MASUWERTE

186 3 0
                                    

Yaz feel be like

Totoong boyfriend ko na s'ya,
Ako rin ay nagustuhan din n'ya,
Ako na sobrang arte,
Ngayon feeling napaka suwerte.

Aming relasyon bagamat ay 'di perpekto,
Sinusubukan kong 'wag na lamang pa epekto,
'Di sa akin laan lahat ng oras n'ya,
Lalo maraming nangangailangan sa kanya.

Aminadong 'di ko s'ya maintindihan,
May parte sa aking isipan na naguguluhan,
Sa pakikinig ng mga dahilan n'ya,
'Di ko maiwasan na makonsensya.

Susulitin ko oras na s'ya'y kasama,
Aking pagmamahal sa kanya ay ipadarama,
'Di makapaniwala napaka suwerte ko,
Dahil ngayon ay mahal na n'ya ako.

Napaka suwerte ko sa kanya,
Sa dami ng babae ako ang ipinili n'ya,
Masuwerte ako at mahal ako ng isang Del Valle,
Ang masasabi ko na lang ay ako na ang masuwerteng ate.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now