Chapter 22

197 2 0
                                    

Yaz feel be like

Sa pagkain sa amin ay sumabay s'ya,
Nadarama ko ay walang kasing saya,
Hanggang marinig ko usapan nilang pamilya,
Na nasasaktan namin ang kapatid n'ya.

Nagkamali ako ng inaakala,
Akala tuloy tuloy na, hindi pa pala,
Ayoko na may masaktan sa kanila,
Bakit ganito nararamdaman ko bigla?

Bakit parang nangulila ako sa kanya,
Hinahanap ko ang kanyang presensiya,
Ang mahal ko ay kanyang kuya,
Bakit nakakaramdam ako ng konsensya?

Nangako ako  sa kanya,
Na wala kong balak saktan s'ya,
Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso n'ya,
Mga mata n'ya ay walang bakas na saya.

Si Maxrill ay umiiwas na sa amin,
Nasasaktan s'ya sa relasyon namin,
Bumigat bigla ang aking damdamin,
Anong nangyayari sa akin?

Nakakalungkot na may nasasaktan dahil sa amin,
Bukas na raw ang alis namin,
Ang sagot na salamat ay hindi n'ya inaasahan sa akin,
Ilang beses n'ya ko hinalikan at bago papasukin.

Ang pagtahol ni Hee Yong ay narinig ko,
Kaya naman mabilis na lumabas ako,
Tanong ko gabi na bakit nasa labas pa ito,
Sagot ni Maxrill kasi dumumi raw ang aso nito.

Tinanong n'ya bakit gising pa ko?
Sagot ko sa ingay kaya nagising ako,
Sa akin napakasungit na nito,
Sinundan ko sila hanggang makauwi ito.

Paano raw magbabago ang isip ko?
Sa narinig ay nagulat ako,
Pinagsarhan na n'ya ko ng pinto,
Hanggang bumukas muli ito.

Hinila n'ya ko papasok dito,
Sabi n'ya ay mahal n'ya ko,
Mga labi ko hinalikan nito,
Napapikit ako nang tugunin ito.

S'ya ay itinulak ko palayo,
Si Maxwell agad ang naisip ko,
Bakit nagkaganito?
Bakit kailangan mangyari sa akin ito?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now