Chapter 9

1.6K 29 0
                                    

Yaz feel be like

Magsisimula na ko magtrabaho sa ospital,
Itong si Keziah ay inilagay ako sa dental,
Kaya medyo nahihirapan ako,
Wala kong magawa dahil s'ya'y senior ko.

Pagiging flight attendant ko ay alam n'ya,
Sa buhay ko yata ay nag-uusisa s'ya,
Sa akin tila ang dami n'yang gustong malaman,
Kung tutuusin hindi naman kami magkaibigan.

Nagpunta kami ng kasama ko sa canteen,
Pagpasok nila ni Keziah ako ay napatingin,
Maraming nagsasabi na bagay sila,
Sa isip-isip ko kung alam lang nila.

Nauna na kaming lumabas doon,
Mga tingin ng mga lalaki sa akin nakatuon,
Ramdam ko ang paningin n'ya sa akin,
Kahit na ako ay hindi n'ya kausapin.

Paglabas namin nakita ko si Maxrill,
Kaya naman ako ay saglit napatigil,
Pinakinggan ko ang kinakanta n'ya,
Natatawa naman ako sa kanya.

May mga dumating na tao,
Kaya naman s'ya ay lumapit dito,
Hinahanap ang kuya n'ya,
Montrell Venturi ang pakilala sa kanya.

Boses ni Maxrill ay nagbago,
Tumalikod na s'ya sa mga ito,
Si Montrell may binulong sa kanyang tauhan,
Hindi ko alam kung bakit bigla kong kinabahan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now