LOVE WITHOUT LIMITS

126 1 0
                                    

Wala akong pakialam sa iyong nakaraan,
Ang mahalaga sa akin tunay mong nararamdaman,
Na ako ay kasama sa iyong binubuong bukas,
Hanggang ang buhay mo ay tuluyang magwakas.

Pag-ibig ko sa 'yo ay walang limitasyon,
Kahit pa buhay ko ang maging kapalit niyon,
Walang sawa kitang uunawain,
Walang limitasyon kitang mamahalin.

Pag-ibig ko sa 'yo ay walang hanggan,
Narito ako handa kang pakinggan,
Walang hanggan kitang mamahalin,
Hanggang buhay ko ay kunin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon