MAXRILL WON DEL VALLE

17.3K 201 4
                                    

Magugulat ka sa kanyang pananalita,
Masasabi mong hindi na s'ya ang dating isip-bata,
Makahulugan na ang binibitawang salita,
S'ya'y isa ng binata na lihim na sumisinta.

Kakaiba na talaga ang salitang binibitawan,
Bakit pa raw liligawan,
Kung pareho naman kayo ng nararamdaman?
Mga salita n'ya may kakaibang nilalaman.

Maxrill Won Del Valle uunti unti nang nagbabago,
Nararamdaman hindi na yata maitago,
Kaya bang kalabanin ang sariling kadugo?
Para sa pag-ibig na inaasam ay hindi mabigo.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now