50.

37 2 0
                                    

Nakahiga kami ni Waine sa medyo malambot kong higaan. "Hindi ako makapaniwala na nag-iisa ka dito." Sabi niya. Nanonood lang kami ng Tv.

"Una, dalawang buwan lang. Pero may nangyari kasi eh. Iba pala talaga pag gusto mo ang babae."

"Sino? Kasamahan mo?" Nginitian ko siya.

"Kilala mo si Kennedy Go?"

"Yung may ari ng airport?"

"Oo. Kaibigan ko siya. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko pang magtrabaho." Nagtaka siya. Ano kaya ang nasa-isip niya? "Siya ang kapit natin sa trabaho pero nakakahiya kung tatamad tamad tayo. Masaya naman doon. Pero kung kailangan mo ng sahod.. maiinis ka lang. Maliit ang sahod. Kailangan talagang magtipid kung marami kang pinaggagastusan. Wala sa gatiting ng ginagastos mo araw araw. It was nice 'cos wala tayong pressure. We already have money. Kaya sana tumagal tayo ah. Hayaan mo, baka isang buwan na lang."

"I know. Pero interested ako sa mga babae. Kasi sabi mo, 'yung ibang babae madaling bumigay."

"Parang ganun. Iba kasi ang sitwasyon natin noon. Ang mga babae sa mundo ng mahihirap ay pumipili ng lalaking mapera minsan. Hindi naman lahat dahil sa team namin, bonus na si Leni at Annafe na walang landi gaano. Inuuna ang trabaho."

"Ganun ba? Pareho din sa mundo natin."

"I mean, ang mga babaing nasa high society ang nakikilala natin. Expected na ang lahat. Pero kung makakakilala ka ng babaing matatypan ka doon, mas madali kasi may pera ka. Kaibahan lang, mas maraming matitino na kailangan mong ligawan muna. Hindi ligaw pera ah. Effort lang pwede na."

"Ang hirap naman. Baka jologs naman sila."

"Hindi ah. Okay sila. Matitino. Baka kalahati lang ang iambag mo sa cellphone na bibilhin nila, masaya na sila."

"Ah okay. Sabagay, ang mga babae na nakikilala natin, hindi talaga sila papatol sa lowclass. Pero babae din naman sila."

"Si Maico, medyo liberated 'yun. Pero magpakabait ka lang. Magugustuhan ka nun. But I think hindi mo siya type. Kilala kita." Pero iba si Ken. She's so amazing. Sa likod ng kayamanan niya, napakababa ng loob niya. Baka mas mababa pa ang loob niya sa pangkaraniwang empleyado. Sure ako, siya na nga si Ate Paulina.

Natulog na lang kami. Excited ako kinabukasan dahil kasama ko na si Waine. "Huwag na tayong magdala ng phone." Sabi ko.

"Bakit?"

"Trabaho lang. Hindi karaniwan sa mga empleyado ang expensive phone. At pwede mo namang kunin ang number ng type mong babae. Then dito mo na sa bahay itext."

"Hay naku, RM."

"Rosen dapat."

"Hindi ako sanay."

"Ayoko ng RM. Rosen na lang. Burado muna siya pansamantala. At lalong hindi ako seryosong tao doon."

"Hindi naman talaga tayo seryoso 'di ba?"

Naglalakad na kami ngayon. Bumaba na kami sa jeep. Sanay si Waine sa jeep dahil wala siyang kotse noon. Dumami lang ang pera niya dahil sa negosyo. Naturuan lang ng Tito niya na nagmahal ng totoo sa kaniya. And the rest, mahirap lang siya talaga. Ako ang hindi sanay sa lahat. Pero natuto na ako. Pumasok kami sa loob. "Are you sure na makakapasok ako dito?" Tanong niya.

"Oo, basta sumagot ka lang. I know may alam ka. Baka kasi interviewhin ka ni Maico. Kailangang alam mo ang lahat. Magpakatotoo sa tanong. Gwapo tayo kaya kung tanungin ka kung heart breaker ka.. umamin ka pero sabihin mong magbabago ka na. I'm sure naman tatanggapin ka nun. Ayoko lang na isipin nilang malakas ako kaya hindi mo na kailangang gawin ang dapat."

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon