ANO KA NGA BA?

771 16 0
                                    

Maxwell feel be like

Ano ko nga ba sa akin?
Sa sarili ay tinatanong ko rin.
Ikaw ay aking gusto,
'Di alam kung mas lalalim pa 'to.

Sa buhay ko ano ka nga ba?
Naiinis kapag may kasama kang iba,
Naaalala ka kahit na abala ako,
Gusto lagi ika'y nakikita ko.

Masaya kapag ika'y kasama,
Damdamin nais kong ipadama,
Pagkayakap ka pakiramdam ay gumagaan,
Pag-ibig mo sana sa akin lang ilaan.

Para sa akin, ikaw ay mahalaga,
Nadarama ko sa 'yo higit pa sa paghanga,
Ikaw na yata ang babaeng nasa akin ay bubuo,
Babaeng nasa buhay ko ay kukumpleto.


Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon