ITONG PUSO

905 21 0
                                    

Yaz feel be like

Akala ko sa aking paglayo,
Ika'y malilimutan ko,
Pero bakit ganito?
Nahihirapan ako.

Gusto muling magsimula,
Kaso lagi kang naaalala,
Ikaw ba itong nagpadala,
At nagparamdam bigla?

Damdamin ko hirap mag-iba,
Puso ko yata ikaw ang sinasamba,
'Di ko alam kung bakit ba?
Itong puso ko ayaw tumibok sa iba.

Anong meron ba sa 'yo?
Parating tanong sa sarili ko,
Sa paglimot sa 'yo, nahihirapan ako,
Kung maari lang tanong ko ay sagutin mo.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon