KAYA ITONG PUSO

735 16 0
                                    

Maxrill feel be like

Sinubukan pigilan ang sarili,
At hayaan na lamang manatili,
Ang sarili sa isang tabi,
At nadarama ay 'di masabi.

Subalit 'di ko kinaya,
Gusto ako nasa posisyon n'ya,
Saya ay hindi ko ganap na nakikita,
May halong lungkot ang iyong mga mata.

Kung ano kayo ay 'di pa malinaw,
Atensyon mo pilit ko pa ring inaagaw,
Una mo ring mapapansin isang araw,
Pag-asa sa puso ko ay 'di pa ganap na natutunaw.

Magigising ka na hindi pala s'ya ang nag-iisa,
Kaya itong puso ko ay patuloy na umaasa,
Walang paki kahit pa kadugo ko s'ya,
Lalo na kung ikaw ay pinapaiyak lang n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now