ORAS NA BA

110 2 0
                                    

Yaz feel be like

Wala na kong balak balikan,
Ang aking nakaraan,
Ginusto ko na iyong kalimutan,
Dahil labis akong nasaktan.

Ngunit heto s'ya,
Ako ay ginugulo n'ya,
Wala na kong nararamdaman sa kanya,
Sa piling ng bagong mahal, ako ay masaya.

Napapapikit na ko sa kanyang rebelasyon,
Halo-halo na ang nararamdaman kong emosyon,
Hindi ko na ang alam mangyayari ngayon,
Sa nag-uumpisa pa lamang naming relasyon.

Ito na ang araw ng kinatatakutan ko,
Sa akin ba ay agad na s'yang susuko,
Sa kanila ay nahihiya ako,
Tila hindi matutupad aming pangako.

Naluluha ko s'yang tinitingnan,
Relasyon namin ano na ang kahihinatnan?
Sa kanya ay marami akong natutunan,
Oras na ba para magsabi ako ng katotohanan?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now