawa ko na."

"Huwag kang ganiyan, Jordan. Ako man ay napasaya mo. Ordinaryong tao lang ako kaya 'wag mo akong halos sambahin." Tinalikuran ko siya but it doesn't mean that I'm not happy momently. Nakangiti ako at sana maging masaya na ako simula ngayon.

"You're a goddess. Thank you!" Nginitian ko lang siya.

Saka na kami magdedate dahil wala akong mood ngayon. Bukas sana meron na. Hindi na uso ang date ngayon kaya tingin ko okay na kami sa ganito. Magdedate kami para ipaalam lang sa mga tao na kami na pero ayoko muna. Okay na siguro 'yung kumalat ang balita. Ako na lang mag-isa sa bahay bukod sa mga kaibigan kong kasambahay. Minsan sinasamahan nila akong uminom but this time, magsosolo ako. Nagpunta ako sa mini bar ko. Magpatugtog ng love songs. Uminom ako. Binuksan ko ang ilaw. Napansin kong may isang babae ang papalapit. Isa siyang kaibigan kong kasambahay. Madalas nila akong samahan. "Gusto mong samahan kita, Ken?"

"Huwag na. Thanks. Gusto kong magpag-isa." Matamis kong sagot sa kaniya.

"Ang gwapo ng boyfriend mo ah." Kumento lang niya at lumabas na.

Nakatitig ako sa baso na may lamang alak. Masaya na ako ngayon dahil kumpleto na ang lahat. Kasal na lang ang kulang. Panigurado na magiging busy na naman ako kaya ayoko munang ikasal. Nakakatamad pang pumili ng damit pang kasal. Saka na. Tumungo ako sa lamesa. Naalala ko si Rosen.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now