KAHIT

1.4K 25 0
                                    

Yaz feel be like

Dati naman ay hindi kami magkasundo,
Paano kaya s'ya'y napakasuplado,
Kung minsan naman ay napaka antipatiko,
At madalas ay sinusungitan n'ya pa ko.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin,
Sa kanya nagkaroon ako ng pagtingin,
Magandang katangian n'ya ay aking napansin,
Kaya hindi kataka-taka na s'ya'y nakuhang gustuhin.

Hindi ko na matandaan kung kelan nagsimula ito,
Namalayan ko lang nasa kanya unti-unti nang nagkakagusto,
Na gumagawa na ko ng paraan para mapansin n'ya ko,
Hanggang ngayon umaasa at hindi sumusuko.

Kahit papano may nagbago sa pagitan namin,
Iyon nga lang naguguluhan ako sa kanyang damdamin,
Bawat sandali na kasama ko s'ya ay ayos na sa 'kin,
Kahit hindi ko pa matatawag na s'ya'y ganap ng akin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now