DATI

556 5 0
                                    

Yaz feel be like

Ako ay mahal din n'ya,
Pakiramdam ko'y walang kasingsaya,
Pero ako rin ay nakaramdam ng konsensya,
Sa mga salitang narinig ko mula sa kanya.

Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito,
Sa kanya mas nahulog ng husto,
Natatakot s'yang mawala ako,
Narinig ko na rin ang salitang hinihintay ko.

Dati nangangarap na mahalin n'ya rin,
Ang 'wag n'yang iwan ay aking dalangin,
Natupad ang hiling ko na kanyang mahalin,
Sana hindi magbago ang laman ng kanyang damdamin.

Sa mga narinig hindi ako makapaniwala,
Ako ay kanyang ipinakilala sa kanila,
Bilang nobya, nasa akin ay nagpatulala,
Gulat din ang naging reaksyon nila.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now