PANGARAP KO

160 3 0
                                    

Yaz feel be like

Pinuntahan ko sa Laguna si Naih,
Bestfriend nito ay kapatid n'ya,
Guwapo nga s'ya masungit naman,
Maxwell pala kanyang pangalan.

Noon ay tinatarayan ko pa s'ya,
Hanggang humanga ko sa kanya,
Simula noon lagi ko na s'yang hinahanap,
At s'ya na ang lalaking aking pinapangarap.

Hindi maitatanggi ugali namin ay magkasalungat,
Gustung gusto ko s'ya alam ng lahat,
Nagbago pananaw ko dahil sa kanya,
Naging inspirasyon ko s'ya.

Naisipan ko muling mag-aral,
Kursong makakatulong sa aking mahal,
Akala n'ya ay hindi ako seryoso,
Kailanman ay hindi ako sumuko.

Kahit pa ito ay napakahirap,
Para makasama lalaking aking pangarap,
Kinaya ko ang lahat ng ito,
Patuloy at hindi huminto.

Taon din ako nangungulila sa kanya,
Hindi nagbago aking nadarama, mas lumalim pa s'ya,
Kaya nang sila'y nagbalik,
Aking sigla ay muling nanumbalik.

Sa kanyang ikinikilos ako'y naguguluhan,
Kung minsan ay hindi ko na maintindihan,
Hindi ko alam kung nagbibiro ba o seryoso,
Kaya madalas magtalo aking isip at puso.

Hindi ko inaakala na s'ya'y aamin,
Hindi ko inaakala pareho kami ng damdamin,
Hindi ko alam kung tatagal ang aming relasyon,
Kaya ang kasiyahang nadarama ay susulitin ko ngayon.

Sa mga salitang binibitawan ng kanyang bibig,
Nalulusaw ang puso ko at mata'y nanunubig,
Hindi ko inaakala aabot kami sa ganito,
Na mamahalin din ako ng lalaking dati ay pinapangarap ko.

Pangarap ko ngayon ay madalas s'yang makasama,
Na hindi magbago ang aming nadarama,
Na tumanda kasama s'ya habang nabubuhay,
Pangarap kong ito sana ay ibigay.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon