LOVE WITHOUT LIMITS

352 5 0
                                    

Pag-ibig na walang limitasyon,
Pag-ibig nagpapadama ng iba't ibang emosyon,
Pag-ibig na maituturing mong inspirasyon.

Pag-ibig na nais ay dalisay at totoo,
Pag-ibig na tanggap ka ng buong-buo,
Pag-ibig na tanggap ang iyong pagkatao.

Pag-ibig na may lungkot at saya,
Pag-ibig na may nagpaparaya,
Pag-ibig na 'di makasarili para sa kanya.

Pag-ibig na pinili,
Pag-ibig na dalangin ay patuloy manatili,
Pag-ibig na hanggang sana sa huli.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now