'DI KO INAASAHAN

221 4 0
                                    

Yaz feel be like

S'ya ang lalaking aking pinangarap,
Ngayon sa akin s'ya'y nakikiusap,
Nasa pag-aalala ang tinig ko,
Habang sa kanya ay nangangako.

Ramdam ko ang tibok ng puso n'ya,
Sa akin patuloy na nakikiusap s'ya,
Bakit aking puso ay biglang nalito,
Bakit para kay Maxrill ay nasasaktan din ito?

Kaytagal kong hinintay na kanyang mahalin,
Ang pagkakataon na ito akin bang sasayangin,
Bakit ba kailangan ko pa mag-alinlangan?
Maliwanagan ang aking kinakailangan.

Kahit anong gawin may masasaktan ako,
Mahalaga sila pareho sa buhay ko,
Nagtatalo na ang isip at aking damdamin,
Ayoko na magkasira sila dahil lang sa akin.

Isa akong malaking balakid,
Sa magandang samahan nilang magkapatid,
Gulo lang ang nagagawa ko sa kanila,
'Di ko inaasahan na katulad ko ay mamahalin nila.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now