MAXWELL LAURENT DEL VALLE

227 7 1
                                    

Ngayon ganap na napagtanto,
Natatakot s'yang magbago ito,
Nasanay na ang mundo nito ay tanging s'ya,
Nangangamba unti-unti na bang nagbago iniisip n'ya.

Hindi handang maramdaman ang sakit,
Sa kanyang isipan nais isatinig ang salitang bakit?
Kaybilis ng tibok ng kanyang puso para rito,
Pagmamahal at takot ba ang dahilan nito?

May nais itanong ang isipan sa kanya,
Ang magsabi ay naghihintay lamang s'ya,
Ang sakit na tuwing idadampi na ang labi,
Tila hindi na s'ya ang kanyang katabi.

Ang dating kaybilis n'yang tugon,
Parang pinag-iisipan pa ngayon,
Lalaking iniisip na ang kanyang mga pangarap,
Huwag s'yang saktan tangi lamang pakiusap.

Maxwell Laurent Del Valle ang kanyang ngalan,
Pagpili sa kanya ay nais magkaroon ng kasiguruhan,
Panandalian lamang ba ang sayang kanyang nadarama,
Ang babaeng yakap sa habang buhay nga ba makakasama?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon