SIMULA

711 13 0
                                    

Maxrill feel be like

Sa 'yo, ako ay may gusto,
At nagkusa ito,
'Di ko alam ang gagawin ko,
Upang mapansin mo ako.

Nadarama mo ay 'di mo mabitiwan,
Kahit na madalas ka naman n'yang iwan,
Handa kang magtiis kahit nasasaktan,
'Di mo s'ya makalimutan.

Kahit lagi ka n'yang pinaghihintay,
Sa paningin mo wala s'yang kapantay,
Masaya ka na kapag s'ya ay nakakasabay,
Habang ako rito patuloy na nalulumbay.

Sa damdamin ko ay 'wag kang magtaka,
Totoong sa tuwina ay naiisip ka,
Simula nang puso ko'y tumibok na,
Sa 'yo lang bumibilis noona.





Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now